Naruto world confirmed, Yesterday 1:45am
Detective Conan world confirmed, a few hours ago
Noblesse world confirmed, a day ago'
Uchija Sasuke is still pending... Continue Reading.. , just now
At marami pang update ang librong to na lumalabas sa bulletin board page niya. Grabe! Ang high tech naman pala nang book na to.
At nakakatuwa dahil halos anime ang mga pinipili nilang world, magulat na lang ako kung dora the explorer ang piliin niya.
Paano ko kaya makukuha si Zoro?
Pakingshet! Kinikilig ako nang sobra!
-----
"Hunghang nasaan?!"
Nakatingin ako kung nasaan nakaluhod yung babae doon sa crow nest. Pero parang bula, nawala siya dun.
"The h*ll?"
"Maryosep damo?! Nananaginip ka na naman ba nang gising?! Ang laki mong---"
"Zorooo! Anong myeron?" Napatingin ako sa kapitan ko na naglalakad sa deck at nagkukusot nang mata.
"Wala kapitan! Nasa dreamland pa ata yang bobo mong kanang kamay!"
"Totoong may babae dyan, t*ng*na mo!"
"B-babae?!" Bago pa magtransform sa pagiging malibog tong ungas naming kusinero. Mabilis kong inakyat ang crow nest. Maaaring nagtago siya uli sa likod nang sofa. "Where is the fair lady?!~~"
Di ako makapaniwala na naunahan pa ako makaakyat nang siraulo na to. "Hoy!"
"Zorooo, may nakita kang babae?"
Lumingon ako kay Luffy at binigyan siya nang seryosong sagot. "Oo kapitan, bigla siyang sumulpot sa crow nest. At nakapagtataka dahil di ko siya agad naramdaman."
"Eh bakit daw wala?" Istupido niyang tanong. Gaaah!
"Hoy marimo! Saan mo dinala ang binibini?!"
"Oh wala daw Zoro ehhh. Tama!" Pinagdikit niya ang kanyang kamao sa isa niyang bukas na kamay. "Isa yung misteryosong babae!"
Malakas kong napahilamos sa mukha ko ang aking kamay. Napakaistupido nang mga kasama ko.
"Damo ano ba! Anong ginawa mo sa isang--"
"Tumabi ka nga dyan!" Malakas kong tinulak patabi si Sanji. Nakakairita silang kausap!
"How f*cking dare you!" Naramdaman ko ang paparating na malakas niyang sipa sa ulo ko. Mabilis kong naipangharang ang aking espada na ikinatunog nang swelas nang kanyang sapatos.
"Oooh away na yan! But aaaaaah inaantok na ako ehh. Night guys~" At ang ungas naming kapitan ay di man lang talaga iniintindi yung sinabi ko. Potres.
"Bulag mo kasi maghanap ano! Libog kasi yung inuuna!" Malakas kong hinampas sa kanya yung Wado ko pero naiwasan niya.
"Baka ikaw langya! Nagiimahinasyon ka nang isang bininini! Nakakaawa ka na pare!" Akala mo ay walang buto na pinaabot niya sa kanyang ulo ang kanyang binti at walang alinlangan na ibabagsak niya ang kanyang sakong sa ulunan ko na agad kong naiwasan at ikinabutas nang lapag nang deck.
Di ko inintindi ang damage. Siya naman malalagot kay Franky.
"Totoo ang nakita ko! Mas mabuting ako na lang ang maghanap! Mata mo kasi nasa pwetan mo!"
Mabilis akong nakahawak sa ladder upang akyatin ang crow nest. Imposibleng mawala ang babaeng yun dito. Saan ba naghahanap ang kusinerong to at ang tanga?
"Hype ka!!! Bumalik ka dito bastardo!!!"
Bigla naman kaming nakarinig nang malakas na pagbukas nang pinto mula sa Women Headquarters.
Nagsipagtayuan ang balahibo ko sa nakitang babae doon. Patay kang bata ka! Taena!
"M-ms. Nami..." Kahit ang malanding kusinero ay tinatablan nang takot sa babaeng to. Kasi walang ginawa ang malibog na to kundi landiin ang mga babae.
"KAYONG DALAWA!!! SA TINGIN NIYO ANONG ORAS NA HAAAA?!!"
