Steven's POV
2 araw na ang nakalipas simula nang sinugod si Contessa sa ospital... Gaya nga ng sinabi ni Tito... Hindi na ko pumunta dun... Gustong gusto ko malaman kung kamusta naa siya pero wala akong magawa!
Dalawang araw na rin akong hindi lumalabas ng kwarto at hind pumapasok sa school.
Dumudugo pa nga ang kamay ko dahil sinapak yung pader dito.
*knock*knock*
"Bro papasok ako ha? " dinig kong sabi ni Christina.
Pumasok nga siya.
Nanlaki ang mga mata niya nng nakita niya ang mga basag na frames, vases, at paintings sa kwarto ko.
"Bro ano hindi ka pa ba kakain? Sabi ni Tito kaninang umaga ka pa raw hindi kumakain. "
"Ayokong kumain, umalis ka na. " walang gana kong sagot.
"Bro kahit konti lang? "
"AYOKO SABI!! " sigaw ko.
"P-pero kailangan mong kumain. "
Hindi ako sumagot.
"Sige ganito na lang kumain ka tapos mag ayos ka pupunta tayo kay Contessa, ayos na ba yun? "
"Wag mo kong niloloko Tina sisipain kita! Hindi ako bata na mauuto mo! "
"Hindi kita niloloko kilala ko ang may ari ng ospital na yun pwede kang mag disguise para makapasok sa kwarto ni Contessa. "
Dahil sa sinabi niya, tumayo ako kaagad.
"Ano pang hinihintay mo tara na! "Sabi ko sa kanya.
Bumaba kami at nagmadali akong kumain at magbihis.
Pagkatapos kong kumain kinuha ko ang susi ng kotse at lumabas.
Pagdating namin sa ospital nilapitan agad kami ng isang lalaki.
"Siya ba yung sinasabi mo Chris? " tanong nito kay Tina.
"Siya nga, gusto niya kasi talagang makita ang pastente kaya lang pinagbawalan siya ng tatay ng pasyente."
"Ah kaya pala, o eto yung damit ipasuot mo na nasa 15th floor, room 128 si Contessa Rovira. "
Hinanap agad namin kung saan ang C. R. dito.
Pagkadating ko sa C. R. kaagad akong nabihis.
Paglabas ko ng C. R., Ang pinagbihisan ko ay binigay ko kay Tina.
At saka tumakbo papuntang elevator.
"Goodluck bro! Wag kang papahuli ha?! "
Pinindot ko kaagad ang 15.
*ting*
Pagkadating ko sa 15th floor sinuot ko yung mask tapos naglakad ng normal papunta sa room 128.
Pagkadating ko dun binuksan ko ang kwarto. Wala namang tao dito.
Nakita ko na nakahiga si Contessa sa hospital bed at ang daming apparatus ang nakakabit sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya at nilapit ito sa pisngi ko.
"I'm sorry, I'm so sorry dahil sakin kaya ka nandito... Kung hindi kita binigla edi sana wala ka dito, hindi ka nahihirapan ng ganito. "
Hindi na ko nagtagal dun dahil baka bigla na lang lumasok sila tita doon.
Bago ako umalis hinalikan ko ang kamay niya.
YOU ARE READING
LOVE ADVENTURE Of MISS BABOY
Novela JuvenilHer: Hindi madaling humanap ng taong mamahalin ka, kasi yung iba MANLOLOKO, yung iba naman sa panlabas na anyo tumitingin, SO WHAT KUNG BABOY KO? GOT A PROBLEM WITH THAT? OUT OF MY WAY PLEASE? IM HAVING MY LOVE ADVENTURE. Him: Finding a right girl f...