LT 15

24 1 0
                                    

Fang's POV

*kringgg*kringgg*kringgg*

Kinapa ko yung side table ko at pinatay ang alarm clock.

Bumangon na ko at inayos ang sarili ko.

Nang matapos akong makapag ayos ng sarili pumunta ako kaagad sa kusina tapos nagluto.

Pagkaluto ng pagkain pumunta na ko sa kwarto ni Contessa tapos kumatok.

*knock*knock*

Nakailang katok pa ko pero wala pa ring nagbubukas kaya napagpasyahan kong subukang buksan. Hindi niya pala nalock kagabi.

Lumapit ako sa kanya at natawa.

Pfft! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!
NAKAKATAWA YUNG POSITION NIYA NAKADAPA TAPOS NAKABUKAKA! ANG GULO NG BUHOK KITA NA YUNG LIKOD NIYA HAAHAHAHAHAHA!

Nakaside view siya lumapit ako sa mukha niya. Ang ganda niya pa rin at baboy pa rin siya just how I like her l scratch that I love her. Hinalikan ko ang tip ng ilong niya.

"Pig, gising na pupunta pa tayo kila Ventura diba? "

"Hmmm... "

"Bangon na pig. "

Hindi siya sumagot.

"Tara na dali kakain na tayo. "

Napabangon siya tapos hinila niya yung kamay ko sabay sabi..

"Nasaan? Pagkain? "

Shet baboy nga! HAHAHAHAHA!

"My pig baka may balak ka munang mag-ayos yung strap ng bra mo oh. " sabay turo ko sa nalaglag na strap ng bra niya.

Nanlaki ang mga mata niya at namula. HAHAHAHAHA!

"Sige na mag ayos ka muna. "

Bumalik siya sa kwarto. Maya maya pa maayos na siya nakaligo na din suot niya yung parang bestfriend shirt na binili namin kahapon kahapon may nakasulat sa likod na 08/08/** tapos sa harap pig.

Ang cute niya.

"Nasaan yung ganito mo? " tanong niya sabay turo sa sariling shirt.

"Nasa taas pa mamaya magbibihis na lang ako. " sabay ngiti ko sa kanya.

"Kain na tayo? "

Sabay kaming kumain.

Same old us.

Pagkatapos namin kumain nagprisinta siyang maghugas ng pinggan.

"'Wag na ako na lang. " sabi ko.

"Ako na. "

"Hindi, tayo na"

Nanlaki ang mga mata niya.

"H-huh? "

"Ibig kong sabihin tayo na lang dalawa maghugas. "

"Ah"

Tapos naghugas na kami ng pinagkainan namin.

Pagkatapos naming maghugas ng mga pinggan nagbihis na ko. Yung shirt ko naman ganun din ang nakalagay sa likod pero sa harap bungi yung nakalagay T_T bully si Contessa huhuhu.

Pagbaba ko pumalakpak siya!

"Perfect! " sabay ngiti niya. Natulala ako sa ngiti niya.

"Bungi? Hello? "

Nakapara na pala siya ng taxi.

Pumasok na ko sa loob at binigay ni Contessa kay manong yung binigay sa kanya nung kirshley ba yun?

Ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating din.

"Ito na yun?"

Nag door bell kami.

Biglang bumukas yung gate.

"Yes? Anong kailangan niyo? " tanong ng babaeng sexy na nakasalamin nakashorts at naka T-shirt na panglalaki?

"Dito ba nakatira si Steven Ventura?"tanong ni Contessa sa babae.

"Oo bakit? "

"Nandyan ba siya? "

"Wa--"

"Sino yan Grace?! " rinig kong sigaw ng lalaking halos kasing edad lang namin topless at naka boxer lang.

Nanlaki ang mga mata niya noong nakita niya si Contessa.

World war 3 to mga beshy.

Contessa's POV

Nakonsensya ako sa pagtataboy sa kanya ni Papa kaya nag effort akong puntahan siya tapos aabutan ko to?

"Sandali! " narinig kong habol ni Ventura dahil bigla na lang akong tumakbo.

Naramdaman kong niyakap niya ko sa likod.

"Contessa, mali yung iniisip mo... Makinig ka mu--"

"'Wag ka nang magpaliwanag bestfriend mo ko hindi girlfriend pinuntahan pa naman kita kasi nakokonsensya akong tonaboy ka ni Papa tapos... Tapos... Sana sinabi mo lang na wala kang pakialam Ven... " tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sakin.

Tumakbo naman si Fang para samahan ako.

Inangyan!

"Hey, are you fine? "

"Tang ina mo Fang mukha ba kong FINE?! " bulyaw ko sa kanya.

"Hey chill..payakap nga" sabay hila niya sakin dahilan para masubsob ako sa dibdib niya.

"Hoy bungi tsansing ka ha! Iuwi mo na ko. "

"Yes My pig uuwi na tayo. "

Pumara kami ng taxi tapos inuwi niya na nga ako.

Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Papa at Tito Andrei na naguusap sa sala.

"Pare, ok na tayo ha? Payag ka na? Wag kang mag alala alam kong mahal na mahal ng anak ko ang anak mo. " narinig kong sabi ni Tito.

Tapos may pinirmahan sila.

Akala ko ba...

"Pa anong meron? " nagtagakang tanong ko.

"Ikakasal ka na kay Steven anak, nagkasundo na kami ng Papa niya. " nakangiting sabi ni Papa.

What the ?!!

_____________________________________________________

A/N: GUYS! MAY BAGO PO AKONG STORY "WITHOUT YOU" PO ANG TITLE TRY NIYO PONG BASAHIN! THANKS PIGGIES! LABLOTS!

Update pa ba ko o hindi na? Wala na atang nag babasa eh 😂

LOVE ADVENTURE Of MISS BABOYWhere stories live. Discover now