Mabilis akong humakbang sa hagdan. Kailangan kong makatakas dyan taragis! Kasalanan to nang kusinero!
"Sanji, akala ko pa naman.."
"Ms. Nami sorry---- Ack." Malakas na batok ang natanggap ni Sanji at malakas na kalabog ang narinig ko dahil sa pagbagsak niya.
"Zoro!!!"
Shets no!!!
Nakita ko na lang ang sarili ko na nakahandusay sa ibabaw ni Sanji na mayroonh ilang bukol sa ulo katulad ko.
Di kami makatayo sa ginawang kabayolentehan nang navigator naming sadista.
-----
"Shet talaga, katabi pa kita.." Nakaramdam ako nang pagtabig sakin. T*ng*na sino bang nangiistorbo nang tulog ko!
"Ano ba!" Naaaninag ko ang madilaw na buhok nang kusinero namin kahit papikit pikit ang mata ko dahil antok na antok pa ako.
"Tanga! Nasa deck tayo pisti! Kailangan ko na magluto.." Nagsimula na siyang maglakad palayo sakin. At ako naman ay pinilit imulat ang mga mata ko para makita ang paligid.
Tae nasa deck nga kami. Paano ako nakatulog dito?!
Bumangon ako at naramdaman ang pangangalay nang likod at balikat ko. At ang sakit nang ulo ko. Ano't dito ako natulog?!
Naguguluhan ako kaya walang habas akong pumasok nang kusina kung saan nandito yung nakasama ko matulog.
"Hoy bobong kusinero! Bakit tayo dun natutulog?! Anong nangyayari?!"
Pabagsak niyang inilapag ang kutsilyo dahil naghihiwa siya nang kamatis doon. May kaserola na din na nakasalang sa kalan.
"Manahimik ka ungas at alalahanin mo kung bakit ah! Wala akong oras sa kamangmangan mo damo. At pwedeng lumabas ka?! Naaalibadbaran ako sayo." Pagkatapos niya ako bigyan nang masamang tingin nagpatuloy siya sa paghihiwa nang sibuyas, ewan kamatis ata.
Magsasalita pa sana ako pero may nagbukas nang pinto at iniluwa nito si Usopp.
"Argh Zoro! Langya talaga! Buong magdamag ako ang nagtoka sa pagbabantay! Ano ba naman yan dude! Papatayin niyo ba ako sa puyat?!"
Sinamaan ko kaagad nang tingin ang mas walang hiya na to. "H-hahaha syempre joke lang Zoro. Alam mo na, medyo napagod ako sa pagbabantay."
Nakaamoy ako nang mabangong amoy nang kape na hawak na hawak nang kusinero at inilapag sa side ni Usopp kung saan siya nakatayo.
"Oh hunghang."
"Waaaah salamat Sanji!!!" Agad na naupo si Usopp at hinip-hinipan yung kape.
"Bakit ikaw ang nagbantay?!"
"W-woah easy ka lang Zoro! Papatayin mo ko sa takot eh! C-chill!"
"Dali na!"
"Ahhhh eto na nga! Mga taong to..."
Nakarinig ako nang pagtunog nang tasa at nakaalanghap ako nang kape sa tabi ko.
Tinignan ko nang masama yung kusinwro pero nakatalikod siya samin at busy sa pagluluto.
"Kasi ginising ako ni Nami kapag daw di ako nagbantay doon, dadagdagan niya ang porsyento nang interes ko sa utang. At nakita konh nakahandusay kayong dalawa at walang malay marahil binugbog kayo ni Nami. Tapos habang nagbabantay ako, mag-isa kong sinagupa ang isang malaking pugita at---"
Di ko na pinansin ang kwento ni Usopp at nilasap ang masarap na kape na gawa nang kusinero namin. Sakto sa panlasa ko na di gaano katamis.
Nagsilbing pagtanggal awkward ang ingay ni Usopp at ilang side comments ni Sanji na lalong nagpapahaba sa kwento nang sharpshooter namin.
Hanggang sa naubos ko ang kape at unti unting napipikit ang mata ko dahil nagsilbing lullaby ang kwento ni Usopp.
Nakaramdam ako nang paghaplos sa may bandang buhok ko sa noo. Tae naman, palagi na lang akong iniistorbo sa pagtulog.
"Good morning, Mr. Swordsman." Isang malambing na boses ang narinig ko. Alam ko kung kanino galing yun. Siya lang ang may pinakamahinahon na boses sa crew na to.
"Huh. Kakain na ba?"
Tumawa siya nang marahan. Pati tawa niya mahinhin, animo'y anghel.
"Ang bastos mo lang talaga g*go! Gumalang ka sa babae! Binabati ka nang aking anghel na si Robin!" Shete, ang sakit sa tainga nang boses nang tukmol na to! Ang tinis tinis takte. "At isa pa, lumayas ka dito dahil kusina to at hindi mo to higaan!"
"Hoy wag mo akong inuutusan g*go!"
"Kusina ko, batas ko hah! Kaya umalis ka dito dahil wala pang breakfast! La. Yas!"
"Eh paano kung A.YO.KO?!"
"Oh my.." Napatingin ako kay Robin na natatawa habang may hawak na libro at nagbabasa ata.
"Naku Robin my loves! Pasensya ka na sa mokong na yan! Hoy ikaw nakakaistorbo ka lumabas ka na nga dito!"
Bigla kong naaalala yung babae sa crow nest kagabi. "Oh shet, yung babae!"
"Hmm, ano Mr. Swordsman?"
"Kasi Robin sweetheart, nakakita siya nang babae kagabi sa crow nest. But when I check, walang magandang babae doon which really disappoints me, that bastard. Then---"
"Manahimik ka tanga! Sure ako sa nakita ko. Wala akong pake!!!" Mabilis ko silang iniwan dalawa dun sa kusina at nagmadali akong umakyat sa hagdan.
Pagkalabas ko nakita ko si Franky na paakyat para ata pumasok na dito sa kusina. Mukhang tapos na siya icheck ang buong Sunny Go.
"Zoro-bro."
"Ano?" Medyo naiirita ko siyang nilingon dahil nagmamadali na akong umakyat sa crow nest.
"Sino ang bantay kagabi?"
"Huh. Ako bakit?" Lalong nawawalan ako nang pasensya sa tanong netong si Franky.
"Pwes bro, ikaw ang sumira nung plywood sa tabi nang hagdan?" Blanko lang ang mukha ni Franky na nagpapahiwatig na badtrip siya.
"Tsk. Di ako yun!" Agad ko siyang iniwanan dahil walang kwenta yung tanong niya at nasasayang yung oras ko.
"Fu--- Hey! Hindi pa ako tapos sayo Zoro-bro!!! Bumalik ka nga dito!!!"
"Good morning Zoro!!!" Medyo ikinabigla ko ang bigat na dumagan sa ulo ko. Ano ba naman!!!!
Kahit gusto kong mainis hindi ko magawang mainis sa maamong mukha ni Chopper.
"Good morning Franky!!!" Napangiti ako sa loob loob ko dahil ang cute ehem erm nang aming duktor. Nakakawala nang pagkabadtrip
Bakit ba?! Totoo naman ah!!!
"Walang maganda sa umaga Chopper-bro dahil may kasalanan sakin yang niyayapos mo sa ulo!"
"Huh. Bakit Zoro? Anong ginawa mo?" Agad na bumaba mula sa ulo ko si Chopper at tiningala ako.
"A-anong. W-wala. Ano. Sabing di nga ako yun pre!"
"Yohohoho! Magandang umaga sa inyong tatlo. Anong meron dyan?"
"Ewan ko Brook-bro, di na lang kasi umamin yung isa dyan sa kasalanan niya dahil di naman ako MAGAGALIT."
Punyemas naman parang tanga to si Franky.
Napahilamos ako sa mukha at magsasalita na sana ako nang sumingit naman ang aming kapitan.
"PAGKAIIIIIIIIN! OH GUYS!!!! BAKIT KAYO NANDYAN?! TARA NANG KUMAIN!!!"
"Oh Zoro Chopper Franky Brook, bakit di pa kayo pumasok sa galley?" Kasunod ni Luffy si Nami na naglalakad nang malumanay.
"Mabuti pa nga." Nakasimangot na sambit ni Franky at naunang umalis.
What.
"Hoy Frank---"
"Yohohoho love quarrel?"
