TATAK PILIPINAS
Bumper to Bumper sa Edsa
Squatters naglipana,
Smuggled goods at vehicles sa bawat sulok ng bansa,
Ilog Pasig bakit ang itim na?
Transgender na pinatay
Bangko na ninakawan,
Impeachment complaint na suno-sunod
Oh , yan tuloy…
Sa selda’y siksikan.
Sugalan sa bawat sulok
Utang dito, utang doon , sa utang nalugmok,
Gasolinang pagkamahal-mahal,
Tulog ba ang iyong pinunong hinalal?
Mga pulitikong maanomalya,
(bato bato sa langit )
Eksperto sa pangungulimbat sap era ng madla,
Ang tamis ng dila,
Kaluluwa nama’y sunog na sunog na.
KidnaFUN
HoldaFUN
CaranaFUN
Oh diba bagay sa mottong “It’s more FUN in the Philippines”
Kung tatanungin kita, sang-ayon ka ba?
Mga dayuhan pumupunta sa bansa
MAgbakasyon lang ang pakay nila
Mga Pilipino talaga
Isang iglap lang, nawala na ang hikaw ng kawawang dalaga.
Dayuhan may naiwan sa taxi ni Mang Pedro
Libo-libong salapi ang nakatago dito
Mabuti nalang binilik nito
Dayuhan pinuri si Mang Pedro!