Anonymous' POV
Makalipas ang ilang taon, naisipan ko ng bumangon ulit. Napag-isip-isip ko na, na baka kailangan nila ako. Na baka hinahanap nila ako.
Labag man sa loob ko ang kasalanan na ginawa niya, kailangan ko pa din siyang harapin muli. Kahit madami kaming pinag-awayan, pinag-sigawan, pinag-laban..
Hindi ko pa din pwedeng kalimutan silang dalawa. Naging third party man ako sa kanilang pag-mamahalan noon, sana naman iba na ngayon.
Sana maalala pa nila ako kahit halos ilang taon na din ang nawalay sa kanila. Sana naman ay kilala pa din ako ng aming anak.
Sinuot ko na ang malaking jacket na iniwanan niya saakin bago pa man niya ako iwanan dahil sa aming pag-aaway sa maliit na bagay.
Hanggang ngayon ay dama ko ang kaniyang presensya sa pamamagitan ng pag-suot ng kaniyang kasuotan nuon.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng bahay, iniwanan ko lahat ng bagahe ko sa loob ng bahay. Nilabas ko ang aking cellphone at hinanap ang kaniyang contact.
Babe❤️
Pinindot ko iyon at tinapat saaking tenga ang cellphone na hawak ko.
***
Pagkalipas ng tatlong pag-tawag ko sa kaniya atsaka niya sinagot ang kaniyang telepono.
"Who the f*ck is this?"
Napahinga ako ng malalim sa pag-bungad niya saakin.
"Look, sorry kung naabala ko ang pag-tulog mo.." Medyo mahina kong sagot kaya hindi siya naka-sagot agad.
Yoongi's POV
"DADDY!!! GISING MAY NATAWAG SA'YO!!" Panggi-gising saakin ni Praisley sa pangatlong pagkakataon kaya bumangon ako at hinablot ang cellphone ko mula sa kaniya.
Sinagot ko ang tawag at bigla ko nalang siyang sinigawan ng "Who the f*ck is this?". Nanggagalaiti ako sa sobrang tagal niyang sum..
"Look, sorry kung naabala ko ang pag-tulog mo.."
Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa boses na narinig ko.
Her voice.. She sounds like the person who I've been missing for a long time.. It sounds like..
"B-Babe?" Kinakabahan kong sagot. Nanginginig-nginig pa ang kamay ko sa kabang nararamdaman ko.
"Y-Yoongi.." Naka-rinig ako ng hikbi mula sa kaniya.
"Where are you?.." Mahinahon kong tanong.
"In front of the house where you left me all alone many years ago.." Naiyak niyang sagot kaya wala sa wisyong tumayo ako at lumabas ng kwarto ko.
"UY TEKA!!! DADDY SAAN KA PUPUNTA??!" Sigaw ni Praisley mula sa loob ng kwarto.
"S-Si.. Prai.." Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng sagutin ko siya kaagad ng oo.
"Bye na muna. 'Diyan ka lang. I'm coming."
Ayan ang huli kong sinabi bago patayin ang tawag.
BINABASA MO ANG
My Abnormal Boyfriend (BTS V FanFiction)
FanfictionAko si Kheanna Isang mag aaral sa ARMY University May isang lalaki dun na laging nakukuha ang aking pansin Pangalan niya ay Taehyung pero gusto niyang tawagin siyang V Napaka-Abnormal kaya nun Nagsasalita ng walang kausap Basta kabaliktaran siya ng...