Noong unang tingin palang sa ’yo, sinta
Nabihag sa kislap ng ‘yong mga mata
Hindi man alam anong kalabasan niya
Basta man lang masulyapan ay ayos na.
Sa paglipas ng mga araw at buwan
Muling ikaw ay nakita’t nasulyapan
Mga ngiti sa labi na pinangarap
Aking puso’y parang nasa alapaap.
Sa patuloy na pag-ikot, aking mundo
Ikaw ang palaging naaalala ko
Hindi na malalaman mga gagawin
Unti-unti ka nang lumalayo sa ‘kin.
At sa isang iglap, ikaw ay nawala
Hindi na alam kung anong nadarama
Ang mga karanasang pinagsaluhan
Bigla mo na lang itong kinalimutan.
Ang ating pag-ibig ay agad naglaho
Sa mga araw na magkasama tayo
Ang pangalan mong palaging bukambibig
Sa paglisan, ikaw pa rin iniibig.