LT 18

19 1 0
                                    

Contessa's POV

Nakarating kami sa resto na sinabi ni mama.

Bababa na sana ako ng pigilan ako ni Ventura.

"Bakit? " nagtatakang tanong ko.

"Talikod ka dali. "

Kaya tumalikod din ako.

Nagulat ako nang lagyan niya ko ng piring.

"Dyan ka lang" tapos narinig kong bumaba siya sa sasakyan.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ng kotse sa kinauupuan ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Bumaba ka na aalalayan kita. "

Inalalayan niya ko hangganv sa makababa ako at makarating kami sa loob.

Pagtanggal niya sa piring ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa harap ko ang banner na may nakalagay na "WILL YOU BE MY MRS. VENTURA? " hawak ito ng parents ni Ventura katabi ng mga magulang ko na nakangiti sakin at mangiyakngiyak pa si mama.

Nang makita kong nakalubod si Ventura sa harapan ko at naglabas ng isang singsing na gold na may ruby sa gitna hindi ko alam kung bakit BUMILIS ANG TIBOK NG PUSO KO.

Tumingin ako kay Papa, He mouthed "YES".

Kahit naman humindi ako ikakasal pa rin ako sa kanya, kung mag oo man ako ikakasal pa rin ako sa kanya, nakapirma na si Papa eh.

Tango na lang naisagot ko...

Agad na nilagay ni Ventura sa kamay ko ang singsing, tapos niyakap ako ng napakahigpit.

" Salamat. " ramdam kong masaya siya.

Napangiti na lang din ako..

Pagkatapos ng eksenang yun ay nagsiupo na kami at nagsimula nang kumain.

Nag aalala pa rin ako hanggang ngayon bakit wala sila Kirshley at Maxine dito.

"Ventura? Bakit wala sila Maxine? "

He smiled.

"Wag ka nang masyadong mag alala baka busy lang sila. 'Wag mo na kong tawaging Ventura magihing Mrs. Ventura na kita hindi ba? "

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

Nahampas ko tuloy siya sa braso.
Napa 'O' form ang mga labi niya.

"Ay sorry, ikaw kasi e kung ano anong sinasabi mo. "

"Ikaw ha.. Kinilig ka ba? "

"H-hindi a! "

Sinundot sundot niya ang tagiliran ko.

"Kinikilig ka e. "

"H-h-hindi nga! " at wala na nga pong katapusan ang aming bangayan.

"Ehem... Ehem... "

Napatingin ako sa lalaking nasa harap namin ngayon.

Si Clearance.

"Can I talk to you? " habang nakatingin sakin.

Napaturo ako sa sarili ko.

"Ako? "

"Yes. "

Tumango lang si Ventura.

Lumabas muna kami ng resto.

"Do you like him? "

Hindi ako umimik.

"Nah. Let me rephrase it, do you love him? "

"Yes.. Pero hanggang bestfriend lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya... "

"THEN WHY THE HELL DID YOU SAY YES?!!"

Napatalon ako sa gulat ng dahil sa sigaw niya.

"Wala kang karapatang sigawan ako! "

"No! I have the rights to express my feelings infront of the girl I like! "

Ha?

Hindi ako nakaimik, habang siya sinasabunutan ang sarili niya at minumura.

"U-ulitin mo. "

Napatigil siya sa ginagawa niya.

"I like you... I like you so much.. "

Halos sumabog ang puso ko pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun.

Anong gagawin ko?









LOVE ADVENTURE Of MISS BABOYWhere stories live. Discover now