Earth

77 2 0
                                    

Marahas kong tinanggal ang poster ko na nakadikit sa isang pader. At di pa ako nakuntento, nilamukos ko pa yun, ibinato sa lupa at inapak apakan.


'T*rantadong mga marino!'

Sinira niya yung perpekto kong araw na kasama ang aking binibining Nwamiiii~~~~!!!

"Hindi. Ako. Yan!"

"Sanji-kun?"

Mabilis akong napadiretso nang tayo at inayos ang mga ilang supot na ipinadala niya sakin.

"Oh Nami-san! Tapos ka na bang mamili?" Isang oras din siyang nasa loob nang tindahan nang mga damit. Ahhh hindi ako maiinip na siya'y hintayin~~!

"Anong inaapakan mo dyan ha Namumula ang mukha mo?"

Walangya kasing kutis to! Agad na pinapakita yung mga emosyon na dapat lamang na nakatago.

"Naku binibining Nami, wala ito, anyways! Oras na ba para tayo ay mag.. date?!" Nagbeautiful eyes ako, sana tumalab!!!

"Hindi."

Oh mapapa-oo din siya balang araw! Mareresist niya ba ang aking charisma?!

"Oh napakaganda mo pag ako'y iyong tinatanggihan!!!"

"Oo na. Oo na. Tara nang magpatuloy sa paglalakad." Wala niyang ganang utos sakin at hinayaan ko siyang maunang maglakad. Saka ko lang napansin na nahulog ko ang aking sigarilyo sa labi ko. Di ko alam kung saan nahulog at wala pa sa kalahati yun. Ta* naman, huling istik ko na yun eh!

Nais kong manigarilyo!

"Malapit nang gumabi, malamang ang iba ay naroon na, at kailangan mo pang makapaghanda nang hapunan diba?"

"Oh Nami! Wag ka mag-alala, ang iba'y nakahanda na para iluto, nakaimbak lamang yun sa ref."

Kinakailangan kong bumili nang sigarilyo. Pero nakakahiya sa binibini na talaga namang nagmamadali nang makabalik sa barko.

"Mga madaling araw lang eh magseset na ang log pose na to. Kailangan ko kayong magising pagkatapos nun para makaalis na tayo sa boring na isla na to!"

"Nakakamanghang plano iyan Nami!" Sabi ko habang naghahanap nang pupwedeng mapagbilhan nang Death Kick Cigarettes.

"Teka, may problema ba?"


"Ha?"

Agad namang napabaling ang tingin ko kay Nami na takang taka ang hitsura. "Ha? Ah w-wala aking Nami! Wala! May.. uhm.."

"Ano?!" Tinaasan niya ang boses niya sabay nagpamewang. Waaah ang ganda niya pag nagagalit!

".. uhm.. wala na akong sigarilyo.."

"Bakit di ka bumili?!"

"Kasi Nami! Ayokong maabala ka sa--"


"HEY GUYS!" Narinig ko ang boses ni Usopp mula sa aming likod. Nagbago ang timpla nang mukha ko pagkatingin sa kanya.

"Oh Usopp." Walang gana kong bati.
"Tamang tama Usopp, kuhain mo ang mga dala dala ni Sanji-kun at ihatid mo ako sa barko."

"Ha?! .. ang malas naman.."

"Anong. Hindi , aking Nami!!! Ako ang magdadala nito hanggang dulo!!!"

"Oo tama tama!" sangayon agad ni Usopp na gustong gusto umiwas sa trabaho. Isang tukmol!

"Ako ang nakatoka para samahan ka! At isa itong tadhana na hin---"

"USOPP! KUHAIN. MO. YUNG. BAGS!"

"Waaaah eto na po eto na po!"

"Wag. Mo. Akong. Hawakan. Ilong!" Pinandilatan ko nang mata si Usopp na ikinaurong niya. Namawis siya sa masama kong tingin.

"SANJI-KUN! BITAWAN MO NA YAN! JUSKO TALAGA!"


".. ang reyna nang beast mode.." Di ko na pinansin ang bulong ni Usopp at nagmakaawa ako sa aking mahal na reyna.

