#15:PULITIKA 101

67 0 0
                                    

Gising na kaibigan!

Katawa’y iunat-unat

Mga mata’y imulat

Tignan ang nagkalat.

Paligid ay basura

Tawagin na ang tropa

Walng aasahan sa mga sinungaling

Sa eleksiyon lang nila magaling.

Kung  makapamudmod ng pera

Ang mga sugapa

Makapal pa sa buwaya

Ang mukha .

Kung makapagpaayos ng kalsada

Akala mo pera galing sa kanila

Galing iyon sa kaban ng bansa

Mula sa bulsa ng mga maralita.

Huwag magpasilaw sa kinang ng ginto

Kung  kahirapan ang kapalit nito

Pangakong laging napapako

Ang sarap nilang ipalapa sa mga aso!

Poems For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon