Chapter 11

47 4 0
                                    

Kheanna's POV

Kanina pa kami nandito nina Praisley, Aena, Zaireen, Hoseok, Shane at Jouzerynne sa may pinto. Pinakikinggan namin ang mga pinag-uusapan nila Taehyung sa may salas. Akala siguro nila ay tulog kami kaya nakakapag-usap na sila.

"Ano sa palagay niyo ang pag-uusapan nila?" Kinikilig na tanong ni Aena kaya inirapan siya ni Jouzerynne.

"Bibiqouh. Ano ba? 'Wag kang umirap. Baka makasama 'yan kay Baby." Mahinang bulyaw ni Hoseok kay Jouz kaya hinampas siya ni Jouz.

"Shh. 'Wag kayong maingay. Makinig nalang kayo sa mga pag-uusapan nila." Saway nina Praisley at Shane.

"Ano bang nangyari, Tito Yoongi? Bakit parang bad trip na bad trip sa'yo ang Anak mo?" Tanong ni Taehyung kay Kuya Yoongi.

"Oo nga, Praisley. Bakit bad trip ka kay Tito Yoon?" Tanong ni Jouz kaya napasinghap si Praisley.

"Explain ko mamaya." Malungkot na sagot ni Praisley.

"Kasi naman eh. Pinaalala niya sa sarili niya si Ella. Tapos ano? Ako pa ang may kasalanan?" Inis na sagot ni Kuya Yoongi kaya napatingin kami kay Praisley.

"Nadala lang ako ng feelings ko kanina. Okay?" Sagot ni Praisley sa makahulugang tingin sa kaniya ni Jouz.

"Hoy, Jiminliit. Ano?! Tutulala ka lang diyan?" Tanong ni Taehyung

"Sorry naman. May iniisip lang ako eh." Sagot ni Jimin

"Ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...." Impit tili ni Aena.

"Kilig ka naman. Asa kang ikaw ang iniisip nun." Natatawang sabat ni Zaireen kaya tinignan siya ng masama ni Aena.

"Tsk.. Masyado kang epal, Zaireen. Lam mo 'yun? Malay mo ako talaga ang iniisip ni Bebe Jimin ko😍." Asang-Asa na sagot ni Aena.

"Krimstix pa more." Natatawang sabat ko.

"Lul. 'Wag mo akong igaya sa'yo." Natatawa ding sagot ni Aena.

"Bakit?! Kailan niyo balak sabihin?!" Pasigaw na tanong ni Kuya kaya nagulat kaming 6 (di kasama si Hoseok).

"Ewan. Eh ikaw? Kailan mo balak sabihin kay Kheanna 'yung sikreto niyo sa kaniya?" Tanong pabalik ni Kuya Yoongi

"Wala na ata kaming balak sabihin sa kaniya eh. Para sa kaniya na din naman 'yun. Para ma-protektahan namin siya." Sagot ni Kuya kaya napatingin ako kay Hoseok.

Tumingin din naman siya saakin at halata sa mukha niya na gulat siya sa sinabi ni Kuya.

"Hoseok. Anong ibig sabihin ni Kuya??" Seryosong tanong ko.

"Hindi ko alam." Kinakabahan niyang sagot kaya hinarap din siya nung 5.

"Hoseok!" Sigaw ni Shane kaya nagulat kaming lahat pati na din siya.

"Ate.." Kinakabahang tawag ni Hoseok kay Shane.

"SHANE??!!!" Pasigaw na tanong nung 4 na lalaki sa salas kaya kinutuban na ako.

"GISING BA KAYO??" Malakas na tanong ni Kuya

"MALAMANG! KUNG TULOG KAMI EDI SANA WALANG RESPONSE!" Galit na sagot ni Jouz kaya lalo akong kinutuban.

Hinawakan ako ni Praisley sa braso ko at hinila ako papuntang kama. Nag-sama kaming dalawa sa iisang kumot para lang mag tago.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya nangatog na ako.

"Anong ginagawa niyo diyan sa pader? Pinakikinggan niyo ba kami?" Tanong ni Kuya Yoongi kaya napapikit ako ng mariin.

"Uhh..."

"Anong narinig niyo?" Tanong ni Taehyung.

"W-Wala." Kinakabahang sagot ni Shane

"Hindi ikaw. HOSEOK. Umamin ka. Anong narinig niyo?" Tanong ni Taehyung

"H-Huh? Wala kaming narinig." Sagot ni Hoseok kaya napahawak saakin si Praisley.