"Nami-san naman, ok lang ako---"

"Gusto mong masapak?!" Pinangharang ko kaagad ang braso ko nang magsenyas si Nami nang suntok. Totoong masakit ang suntok niya kahit love punch pa yan~~

"Nami-san--"

"Bumili ka na nang gusto mong bilhin! Ibigay mo na yan kay Usopp kung hindi papatayin ko kayong dalawa!!!"

"Waaah bakit pati ako!!!.. saka ang dami ko ding dala tsk.."

Di ata siya narinig nang aking anghel at padabog na naglakad palayo samin. Binigay ko na kaagad kay Usopp yung mga supot.

"Hoy Usopp! Ingatan mo ang binibini!"

"Oo alam ko." Sabi niya na parang pangsampung beses ko na yun nasabi. Siraulo pala to eh! ".. ack.. napakabigat naman ata neto Nami.."

"Manahimik ka Usopp."

Napangisi na lang ako at nagsimulang maglakad na nakapamulsa papuntang luxury store. Hah. Kasi naman buhat din ni Usopp yung mga pinamili kong ingredients.

Dinama ko lamang ang papalamig na temperatura dahil maggagabi na. Mabagal akong naglalakad habang nilalanghap ang amoy kapag nasa kalupaan ka. Ilang buwan kaming nakalutang sa karagatan at nilulubos na namin ang mga ganitong payapa lamang na mga isla at lasapin ang pagiging simpleng sibilyan.


Dahil mga pirata kami.

Walang takot na aabutin ang mga ninanais.

Isang matinis na tawa ang narinig ko sa di kalayuan. Huminto ako at bumuntong hininga, papalapit na ang boses na yun sa kinatatayuan ko.

"OY KAMUSTA SANJIIIIIIII!!!! HAHAHAHA!!!! MAY PAGKAIN NA BA SA SUNNY?! GUTOM NA GUTOM NA AKO EH HIHIHIHI!!!"


"Kapitan."


Huminto siya sa kakatakbo para batiin ako. Kasunod niya ang mga nagwawala atang mga tindero sa palengke.


"Di ka pa ba magluluto huh?!"

"May bibilhin lang." Ano na namang kalokohan ang ginawa netong bobong to. Nakilala ba siyang pirata dahil sa wanted poster niya? Tss naiirita na naman ako sa sarili kong wanted poster. "Anong nangyayari ha siraulo?"

"Hahaha sssh! Wag ka maingay Sanji! Sige dalian mo bumili! Gutom na ako!"


Mabilis siyang nakatakbo kasabay nang paglapit sakin nang mga humahabol sa kanya.


"Iho! Kilala mo ba ang lokong yun?!"

"Hindi po. Ano po bang nangyari?"

"Ninakaw niya ang mga karneng baboy at manok namin! Bwisit na bata! Nalugi kami sa ginawa niya!"


The usual Luffy.

Pagkatapos nun nagmadali na silang habulin ang baliw kong kapitan.

Napaismid lang ako sa mga katar*ntaduhan niya at nagmadaling puntahan ang tindahan nang mga sigarilyo.

Habang tumatakbo ako, nakita ko ang ang isang maladamong ulo na kasamahan ko.

Tatawagin ko sana ang tanga namin na unang kasapi, nang mapansin kong hinahabol siya nang isang babae.

Anak ng damo, anong ginawang kabulastugan nang isang yun.

Dahil may babaeng kasangkot, pinuntahan ko sa di kalayuan ang pinuntahan nila.

Bakit siya hinahabol nang isang binibini?!

Pupunta pa lang sana ako sa eskinita na pinasukan nila, sumalubong sakin ang nakakasulasok niyang mukha at bumangga sakin. Kinatumba namin yun pareho.

"Aray ko! Sino ka bang H*das ka?!"

"Siraulo ka pala ehh! Ikaw tong biglang sumusulpot sa pagmumukha ko!" Nakakakilabot na karanasan yun.

"Bwisit na yan, kusinero?! Anong ginagawa mo dito?!" Mabilis siyang tumayo at parang may naaalala. "Tabi!!! Kailangan kong makaalis dito!!!"

