Libro ni Athena

40 1 0
                                    

It's a tie again.

Sinarado ko ang aking pinto at inihagis ang aking bag sa kama ko. Tumalon-talon ako sa tuwa.

Naunahan ko si Lin makauwi dito sa bahay mwahahaha! Atleta yata ako! Ako pa talaga ang hinamon niya ah.

May malakas na pwersa mula sa labas nang pinto kaya gumawa ito nang malakas na kalabog.

"You cheat Ric!" Sabi niya na puno nang galit.

"MWAHAHAHA WE BOTH KNOW IT'S NOT!"

"BABAWI AKO!"

"I'm scared." Nagmakeface pa ako even di niya ako nakikita. Kanina ko pa nailock ang pinto. Mahuhulaan namang babalibagin niya ako kung di yan nakasara. Magandang yan ang balibagin niya.

"HOY ROSALINDA SISIRAIN MO BA YANG PINTO! NAGSIMULA NA NAMAN KAYO SA KAPASAWAYAN NIYO AH!"

"Ma! Si Ric kasi eh!" Reklamo pa ni Lin at narinig ko ang papalayo niyang hakbang.

Ngiting-ngiti pa din ako sa pagiging loser niya ngayon. Akala niya di ko siya matatalo ngayon? Sino ba ako para sa akala niya mahahahaha. Strong to!

I'm her twin, not identical.

Narinig ko ang pag-ring nang phone ko sa loob nang aking bag. Akin namang ginapang ang aking kama para abutin yun. Dinukot ko sa kailaliman nang bag ko na animo'y pwede nang manirahan ang ahas, ang aking phone.

"Yes deary??"

'Help me Ric! I need you in ranked!'

"My ghad Moz! You are hopeless!" Tumawag siya para sa mobo?! "Magpatukhang ka na!"

"RIC!--'

"BYE."

Inihagis ko lang kung saan sa kama ko ang phone ko at dumiretso sa aking PC. Excited na ako sa bagong release na chapter nang One Piece. Di na ako nakapagbihis nang pambahay sa sobrang excite.

Habang nagwewelcome si PC. Nagsipagbagsakan ang mga laman nang bag ko na nasa gilid na pala nang kama ko.

"Oh sheez!"

Tumayo ako at pinuntahan ang mga gamit ko na nagkalat sa sahig. Di naman ako ganun kaburara para di pulutin ang nalaglag.

Habang pinupulot ko ang ilang study books ko, napahinto ako sa manipis na libro na napulot ko lang kanina.

Sa totoo lang parang alam ko na kung bakit tinapon to nang mayari at nakakalat sa kalye dahil sa kawalang kwenta nito, wala na ngang nakasulat na ano, kulay itim pa yung pages.

Ngayon ay nakabuklat ito sa dahil sa pagkahulog at napansin ko na parang may nakasulat doon na kulay puti.

Baka di ko tinignan tignan isa isa ang pages kaya may sulat to sa kalagitnaan nang libro.

"RIC! RIIIIIIIIIC!" Pinagkakatok nang malakas ni Lin ang pintuan. Balak niya ata talagang wasakin ang pinto ko.

"WHAT?!"

"IKAW! IBALIK MO ANG INTERNET CONNECTION KO! GALAWIN MO NA LAHAT WAG LANG ANG INTERNET KOOOO! KAYA OPEN THIS DOOR NOOOW!"

Napangisi ako nun. Isa akong IT student so kawawa naman ang aking kambal walang internet.

"ISA MARICAR! I NEED THE NEW CHAPTER OF ONE PIECE!"

"Well admit that you're a loser!" Ngising ngisi ko na sabi.

"NO WAY!!! MAMA SI MARICAR OH, TINANGGALAN AKO NG WIFI CONNECTION!!!"

"Oh so sumbungera!"

Captain Concusse (ONE PIECE FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon