Siya ang nagluwal pero ikaw ang aking Ina.
Masaya ka ba sa muli nating pagkikita? Tumutulo anh laway ng nakakadiring nilalang.
"Wag kang gagalaw o sisilip sa ilalim ng kama Mommy. Nasa ilalim siya."sabi ng anak ni Chyvonne
****
Kabuwanan na ni Chyvonne at kahapon pa namimilipit sa sakit ng tiyan.
Ang walang kwenta niyang asawa ay nasa sabungan pa.
"Bakit naman po ganito? Nasaan ka na ba Samuel? Bakit sa tuwing kailangan kita wala ka!"
Nag-ipon siya ng pera para sa panganganak ngunit ang demonyo niyang asawa ay ninakaw ang perang itinatabi para sa hospital. Napakawalanghiya ng asawa nito kahit kelan hindi ipinaramdam sa kanya ang pagpapahalaga. Isa lang ang hiniling ni Chyvonne ang magkaroon ng simple at puno ng pagmamahal. Ngunit heto magdadalawa na ang anak nila ay wala pa din itong pangarap sa buhay.
"Anak, tawagin mo si Aling Dhana diko na kayang tumayo, sinubukan kong tawagan sa telepono ang Papa mo pero di niya sinasagot." sabi ni Chyvonne sa anak na si Dhorie
"Ok Mama, Hintayin mo kami." nagmamadaling tumakbo si Dhorie
Walang nagawa si Chyvonne kundi kumuha ng komadrona dahil wala na siyang pera, para pandala sa hospital. Tumulo na lamang ang luha niya sa sama ng loob.
Imbis na excited siya ay di niya magawa. Kaya gusto niyang pagsisihan na nagbuntis pa siya, ipinagtataka niya dahil doble ingat naman siya pero nagbuntis pa din siya.
Bumulong si Chyvonne sa sinapupunan na kahit anong mangyari ay hindi niya hahayaan na maramdaman ng anak ang kanyang mga pinagdaanan mula sa ama nito.
Tila may nadinig naman si Chyvonne na boses ng isang maliit na nilalang.
"Mommy, wag ka mag-alala ako ang magtatanggol sayo, dahil ikaw lang din ang tinanggap ako ng buo. Lahat ng mananakit sayo ay magbabayad ng mahal." saad ng maliit na boses
Hinahanap ni Chyvonne ang bosed ngunit wala siyang makita. Kinilabutan siya ngunit nanaig ang sakit ng kanyang balakang at tiyan.
"aaaaaaaah, aaaaaaah!"
"Asan na kayong lahat? Mga hayop kayo! Wala kayong pagmamahal sa akin." nawalan ng malay si Chyvonne kakahiyaw
Maya-maya lang ay dumating na ang anak na si Dhorie at ang komadronang si Dhana. Hindi alam ni Dhana nakaramdam siya ng pangamba ng makitang walang malay si Chyvonne sa sahig at mabilis ang paggalaw.ng baby sa sinapupunan nito.
"Anong nilalang ang nasa tiyan ni Chyvonne" bulong ni Dhana sa sarili
"Ako mahal kong Ina, hinihintay ko na mahawakan mo ako." bulong sa tainga ni Dhana
Aatras na sana si Dhana ngunit nagulat siya ng hinawakan ng bata ang kanyang mga kamay. Naisip niya na baka napaparaning lamang siya.
Napagtagumpayan ni Dhana na mailabas ang sanggol ngunit ganon na lamang ang pagkabigla niya ng may balat din ito na hugis puso.
Hindi siya pwedeng magkamali. Kamukhang kamukha ito ng sanggol na ipinatanggal niya 5taon na ang nakakalipas. Napaatras siya ng makitang nag-iba ang itsura ng sanggol.
"Oo ako ang batang pinalaglag mo, magbabayad ka ng mahal. Pero wag kang mag-alala magiging mabuting anak ako kay Mama Chyvonne." sabi ng sanggol
Nanlaki ang mata ni Dhana. Magsasalita pa sana ito ngunit nagising na si Chyvonne at bumalik sa normal ang baby.
Umiyak ito at ng niyakap ng ina ay tila nasisiyahan ito at lihim na tiningnan ng matalim si Dhana.
Hindi alam ni Dhana nag gagawin , naginginig ang kanyang kalamnan.

BINABASA MO ANG
PInoy Horror Stories
TerrorMGA KWENTONG KABABALAGHAN KATATAKUTAN AT KAKIKILABUTAN Compilation of one shots true to life evil and fiction ghost stories. FOR THOSE WHO WANTS HORROR ! Language: Tagalog. Read At Your Own Risk. Feel free to comment po :)