Kheanna's POV
3 days later3 days na ang nakaka-lipas simula ng mabagok ang ulo ni Jouz. Hanggang ngayon comatose pa din siya. Dahil daw sa lakas ng impact, lalo na din daw sa pagka-sensitive ng ulo ni Jouz.
Ang mga kaibigan naman namin ni Jouz ay ang sisi ay puro kay Taehyung. May alam kasi sila na hindi ko alam. Ayaw din naman nilang sabihin saakin kaya lagi nalang akong lutang kapag may nag-tuturo or kapag nasa galaan kami ng kambal ko (Jungkook).
"Yana! Huy! Psst! Yana!" Sigaw saakin ni Jungkook kaya nabalik ako sa realidad.
Sabi sa inyo eh. 😑
"Ano nanamang kailangan mo saakin, Jeon Jung Kook?!" Bulyaw kong tanong kaya umiling siya.
"Chine-check lang naman kung nasa mundo kapa. Hahaha. 😂" Tawa niya kaya binatukan ko siya. Napa-aray naman siya kaagad. Binalewala ko na ulit siya at nag-isip ulit.
Bakit ba si Taehyung ang sinisisi? Ano bang ginaw....
"YANA!!!!!!" Dinig kong sigaw ni Shane kaya nagising nanaman ako sa reyalidad.
"Ano?" Tanong ko kaya nginitian niya ako.
"I calculated an..." Hindi natapos ang sasabihin niya ng patigilin ko siya.
"Calculated? Nanaman? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi bagay ang pagiging Math Geek mo? Hindi kana nga marunong sa Math ganiyan kapa din ng ganiyan." Pangangaral ko sa kaniya kaya natameme siya.
~2 minutes later~
"Sorry na agad. Ginagaya ko lang naman si Jouz. Miss ko na kasi siya kahit ganun siya." Malungkot niyang sabi kaya hinagod ko ang likod niya.
Kaibigan talaga namin siya ni Jouz..... WAAHH! Naiiyak nanaman ako. RYNNE!!! I MISH YU!!! 😭
"Yana..." Nagulat naman ako sa boses na narinig ko.
Hindi pwede... Paano?
"J..."
V's POV
Hanggang ngayon nandito pa din ako sa hospital. May pasok pero hindi na ako umatin dahil gusto kong bantayan si Jouz.
Hanggang ngayon kasi wala pa din siyang malay. Huhu. Miss ko na Balskie ko. 😭
"Tae." Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya pinunasan ko ang luha ko at binuksan iyon. Nakita ko naman agad si Hoseok. Naka-ngiti siya saakin pero bakas pa din sa mata niya ang lungkot.
Pinapasok ko na siya kaya dire-diretso siyang umupo sa bangko duon sa tabi ng kama ni Jouz. Hinawakan niya ang kamay ni Jouz at hinalikan iyon. Ni-lock ko na ulit ang pinto at bumalik sa upuan ko kanina.
"Bibikuh. Gising kana. Dito na si Bibimuh..." Biglang umiyak si Hoseok.
"Please... Miss na kita..." Basag-Basag na ang boses ni Hoseok. Wala na akong ibang magawa kundi magaya nalang din sa kaniya.
Masakit kasi saaming dalawa na biglang magka-ganito ang tao'ng mahal namin. Oo, mahal namin si Jouz. Siyempre, me as her older twin brother and Hoseok as her long-time Boyfriend, Mahal namin siya.
Kahit kasi ano pa ang ugali ni Jouz na pinapakita niya ay alam naming marunong siyang umintindi, mag-mahal at mag-alaga. Sadyang gusto lang ipakita ni Jouz sa buong mundo na malakas siya at matapang.
"Tae. Nauubusan na ako ng pag-asa na babalikan niya pa ako." Naiyak na sabi saakin ni Hoseok.
"Hoseok... Never loose hope." Ayan lang ang nasabi ko kay Hoseok. "Kaya nga Jung Hope ang nickname sa'yo ni Jouz 'di ba? Kasi puno ka ng pag-asa. Ngayon pa ba kung kailangan ka ni Jouz atsaka ka mauubusan?"
"Tae. Masakit na. Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya." Hagulgol niya kaya napa-tingin ako kay Jouz.
"Paano kung magising siya at wala kana? Magiging masaya ba siya?" Tanong ko alam kong iling lang ang isasagot niya kaya hindi na ako nag-abalang tingnan siya.
"Jouz. Gising na. Nawawalan na kami ng pag-asa ni Shane." Bigla niyang sabi kaya napa-tingin ako sa kaniya.
"Shane? As in si Shane Lyd Cagungon?" Tanong ko kaya tumango siya.
"Paano mo nasigurado?" Tanong ko kaya huminga siya ng malalim.
"We live in the same house. We sleep in the same room. Ano sa palagay mo?" Tanong niya kaya nagulat ako.
"Ano?! Ibig sabihin natutulog kayo ni Shane na kayong dalawa lang?!" Gulat kong tanong.
"Ang berde mo din eh. Teka nga, kaibigan ba talaga kita?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Haysst. Ikaw lang ata ang hindi nakakaalam pati na din si Jouz. Adopted sister ko si Shane. Dapat nga Insan ko siya kaso, in-adopt lang din daw siya nina Tita Luck." Sagot niya kaya tumango nalang ulit ako.
Nung tumahimik na ang paligid ay sabay kaming tumingin kay Jouz. Ang payapa niya tignan. Sana talaga gumising na siya. Nakaka-miss na kasi talaga siya. Lalo na ang ugali niya.
Shane's POV
Parehas kaming hindi maka-paniwala ni Kheanna sa nagpakita saaming tao.
Si Joshua Hong. Ang ex ni Praisley slash manliligaw ni Kheanna.
"Bakit ka naiyak?" Ulit na tanong ni Joshua kaya inilingan ulit siya ni Yana. Ginapang ko ang kamay ko kaya nahawakan ko ang kamay ni Kheanna. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.
"Sabihin mo na. Baka matulungan ki.." Hindi natapos ni Joshua ang sasabihin niya ng biglang tumayo si Yana. Binitawan nito ang kamay ko bago mag-salita ng..
"Matulungan? Sige nga! Gisingin mo ang na-comatose kong kaibigan!" Bulyaw sa kaniya ni Yana kaya natulala si Joshua.
"Yana. Kalma lang. Tara na. Shane dalhin mo na si Yana. Bumalik na tayo sa classroom." Utos ni Jungkook kaya tumango ako at hinila ko na si Yana palabas ng cafeteria at bumalik na kami sa classroom namin.
Umupo na kami ni Yana at umiyak siya ulit. Hinagod na ni Jungkook ang likod ng kambal niya pero hindi pa din natigilan ang pag-iyak nito.
"Yana naman. Okay na si Jouz. Ito oh. Tawagan natin si Hoseok." Hikayat ni Jungkook sa kambal kaya tumango si Kheanna at tinawagan na ni Jungkook si Hoseok.
Hoseok/JHope's POV
Nagulat ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Nandito kami ngayon ni V sa labas ng kwarto ni Jouz. May nangyayari kasi. Hindi naman namin alam ni V ang nangyayari kaya alalang-alala na kami.
"Hoseok. Sagutin mo na. Pangatlong beses na 'yan." Utos ni V kaya inilingan ko siya.
Hindi. Hindi ako sasagot sa walang kwentang tawag dahil mas iintindihin ko pa si Jouz kaysa sa natawag.
"Sagutin mo na. Pang-apat na 'yan oh." Inis niyang utos kaya nilabas ko na ang cellphone ko.
Baby Kookie ❤️ calling...
Accept | DeclineJH (Hoseok): Ano?! Alam mo bang may nangyayari? Bakit kaba tawag ng tawag?!
KJ (Yana): H-Hoseok...Nagulat ako ng bigla kong narinig ang hikab ni Kheanna. Kinabahan na ako.
JH: A.. E..
KJ: Anong nangyayari kay Jouz?
JH: W-Wala... A-Ayos lang siya...
KJ: Sabihin mo na saakin ang totoo. Anong nangayyari kay Jouz?
JH: H... Hindi namin alam...Biglang namatay ang tawag. Alam kong may masamang mangyayari. Tumingin ako kay V at iyak siya ng iyak.
Sumilip ako sa may bintana at nakita ko kung paano buhayin ng doktor si Jouz. Naiyak na din ako.
Jouz.. 'Wag mo naman akong iwanan. Laban lang.. Mahal pa kita..
~~~~~~~
HIII!!!!
KAMUSTA? MISS KO KAYO..
HINDI NIYO NAMAN AKO MISS. CHARR. ✌🏼️😂🔫
BINABASA MO ANG
My Abnormal Boyfriend (BTS V FanFiction)
FanfictionAko si Kheanna Isang mag aaral sa ARMY University May isang lalaki dun na laging nakukuha ang aking pansin Pangalan niya ay Taehyung pero gusto niyang tawagin siyang V Napaka-Abnormal kaya nun Nagsasalita ng walang kausap Basta kabaliktaran siya ng...