Ikinakunot lalo nang noo ko ang bobong joke ni Brook.
"Ang luma nung joke mo Brook."
"Oh."
"Mamaya na yan gutom na akooooo! Sanjiiiiiiiiiiiii karneeeeee!" Halos mabangga ako nang matakaw naming kapitan sa kamamadali makapunta sa kusina. Sumunod lang si Brook at Chopper na may pagtataka sa mukha dahil sa eksena nang katangahan ni Franky.
"Oh bakit wala sa mood si Franky? May problema ba?" May pagtataka din sa tono nang navigator namin.
"Ugh. Sinisisi niya ako sa nasirang plywood dun sa deck!" Bigla kong naalaala yung babaeng nakita ko sa crown nest. Tsk. Oo nga pala! "Mauna ka na. May titignan lang ako saglit."
"Ha? Saan? Kumain ka kaya muna?"
Di ko lang siya pinansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
"Zoro magagalit si Sanji-kun kung di tayo kumpleto sa breakfast!!"
Mas ikakatuwa ko pa nga kung manggagalaiti siya sa galit.
Nalibot ko na ang buong crow nest pero wala. Langya saan mapupunta ang babaeng yun?
Hindi naman pwedeng nilangoy niya ang karagatan. Eh nasa kalagitnaan kami nang grand line at wala pang malapit na isla para languyin niya lang.
Unless kung may bangka siya?
Pero imposible pa rin yun. Sa pabago bagong klima nang Grand Line. Makakaligtas ba siya sa maliit na bangka?!
Putakte, sumasakit yung ulo ko kung bakit biglang nawala ang babaeng yun!
Bumaba ako nang crow nest at nagtungo na lang sa galley. Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya mamaya ko na lilibutin ang Thousand Sunny.
"Late ka Damo!!!"
"Oh tapos?"
"Oops akala ko sakin yung karne, kay Zoro pala hehe." Malakas na bulyaw ni Luffy na naguumapaw ang sigla dahil sa umaga. Ugh.
"Tapos wala ka nang kakainin." Monotonong sagot ni Sanji habang humihigop nang soup.
"Sanji-kun ang sarap nung soup. Seconds, please?"
"Yes mahal kong Miss Nami!!!!!" Agad nagbago ang mood niya at nagpaikot ikot pa papuntang kusina. Anak nang split personality.
Napabaling naman ang atensyon ko sa pwesto ko at ang plato ko na may kanin itlog at soup.
Wala nang karne.
"T*ng*na nasaan yung karne ko?!!!"
Tumawa nang marahan si Robin na katabi ko pala.
Sino pa ba ang magnanakaw nang ulam dito sa hapagkainan.
"Luffy yung pagkain ko!!!!!!"
"Ah!!! Akala ko di ka kakain fufufuu!"
Tinignan ko ang plato ni Luffy na marami pang karne na nakalagay. Magulang na kapitan to!!!
Sinubukan kong humablot nang isa pero mabilis na humarang ang goma niyang kamay.
"Zoro sakin to! Wag kang mang-agaw nang di iyo!" Parang bata niyang saway sakin.
"Siraulo ka! Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan!" Para kaming baliw na nagkakanda krus ang mga kamay para sa karne at nagsisigawan.
"Miss Nami ito na ang isa pang serving mo nang mushr---"
Tumama ang humabang kamao ni Luffy sa hawak hawak ni Sanji na plato at tumilapon ito.
"Miss Nami!!!"
Akala ko matatapunan si Nami nang sabaw pero mabilis na humarang ang kusinero.
Tumilapon sa kanan niyang pisngi ang malapot na sabaw at tumulo sa suit niya.
Ohhhh. Iba. Pffft.
"Pffft! Sorry Sanji!!!" May patawa tawa na sabi ni Luffy. So Luffy na mismo ang tumawa para sakin.
"Sanji-kun!" May pag-aalala sa mukha ni Nami na parang naghahanap nang pamunas para matulungan ang hunghang na kusinero.
"Wala ito Nami-san!" Nginitian niya lang nang malambing ang navigator. "Sandali lamang aking mademoiselle, at may kakausapin lang ako.." At maitim na aura ang lumabas sa kusinero banta nang pagkawala nang pasensya niya.
"LUMABAS KAYO DITOOOOOOOOO!!!!"
"Kung kaya mo." Tumayo ako para hamunin ang g*gong to. Sa kanya ba---
Nakita ko na lang ang sarili ko na lumilipad palabas nang kusina at nananakit na tagiliran.
At sumubsob ako sa madamong deck at halos makain ko ang mga dahon. Punyetang--
"Oomp. Aray! Ano bang--- Luffy!" Malakas na impact mula sa likod ko nalaglag ang aming kapitan.
At lalo pa niya akong dinaganan anak nang-- "Waaaaaah! SANJIIIIIIIIII!!!! GUTOM PA KOOOOOOO!!!" Itinulak niya ang ulo ko dahilan nang pagkasubsob ko para lang makatayo siya. Inang yan!
"Luffy--!!"
Mabilis pa sa alaskwatro at pinagpupukpok niya ang pinto nang galley.
Bwisit naman di pa nga ako nakakakain! Paano ako gaganahan magtraining nang walang laman ang tiyan! Menopause na ata ang kusinerong yan.
Umakyat din ako papuntang galley at malakas na binatukan ang ulo nang kapitan namin. "Kasalanan mo to Luffy!"
"AAAH!!! IKAW MAGNANAKAW EH!"
Aba't--!!
Bago ko pa sigawan ang kapitan naming to. Malakas na bumukas ang pinto at tumama ang likod nang ulo ni Luffy sa nguso ko.
"Ugh--!!"
"Wala nang food guys, tapos nang iligpit ni Sanji-kun .. at Luffy!!! Ang sakit sa tainga nang mga sigaw mo, itigil mo yan!!!" Ang navigator lang pala at nagmamadaling bumaba papuntang kwarto nila ni Robin.
"Anong wala nang foo--"
"ANO HINDI SANJIIIIIII!!! PLEASE--"
Pinutol ni Luffy ang pahabol kong tanong kay Nami at dumiretso na siyang pumasok sa galley pagkatapos ilang seconds tumalsik siya uli sa deck.
Napaungol na lang ako sa badtrip at plinanong magmukmok sa crow nest at magdumbells.
"Zoro-bro!"
Bakit ba ang hilig nila akong putulin sa mga gagawin at sasabihin ko hah!
Dumagan sa likod ko ang malaking braso na gawa sa bakal ni Franky.
Ina naman, di ba niya alam na cyborg siya at tao lang ako?!
"Ano ba yun!" Pinipilit ko tanggalin yung akbay niya pero kapit na kapit ito at ang sakit na sa totoo talaga!
"Malapit na tayo sa isla so I decided na tulungan mo ko mamili nang mga plywoods at iba pang materyales for storage hah."
"Anong-- bakit ako!"
"Remember kid, yung deck nabutas."
Oh tapos?!
"Aba't may pupuntahan akong--"
"Alam kong mauubos lang ang oras mo bro sa pagkaligaw mo."
Wow lang to huh. Kasalanan ko bang ang paligid ang mismong gumagalaw sa sarili nila?!
"Pwedeng pakiulit nung sinabi mo--"
"Zoro bro sorry pero totoo talaga na directionally challenged ka---" Anak nang. "At saka kinuwento na ni Sanji-bro ang lahat at maliwanag na pareho kayong may kasalanan sa PAGSIRA niyo nang deck."
"Hoh! Yun! Yun yun Franky! Yung malanding kusinero na yun ang bumutas sa sahig!"
"At bakit kaya niya yun mabubutas?"
"Kasi malakas yung sipa niya, hello!"
"KASI umiwas ka sa sipa niya at lapag ang natamaan, RIGHT?"
"Anong right?! Sa kaliwa siya sumipa!"
Bwiset, ang tino neto kausap ehh. Ano nga ba uli yung gagawin ko?! Mga langyang tao to at naiistorbo ako sa mga gagawin ko.
"Wahahahaha! Ang galing nung joke mo Zoro-bro. Pero seryoso bro, binigyan ako nang budget ni Sanji-bro para mapatawad ko siya KAYA NAMAN, sana ay MAHIYA ka SAKIN at samahan mo ko pagkadock, OK?"
"Anak talaga nang shing."
"Well I guess it's a yes bro ahahahaaha! Usopp tara na at tapusin yung bago nating igiban!"
"OK! SUNOD NA AKO!" Sigaw ni Usopp mula sa kusina.
"Fra--"
Pero mabilis siyang nakalisan sa kinatatayuan niya. Sa laki niyang yun magaling siyang tumakas.
Sinundan lang siya ni Usopp pagkatapos at parang ilag siya na nagtatatakbo palayo sakin papunta kay Franky dahil sa aura kong nag ngingitngit.
Taragis talaga. Napahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Kinakailangan kong pumunta sa tindahan nang mga espada at makabili na din nang alak o magpalipas nang oras sa pub tapos masasayang oras ko sa pagsama kay Franky!
"HOY KUSINERO!!!" Pumasok ako sa galley at sumigaw para tawagin ang tagalutong yun.
"ANONG ginagawa mo DITO!" Mula sa ngiting ngiti niyang mukha habang binibigyan nang kape si Robin, nanggalaiti siya agad pagkakita sakin.
"Ano yung pinagsasabi ni Franky?! IKAW LANG NAMAN ANG NAKASIRA NANG LAPAG!!"
"Pakealam ko ha kaya lumayas ka DITO!"
Isang mahinang tawa ang narinig ko mula kay Robin pagkatapos.
"Bakit Mr. Swordsman, ikaw ba'y siningil din ni Mr. Cyborg at nakagawa siya nang dahilan upang mapa-oo ka?"
"Ha?! OO!"
"Kung maganda ang kanyang katwiran na mahusay para sa side niya, wala na tayong magagawa tama, since sumagot ka din nang oo."
"KYAAAAA! Ang ganda ni Robin pag nagdededuct at nagcoconclude!!!!" Tili nang kusinero
"Ano ba ang pambayad mo kay Mr. Cyborg?" parang walang narinig si Robin at tinuloy ang pagkausap sakin. As usual.
Umingit lang ang ulo ko at parang wala ding kwenta awayin ang tagaluto na yan!
"Ugh! Wala na kayo dun!" Dahil hindi ako nakapagalmusal, naghablot na lang ako nang isang tinapay sa lamesa.
"Bastos kang hinayupak KA!"
"Zoro!!! Anong inutos sayo ni Franky?! May pupuntahan ba kayo, saan?! Pwede kayang sumama?!" Di ko namalayang na sa gilid pala si Chopper at nakikinig lang samin. Bumaba siya sa upuan at tumunog ang paa niya na para sakin ang cute pakinggan. Blergh ano ba yan.
Nairita ako lalo sa sarili ko.
"HINDI!" Tumalikod ako kaagad bago pa ako tanungin na naman ni Robin at mapa-oo kay Chopper.
"Hmm, mukhang hindi pera ang binigay mo kay Mr. Cyborg hindi gaya kay Mr. Chef."
"Oho magandang Robin, kung sa pera pagbabasehan, pulubi ang hunghang na yan."
Paanong hindi ako mamumulubi, ang laki nang porsyento sa interes nang mangkukulam naming navigator kung makahingi! Nagkautang pa kasi ako sa b*tch na yun.
"Zoro!!!!"
"CHOPPER NAMAN!!!" Nagmadali akong lumabas at narinig ko pa ang marahang tawa uli ni Robin.
"O.. kay.."
UGH!
"Tss! Bakit ba gusto mo sumama?!" Para na akong sasabog sa inis. Hinarap ko si Chopper na ngangawa na kaya parang bulang nawala yung inis ko.
Bakit may mga cute na bagay?!
"Magpapatulong lang sana ako para bumili nang medical equipments saka baka may pupuntahan kayong playground." Binigyan niya ako nang puppy eyes. Jusq naman!
"Oo na! AT yung playground! Hindi ako pumupunta---"
"YEHEY! NAMIIIIIII MALAPIT NA BA TAYO DUMAONG?!!!!"
Oh sht! Iniwan lang niya ako dito habang di pa ako tapos magsalita. Ano bang!
Ano bang klaseng mga tao to at hindi ako pinapakinggan!!!!
BINABASA MO ANG
Captain Concusse (ONE PIECE FANFICTION)
FanfictionOne Piece Fanfiction. Paano kung may bumato sayo nang isang magical notebook? A time-traveling. SanjixZoro nakamaship