LT 11

45 1 1
                                    

Contessa's DREAM

Bigla kong nakita si Ventura naglalakad, hinabol ko siya pero hindi ko siya magawang habulin sa tuwing maabutan ko na siya bumibilis ang lakad niya.

"Iniwan mo na ko diba?! Iiwan mo ba ulit ako ngayon?! M-madaya ka! " sigaw ko habang umiiyak.

Nakita kong tumigil siya't lumingon.

Nakita kong umiiyak siya pero tumalikod siya at naglakad ulit.

Madaya ka! Madaya!

Humagulgol ako lalo at napapo.

Napagod ako kakaiyak kaya naman naisipan ko bumalik ulit sa puting sofa.

Nahiga ako dun at pumikit sana para matulog. Pakiramdam ko may nakadagan sa isang braso ko, kaya naman dumilat ako.

POV (GISING NA SIYA! )

Pagkadilat ko, hindi ako nakahiga sa sofa, nasa isang hospital bed ako at maraming nakakabit sakin, tiningnan ko ang bintana madaling araw palang yata. Ilang araw akong natulog?

Gusto kong makita si Ventura kaya naman dahan dahan kong tinanggal ang braso na nakapulupot sa braso ko at tumayo, Ano ako unan? Letse!

Tumingin ako sa pader na nakasabit ang orasan.

6am na.

Pumunta ako dun sa lalaking ginawang unan ang braso ko.

"Pst! " sabay kalabit ko.

Hindi pa rin nagigising.

"Mister! Gising!" Sabay kalabit ko ulit.

Ayaw pa rin?

Tiningnan ko yung vase sa gilid ng hospital bed, pumunta ako dun at tinanggal ang mga bulaklak.

Lumapit ulit ako sa kanya at binuhos ko ang tubig sa kanya.

Sa gulat niya nahulog siya sa inuupuan niya.

"Wǒ lēi gè qù?! "

"Ha? ano yun? Minumura mo ba ko?! "

Biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Sino ka ba ha?! Bakit ka nandito?! "

Bigla niya na lang ako niyakap. Naramdaman kong nabasa ang balikat ko.

"Hoy mister! Umiiyak ka ba? Aba wala akong hinagawa sayo ha! "

"Wǒ hěn xiǎng nǐ, wǒ hěn bàoqiàn... "

LOVE ADVENTURE Of MISS BABOYWhere stories live. Discover now