Chapter 1

212 10 11
                                    

Kheanna Jeon's POV

Nagising ako at agad na bumangon sa pagkakahiga. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang kama dahil si Yaya Maribelle na ang bahala duon.

Halos mapasigaw ako nung bumulagta saakin ang mukha ng kambal ko na si Jungkook. Hinampas ko ang braso niya habang nakahawak sa may tapat ng puso ko.

Tinadtad ko siya ng hampas hanggang sa mamula ang braso niya.

"Yana naman! Masakit! Maawa ka sa biceps ko! Ayan na nga lang ang pinagmamalaki ko next to my oh so handsome face and my oh so many talents!" Ngawa niya habang hinahaplos ang braso niya.

"Leshe! INTERNATIONAL PLAYBOY! Lumayas ka nga diyan!" Bulyaw ko kaya umalis siya sa harap ko at pumasok sa loob ng kwarto. Tinulak niya ako palabas bago i-lock ang pinto.

"Try mong pakielaman mga gamit ko diyan! I swear, Jeon Jung Kook!" Sigaw ko mula sa labas ng kwarto.

"Walang sa'yo! Dahil lahat ng sa'yo ay akin din! Example na itong kwarto! Atin 'to! Hindi sa'yo! Hindi akin! Sa'tin!" Sagot niya. Sinipa ko ang pinto bago tumakbo papuntang sala.

Nang makarating naman ako kaagad sa sala ay naabutan ko si Mommy. Magkasama sila ng pinsan ko na si Hoseok.

"Anong ginagawa ng kabayo na 'yan dito?" Mapang-asar kong tanong. Sinamaan naman agad ako ng tingin ni Hoseok.

"Bakit ikaw? Anong ginagawa mong Panget dito?" Pambabawi ni Hoseok saakin.

"Oh? Are you talking to the third person?" Tanong ko. Mukhang inis na siya kaya tumawa ako bago mag-peace sign.

"Babawi ako! Tandaan mo 'yan, Kheanna Jeon!" Pag-babanta niya.

"Weh? Paano makakabawi ang isang Kabayo sa isang Dyosa'ng katulad ko?" Pambabara ko muli.

"Tita Kein! Pigilan mo po ako! Papatayin ko po 'yang anak mo!" Inis na inis niyang sabi. Si Mommy naman tumawa lang at lumayo kay Hoseok.

"Go! Hindi ka pinigilan ni Mommy ehh!" Pang-aasar ko. Ito na siya, nag-dabog paalis.

"Hoy iyakin! Saan ka nanaman pupunta?!" Pag-hahabol sa kaniya ni Mommy. Tumawa nalang ako. Sobra talagang nakakatawa. Alam mo kung bakit? Kasi hindi mahabol ni Mommy si Hoseok. Kabayo talaga 'tong Pinsan ko. Bilis tumakbo ehh. Pwede na siyang sumali sa 100m run.

Epic! 😂😂😂

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko kaso biglang may yumakap saakin mula sa likod ko. Gulat ako, oo pero bakit hindi ako makagalaw. Parang feeling ko rapist 'to na mag-nanakaw.

"Huwag kang lilingon saakin kung ayaw mong rape-in kita." Natauhan na ako nung marinig ko ang boses ng yumakap saakin. Hinampas ko ang kamay niya palayo saakin bago siya harapin.

"Hoy Park Pandak, baka nakakalimutan mong pandak ka at matangkad ako." Bulyaw ko sa kaniya. Tumawa naman siya kaagad.

"Paano mo nasigurado? Magka-height lang naman tayo!" Pang-aasar niya.

"Ahh, ganun ah. JUNGKOOK OPPA!!!!!!!" Sigaw ko kaya mabilis siyang tumakbo papalayo saakin. Akala niya ah.

"Ano nanamang sinisigaw mo, Yana?" Tanong ng half-naked kong kakambal. Inirapan ko nalang siya bago iwanan. Pumunta na ako sa kanina ko pangustong puntahan, ang kainan.

Tomguts na si ako grabe.

Umupo na ako sa upuan at nag-hintay na may mag-lagay ng pagkain sa tapat ko. Hindi din naman nag-tagal at nagkaroon na ng pagkain. Kain na muna ako.

V's POV

"TITO!!!!!!!! GISING NA!!!!!" Sigaw ko sa tenga ni Tito Yoongi. Naalimpungatan ata siya kasi dumilat ang mata niya at hinampas ang mukha ko.

