Ric
Halos sumabog na naman sa saya ngayon ang puso ko pagkakita sa dalampasigan. Maaliwalas ngayon ang kalangitan at lalo na nang napagawi ang paningin ko sa barko na di pa din ako makapaniwalang nakikita ko ang Sunny Go.
Para akong tanga dito na nagpipigil nang tili at napapatalon pa ako sa saya.
May narinig akong malakas na halakhak.
Lalong lumakas ang kabog nang dibdib ko sa tuwa dahil alam ko ang tawang yun.
"Wah Luffy!" Mangiyak ngiyak kong sabi nang tumalon siya pababa sa Sunny habang hawak ang kanyang trademark niyang straw hat at ngumiti nang pagkalaki laki patingala sa mga kaibigan niyang bumababa na din nang barko.
Mabilis akong nagtago sa mga bangka, para makita at mas marinig pa sila.
"Luffy huhu I can't believe this." Tumutulo na ata ang sipon ko dito sa sobrang tuwa.
"Guys wag kayong lumayo masyado. Mabilis lang magseset ang log pose kaya sulitin niyo na ang mga kailangan niyong bilhin pati na din ang pagpapahinga."
Di ako makapaniwala na ganyan kaperpekto ang katawan nila Nami at Robin. Sila na ang seksi!
"Roger that Nami-swaaaan!!!" Akalain mong ang cool nang hitsura dito ni Sanji kahit naglalaway siya kay Nami ngayon. Hindi naging heart ang mata niya o tumulo ang dugo. Isa siyang lalake na kinikilig.
Ghad bihira lang ako makakita nang isang lalaki na kinikilig!
"Franky, ikaw na bahala sa isang yan." Utos pa ni Nami.
"Okay sis!!" Ngiting ngiti na sabi ni Franky. Waaaah! Mukha siyang hi-tech na robot! Wala pa akong nakikita na ganyang klase nang robot.
"Anong gusto mong palabasin huh?"
Nanindig ang lahat nang balahibo ko nang mapagawi ang tingin ko sa pinakahot na lalaki sa crew.
"Zoro! Pakingshet!" Kinakagat ko na ata ang laylayan nang damit ko sa sobrang saya.
"Hoy bobo, ang ibig niyang sabihin eh tanga ka sa daan at galangin mo si Ms. Nami!!!"
"Anong gusto mo away hah kulot kilay!?"
Mahihimatay na ata ako sa dalawang gwapong lalaki na halos magdikit na ang mga mukha dahil nag-aaway.
"OKAY! MAY NAAAMOY AKONG MASARAP NA KARNEEEEEEE!!!" Sigaw ni Luffy at nabangga niya si Zoro sa balikat habang tumatakbo siya na may patalon-talon.
"T*mgina mo naman Luffy!" Ibinaling kaagad ni Zoro ang atensyon niya sa kanyanh kapitan.
"Tama na yan! Simulan niyo nang mamasyal. Enjoy guys! Let's go Ate Robin~~~"
"Narinig niyo si Binibining Nami, mga baliw! Waaah! Sama ako sa inyo Namwiiii Robwiiin!!!" Parang bipolar na bumuntot lang si Sanji sa dalawang babae na nagchichikahan lang.
"Yosh! I'll start my mission!" Pinatalas ko ang mata ko at dinikit lang ito kay Zoro na ngayon ay nakasimangot habang kinakausap siya ni Franky.
Mukhang sa kanila ako dapat sumunod. Nagsimula na akong maglakad at talagang himala dahil hindi nila ako nararamdaman.
Kung sa observation haki daw, ako ang may pinakamalakas nun dahil galing daw ako sa Earth base kay Gol D. Roger.
Agad naman akong naguluhan na biglang kumaliwa si Zoro nang nabaling ang atensyon ni Franky sa isa pa nilang kasama na si Chopper.
BINABASA MO ANG
Captain Concusse (ONE PIECE FANFICTION)
FanfictionOne Piece Fanfiction. Paano kung may bumato sayo nang isang magical notebook? A time-traveling. SanjixZoro nakamaship