"Sabi ko, SABIHIN MO ANG TOTOO!!" Sigaw ni Kuya Yoongi kaya lalong humigpit ang hawak saakin ni Praisley.

"U-Uhh.." Hindi na nakasagot si Hoseok.

"Aena.. Alam kong hindi mo kayang mag-sinungaling saakin.. Ano ang narinig niyo?" Malumanay na tanong ni Jimin kay Aena.

"Ahh.. 'Yung narinig namin?.. Ano.. 'Yung.. Uhmm.. 'Yung mahinang sipol ni Shane. 'Di ba?" Sagot ni Aena.

"Oo nga. 'Yun nga 'yun." Pag-sang-ayon ni Jouzerynne.

"Sigurado kayo?" Tanong ni Jimin

"Opo." Sagot ni Jouzerynne.

"Okay. Gisingin niyo na 'yung dalawa. Manonood tayo ng movie." Sabi ni Kuya bago sumara ang pinto.

Nakahinga ako ng maluwag nung matapos na ang nangyari.

"Hoy. Kheanna, Praisley. Bumangon na kayo diyan." Pang-gigising saamin ni Shane kaya bumangon na kami ni Praisley mula sa pagkakahiga.

"Natakot ako, grabe." Biglang sabi ni Praisley kaya tinignan siya ng masama ni Jouzerynne.

"Makapag-salita akala mo siya 'yung naiwan dun sa may pader eh noh?" Inis na sagot ni Jouzerynne.

"Tama na 'yan. Tara na." Pagaaya ni Shane kaya nagpuntahan na kaming lahat sa salas.

~After 4 movies~

Nakaramdam ako ng ulo sa balikat ko. Tinignan ko iyon at si Taehyung lang pala. Inalalayan ko ang ulo niya habang natayo ako. Hiniga ko siya ng maayos sa sahig bago ako umalis.

"Haaayyyy.. Nakakaantok naman." Nahikab na sabi ni Kuya habang natayo.

"Edi matulog ka. Basic." Pabalang na sagot ni Jimin kaya pinalo siya ni Jungkook.

"Daddy. Gising na. Tapos na 'yung MoMa. 'Dun kana sa kwarto niyo." Panggigising ni Praisley kay Kuya Yoongi.

"Hmm.. Mamaya na, 'Nak." Inaantok na sagot ni Kuya Yoongi.

"Nandun si Mommy sa kwarto niyo." Sagot ni Praisley kaya dali-daling bumangon si Kuya Yoongi mula sa pagkakahiga niya at pumasok sa kwarto niya.

Tinignan lang ni Praisley ang pintuang pinasok ng Daddy niya. Mukhang namo-mroblema nanaman siya.

"Tara na, Ley. Luto na tayo." Pagaaya ni Shane kaya nabalik sa wisyo si Praisley at tumango ito bago sumunod kay Shane.

"Yana. 'Wag mo ng pansinin si Praisley at Yoongi." Kalabit saakin ni Jimin kaya napayuko ako.

"Nag-aalala lang naman ako sa kanila. Si Kuya Yoongi kasi gumagalaw everytime na pinapaalala sa kaniya ni Ley si Ate Ella. Tapos si Ley naman nalulungkot tuwing nakikita niya ang Daddy niya na ganun." Malungkot na sagot ko kaya mukhang nalungkot din si Jimin.

"Kookie." Tawag niya kay Kuya.

"Oh?" Tanong ni Kuya.

"Dun tayo sa kwarto mo. May pag-uusapan tayo. Mauna na kayo dun si Yana. Gigisingin ko muna si Taehyung." Utos ni Jimin kaya sumunod kaming dalawa sa utos niya.

Pumasok kami sa kwarto at hinintay na dumating sila Jimin.

~19 minutes later~

Dumating sina Jimin matapos ang matagal na panahon.

"Sorry.. Inaantok pa kasi ako eh.." Inaantok na sabi ni Taehyung kaya napairap nalang si Kuya.

Naglakad na sila papalapit saamin ni Kuya at umupo sa tapat namin.

"May sasabihin kami sa'yo." Sabay-Sabay nilang sagot kaya tumango ako.

"Parang seryoso ata 'to ah. Anong meron?" Takang tanong ko.

"Tungkol 'to kay Praisley." Sagot nila kaya nagulat ako.

Anong tungkol kay Praisley?😨

~~~~~~~~~
LONG TIME NO UPDATE!!!!
45 mins.😂
Pwede naba 'tong UD??
Hi nga pala kay Author joicey_joice .
Ito na ang UD na hinihintay mo oh😂😂

My Abnormal Boyfriend (BTS V FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon