Jokes, sasabihin ko ng ganito
Oo, aaminin ko na ‘tong nararamdaman ko
Na ang pagmamahal ko sa’yo ay totoo
At ano naman kaya ang masasabi mo?
Lihim kong pag-ibig sana’y mapansin mo mismo
“You Change My Life” kanta ni Sarah Geronimo
Nang pinagtugtog ko ito, buhay ko’y nagbago.
Corny man kung ituring mo ang tulang ‘to
Opps! Ano’ng magagawa ko kong ito ang nakatadhana at ito ang totoo
“No man is island” mula sa bunganga mo
“Can’t live without you” banat ko
Eh sabi naman ni Kuya Kim “ang buhay ay weather weather lang”kaya mag-ingat tayo
Eh! Paano kung iinit tong nararamdaman ko at sabihin kong binihag mo ang nag-iisa kung puso
Nang dahil sa tamis ng ngiti mo, eto ako napamahal na ako sa’yo ng todo.
Climate “Heart” Change na ang tawag ko dito
Itong pagmamahal ko ay magbabago at titindi pa siguro ito
Pero kung ang pagmamahal at oras man ay maglaho
Nararamdaman ko sa’yo, sana ay maisulat ko sa libro
Para kahit mabura ako sa mundong ginagalawan ko
Tandaan mo ang mga katagang ito:
“Mahal na mahal kita itaga mo ‘yan sa bato!”.