"P*t* ka, tigilan mo ako!" Bulyaw niya saakin. Tumawa naman ako bago siya iwanan sa kwarto ko.

Epic ng mukha ni Tito. 😂

"Taehyung. Ano ba?" Dinig kong sigaw ni Mommy SeokJinah sa baba. Tumawa ako ulit bago nag tatakbo pababa.

Ano ba 'tong hagdan na 'to? Bastos. 😑

Dapain ba daw ako. Buti nalang talaga at may naka-salo saakin. Tinignan ko ang nasa baba ko na si Insan Praisley pala. Nginitian ko siya ng box-shape kaya sinampal niya ako dahilan kung bakit nawala ako sa taas niya.

"Lintik ka talagang, Abnormal ka." Bulyaw niya saakin habang natayo siya.

Hala? Galit si Insan. Baka hiniwalayan nanaman 'to ni Bespwen Jungkook ko. Hahaha. Wawa naman si Insan. 😂

"Tawa pa. Sumbong kita kay Daddy Yoon 'diyan eh." Inis niyang sabi

"Sumbong mo. Close naman kami ni Tito eh." Tawa ko kaya nag-walk-out siya.

Hala? Sabi ni Tito tanging artista at gwapo lang ang nagwo-walk-out eh. Gwapo pala si Insan. Bakit walang nag-sabi saakin? 😶

Tumayo na ako at tumakbo ng dahan-dahan papunta kay Mommy Jinah. Nakata-likod siya saakin dahil tinitignan niya nanaman 'yung napaka-ganda kong painting.

"MOMMY JINAH!!!!!!" Sigaw ko sa kaniya kaya napa-talon siya sa gulat.

Hala? Sabi ni Daddy kapag natalon si Mommy happy si Mommy eh. Happy si Mommy dahil narinig niya ako? Wow. For the first time natuwa si Mommy sa boses ko. 😁

"Ano ba, Taehyung? Aatakihin ako sa'yo eh!" Bulyaw saakin ni Mommy

Aatakihin sa sobrang tuwa? Yehey. 😁

"Yehey!" Tuwa kong sabi kaya sinampal niya ako.

Hala? Bakit ako sinampal? Super duper happy ba siya kapag ganoon! 😁

"Lintik ka talagang bata ka. Ewan ko talaga kung kanino ka nag-mana eh." Bulyaw niya saakin.

"Edi sa inyo ni Daddy Nam. Si Tito Yoon nag-sabi saakin na sa inyo ako nag-mana eh. 😁" Sagot ko sa kaniya kaya sinampal niya nanaman ako.

Mali ba sagot ko? 🤔

"Mommy. Ano ba ang tamang sagot?" Tanong ko kaya inangalan niya ako bago umkyat sa 2nd floor.

Ayy. Bobo ni Mommy. Hindi niya din alam 'yung tamang sagot. 😂

Kinalimutan ko na 'yung nangyari at tumakbo na ako papuntang kainan. Aba. Inunahan ako ni Insan kumain ah.

"PRAISLEY!!!!!!" Sigaw ko kaya nadura ni Praisley ang pagkain niya.

Hala? Sabi ni Tito Yoon kapag sumuka/dinura daw ng Babae ang kinakain nila ay buntis sila. Paktay. Buntis si Insan. Sino ang Daddy? Ako ba? 😨

"Insan. Lagot ka kay Tito Yoon. Sino ang Ama niyang dinadala mo?" Tanong ko kay Insan kaya binato niya ako ng kutsara.

"Bastos ka talaga. Paano ako mabubuntis? Sige nga. Explain mo." Bulyaw niya saakin.

"May dumaan na ibon sa bahay. Tapos pumasok sa kwarto mo. Tapos may dala 'yun na Baby. Tapos pinasok sa tiyan mo, kaya na-buntis ka." Proud na sagot ko. Binato niya nanaman ako, pero ngayon, tsinelas niya naman.

Mali ba? Alam ko tama 'yun eh.

"Lintik na. Nawawalan ako ng gana kumain dahil sa'yo." Bulyaw niya bago mag-walk out.

Pogi talaga ni Insan.

Umupo na ako sa kiddie table at duon hinandaan ng pagkain.

~~~~~~~~
Heyyow. Napag-utusan lang na mag-update. 😂😂😂
joicey_joice ito na oh 😂😂😂

My Abnormal Boyfriend (BTS V FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon