Malapit na ang hapunan ngunit marami pa akong katanungan sa kababalaghang ito. Di talaga ako makapaniwala na nakaupo ngayon ang Pirate King sa kama ko. At hindi lahat panaginip, totoong nakita ko si Zoro at maging si Sanji. Oh my gaaaaawd talaga!
"HAHA kumalma ka lamang iha."
"Ssshhh! Wag ka maingay Ginoong Gol! Di pa nga ako makamove on na nandito kayo sa harap ko, sa kwarto ko!" Ang likot likot ko kasi at kanina pa ako paikot ikot palakad lakad sa kwarto. Gusto maintindihan kung pano to nangyari. At kung maipapaliwanag ba to nang siyensya. Ansave.
"Ano ba ang mga katanungan mo iha?"
"Kung paano to nangyari! Kung paano ka naging totoo! Kung paanong nakakausap kita! Kung paanong ganyang ganyang ang suot mo sa anime at ganyan kahaba ang bigote mo! Jusko! Di ko to mawari sir! Ahhh!" Hinablot ko lang ang buhok ko dahil sa naguguluhan kong utak.
"Ipinaliwanag ko naman na kung paano at bakit binibini. Mahirap mang unawain, pero masasanay ka din. Di lang naman ikaw ang nakakuha nang libro ni Athena. Marami pang tulad mo."
Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Anong marami kami?!
"Ibig sabihin maraming librong ganito?! At maraming One Piece ang piniling world?"
"HAHA, hindi iha, maswerte ka dahil ikaw ang nauna sakin.
"Wow.."
"Oo iha. Ngayon, may katanungan ka ba?"
"Pero ginoong Gol, kung kukuhain ko man si Zoro mula sa One Piece, ano nang mangyayari sa Straw Hat?! Magugulo ko ba ang kwento? Ano bang silbi kung mapunta si Zoro dito sa Earth?"
"Iyon ang ibig sabihin nang parallel world Binibining Maricar. May hawak kang bagay na may kontrol sa oras at bawat mangyayari sa bawat desisyon."
My ghad! Ano daw!
"Jusko Ginoong Gol kilala ko na kayo sa pagiging masikreto at malamisteryoso tungkol sa islang Raftel na hanggang ngayon di pa binubunyag ni Oda Eichiiro!"
"Pero matagal na yung nabunyag sa ibang world nang One Piece iha."
"Ha,teka teka teka! Ilang world ba meron ang One Piece! Ang gulo naman!"
Nagdudugo na yung utak ko sa sinasabi niya.
"Isang mundo iha para sa isang desisyon. Kaya meron tayong milyon milyong mundo kahit ang Earth."
"Ahm... okay..." Mababaliw ako sa parallel world na sinasabi niya!!!
"Pasensya na iha kung masyado kang naguguluhan sakin.
Kaya naman, tungkol sa pagpili mo kay Zoro bilang tao na gusto mo mailagay sa mundo mo,
hindi maaapektuhan ang kwento nang One Piece sa mundo mo iha..
ang maaapektuhan lang nun ay ang mundo kung saan nagmula si Zoro at ang katauhan ni Zoro dito dahil malilipat siya sa kabila---"
"HA?! MAGPAPALIT YUNG ZORO NANG EARTH SA ZORO NANG ONE PIECE?!"
"Ganun na nga. Pero tandaan mo isa lang sa milyon milyong parallel worlds nang One Piece ang mundong kukuhanan mo ng Zoro, di mo maaano ang kwento ni Oda Eichiiro wag ka mag-alala dahil Earth ang mundo niyo, may ibang set nang parallel worlds ang Earth."
Shet ang naintindihan ko lang ay hindi mababago ang kwento nang One Piece, magpapalit ang Earth Zoro sa tunay na Zoro at may milyong parallel worlds. By set pa daw! Kakaloka itech!
"Jusko Ginoong Gol, nakakalula ang info at powers nang librong yan huh! Dapat pang malaAthena ang utak nang iintindi sa parallel worlds na sinasabi mo!"
"Kalaunan ay maiintindihan mo din yun."
"Isang tanong na lang!" Pero sobrang dami ko pang katanungan na nagrarambolan na sa utak ko at di ko malaman kung anong uunahin. "Paano ko makukuha si Zoro?"
"Hawakan mo lang siya sa batok."
Haaaaaa?!
"Yun lang?!"
"Yes."
"Kung kukuhain ko si Zoro mula dun at makikipagpalit sa Zoro dito, paano ko malalaman na nandito na siya?"
"Just read the book's reminders and infos."
"Eh bakit bigla ako napunta dito sa kwarto? May time limit ba ang pamamalagi ko sa mundo niyo?"
"Wala, maliban na lang kung may makakaalam nang existence mo sa mundo nila. Kinakailangan maging neutral ka sa mga tao dun lalo na sa mga protagonists at antagonists nang mundong yun except sa taong gusto mong makuha. Marahil ay may taong may makakaalam at maghihinala sayo kaya ibinalik ka nang libro sa tunay mong oras."
"Wow ang astig naman nun. So sayang pala kasi di ko makakausap si Luffy o kahit sinong character sa One Piece na secondary kong favorite?!"
"Ganun na nga iha."
"MARICAR! KINAKAUSAP MO NA NAMAN ATA ANG SARILI MO! LUMABAS KA DYAN AT KAKAIN NA!"
"O-ok Maaaaa!"
Nakangiti lang sakin si Pirate King. Hanggang ngayon, di ko akalaing pwede ko mahugot si Zoro sa fiction na ginagawa lang naman nang henyong si Oda. "Yun lang ba, binibining Maricar?"
"Ahm.. eh.. oo.. Ginoong Gol, salamat sa nakakaoverwhelm na explanations, uhm.. ok lang na yun lang muna tanong ko? Tapos tatawagin kita uli?"
"Lagi akong libre iha. So, it's a goodbye then lady?"
"O-opo, sige po, iintindihin ko po lahat ang sinabi niyo."
Nagbow lang siya at isang poof uli nawala na siya.
Pagkatapos nun huminga ako nang malalim.
Inisip ko na hahawakan ko lang ang batok ni Zoro at nandito na siya?! Akalain mong ganun yun kadali?!
Hanggang pasukan na ako nang kasiyahan at excitement sa pangyayaring ito. Maingat kong inilapag ang libro sa desk ko na nakasulat na ang pulang salitang One Piece sa cover page nito.
BINABASA MO ANG
Captain Concusse (ONE PIECE FANFICTION)
FanfictionOne Piece Fanfiction. Paano kung may bumato sayo nang isang magical notebook? A time-traveling. SanjixZoro nakamaship