"Teka nga barabas! Bakit may kasama kang babae ha?! Anong ginawa mo sa binibini?! Nasaan siya?! Wala ka talagang modo balasubas!" Mabilis kong nahawakan ang braso niya at nagngingitngit ang aking ipin.

"Pwede bang manahimik ka kahit ngayon lang! At Wala akong ginagawang masama hunghang! Yung babae ang---"


"Huli ka."

May kamay na humawak sa aking batok.

"Sanji! .. H-hoy!!!"

Parang may kung anong enerhiya ang humigop sa lakas ko kaya agad akong napabalikwas at pinaikot ang aking sarili para harapin siya ngunit ikinahilo ko yun at naramdamang nawala ang lakas ko sa dalawa kong paa.


"Ugh! Sanji! .. Hoy ano ba talagang problema mo b*tch!"

Nasalo ako ni Zoro. Nakakadiri ulit na karanasan. ".. wag mong sabihan nang ganyan ang isang binibini.."

"Tanga!"

"Oops! Mali ako nang nahawakan! Err naman! I want you Zoro!"

Di ko makita nang maayos ang babaeng nagsasalita. Ahh! Ano bang nangyari sakin? Anong mahika meron siya? Kalaban ba siya?


"Tahimik! Anong ginawa mo sa kasama ko ha talandi?!" Mabalasik na tanong ni Zoro. Di na talaga siya magbabago sa pagiging hampaslupa niya magsalita.

"Wait! Is that Sanji?! Oh my gash, may matutuwa sa mundo ko nyan haha!"

"Sira na ata ang tuktok nang babaeng to! Hoy kusinero, humihinga ka pa ba?!"


Naramdaman ko ang antok. Ayaw man pumikit nang mata ko, bumabagsak talaga. Ano bang nangyayari?

"Anak ng. Hoy babae! Ano sabing ginawa mo sa kaibigan ko?!"


"See you."


"Hoy--- Anak nang tokwa, saan siya napunta?!"


Nawalan na ako nang ulirat nang tuluyan.

"Gusto mo ba makita ang All Blue?"

"Siyempre pangarap ko yun eh!"

"Wala yun dito."

"Ano?! Hah. Isa ka din sa di naniniwala sa All Blue? Believe it, may All Blue."


"Wala yun dito.. bata."



"Eh nasaan?!" Naabutan ko na lang ang sarili ko na sumisigaw ako at hingal na hingal mula sa pagtulog.

Aba't bangungot ba yun o ano.

Hinawakan ko ang ulo ko na medyo makirot. Teka...

Naaalala ko na si Zoro ang huli kong nakasama mula nung.. mawalan ako nang malay? Sandali!

Anong oras na ba?!

Magluluto pa ako nang hapunan! Nasaan na--

"Ha?"

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakikita. Naramdaman ko din sa ilalim nang mga kamay ko ang sapin at kumot na gawa sa cotton. At ang inuupuan ko ngayong malambot na kama.

Ang mga pader ay natatakpan nang malamyang kulay asul na papel. May iilang kagamitan sa kwartong ito. At mga bagay na di ko mawari, kung tama bang may ganyang bagay kasi ngayon ko lamang nakita. Pagkatapos may dalawang pintuan. Para sa palikuran at para sa paglabas.


Nataranta ako bigla sa nangyayari.

"Nasaan ako?!"

Kaagad akong tumayo mula sa komportableng kama at lalo ko ding ikinabigla ang aking suot.

Nakapangsuot pantulog ako?

Ano't p*ta!


Anong nangyayari?!

Napahawak ako sa ulo kong muli. Napatingin ako sa dakong merong kurtinang nakaharang.

Parang nakakatakot na palabas na ito'y aking hinahawi.

Masakit sa mata ang liwanag nang umaga para sa kagigising lamang.

Isa na namang kababalaghan dahil lahat nang nakita ko ay... iba.

May nagtataasang gusali na iba ang disenyo. May mga sasakyan rin sa ibaba na sobrang dami at mabilis na nagsisipagtakbuhan. Paanong nangyari.

Oh ta* , nasaan ako?! Nasa New World na ba ako?! Pero imposible! Wala pa kami sa Fishmen Island! Doon lang ang tanging daan para makapasok.

Wag mong sabihing ang mga marino ang nagdala sakin dito?!

Isang ta* din dahil, mukhang hindi naman to kulungan. Mukha tong kwarto nang isang maharlika.

Maharlika.

Isinawalang bahala ko lang ang pumasok sa aking isipan nang marinig ko ang salitang maharlika sa aking sarili.

Dahil may mas malaki akong problema!

Nasaan na ako! Ang aking mga kasama nasaan na! Paano ba to nangyari. Tatanga tanga kasi ako at nawalan ako nang malay!


Bwisit na yan! Pagbabayarin ko si Zoro nang malaki! Kasalanan niya to eh!

Lubha kong ikinagulat nang may isang matinis na tunog akong narinig. Nagmumula ito sa labas. Ano ang tunog na yun na ding dong?

Mabagal kong ipinihit ang hawakan nang pinto.

Walang hiya, bakit ako kinakabahan nang ganito?! Anong kinatatakutan ko?! Isa ako sa tatlong halimaw, di dapat ako nagkakaganito, handa dapat ako sa lahat nang sitwasyon, tulad nito!


Kaya naman, huminga ako nang malalim at buong lakas kong binuksan ang pinto nang kwarto.

Sumambulat sakin ang isa pang malaking ispasyo na parang silid para sa mga bisita.


At halos mapatumba ako at humagulgol sa saya nang makita ko ang taong humihilik pa sa itim na sofa.

"Taragis Zoro!!!!!" Masaya kong sigaw. Di ko akalain na magiging masaya ako makita ang tukmol na to. Masigla kong nilapitan ang natutulog niyang pigura. At walang habas na pinagsisipa sa tagiliran niya. "ZORO GUMISING KA BASTARDO!"

"Anak nang damuhong!"

"Gumising ka at ipaliwanag mo kung bakit tayo nandito! P*tris bumangon ka batugan!"

"WAAAH I CAN'T BELIEVE THIS!!!!!" YOU ARE REALLY HERE!!!!!" Isang dalaga ang biglang sumulpot na talaga namang ikinagulat nang kaluluwa ko.

"Mga walang hiya naman! Magpatulog naman kayo!" Napunta naman agad ang atensyon ko sa tangang nakahiga pa din sa upuab. Binigyan ko siya nang malakas sa sipa sa ulo.

"Gumising ka na dyan g*go."

At tinignan ko ang dalaga na nakatingin samin. Di ko alam kung ano talagang nangyayari.



"Ah.. eh.. binibini?"

"Waaaah!!! Sanji my loves!!!" Hindi ko inasahan ang pagdamba niya sakin nang yakap. Hindi ko alam ang gagawin. At gulong gulo na nga ako sa lugar na kinatatayuan ko tapos may anghel pa na yumayakap sakin na di ko din alam kung paano nakapasok at mukhang kilala pa ako.

Halos sumabog ang utak ko sa pagaanalisa nang mga bawat bagay na bago na to.

"ANONG. NASAAN AKO MGA HUNGHANG! S-SANJI--- ANO BANG. UGH. SINO YAN?! NASAAN AKO?!" Lalo pang sumakit ang ulo ko sa nakakairitang boses ni Zoro. Parang babae lang kung magulat.


"You're in an alternate universe!" Sagot nang babae na maliit ang taas ngunit balingkinitan. Ahh! Ang cute niya!

"HA?! G*GO KA BA?!"

Sinipa ko muna si Zoro sa pagmumura niya sa binibini bago kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong alternate universe?

"Grabe talaga! Ang gwapo mo Sanji loves! Ang ganda ganda nung hair mo! Waaah pwede pahawak?"

"H-ha?"

Nagtaka ako sa sarili ko kasi wala atang dugo na lumalabas sa ilong ko kahit pakiramdam ko kailangan na niyang lumabas dahil may isang anghel na yakap yakap pa rin ako. Kailanman hindi pa sakin to nangyayari ang yakapin at purihin nang ganito kawirdo?


"HOY SINO KA BA?! SUMAGOT KA! SHETE TALAGA NASAAN TAYO SANJI?!"


Di ko din alam hunghang.

Captain Concusse (ONE PIECE FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon