A/N : ayan. medyo may kwentang UD. eh kasi naman, kinikilig si Ms. Author kagabi kaya hindi masyadong naka focus. pag pasensyahan nyo na. tsaka parang awa na, mag comment naman kayo! baka hindi ko na 'to tapusin. btw, dedicated 'to kay Hannah! kasi sya lang yung nag cocoment bukod kay Twin. kaya maraming maraming salamat Hannah! Much love, Mamiixhe
VOTE.COMMENT.BE A FAN.THANK GOD - xoxo
Faye's POV.
hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
paano ba naman kasi, iniisip ko parin ang mga nangyayari.
parang hindi matanggap ng brain cells ko.
paikot ikot lang ako sa kama ko. hanggang napansin ko na umaga na pala.
hindi ko naman sya magawang itext. kasi baka, mahimbing pa yung tulog nya or something. o kaya naman, magalit sya lalo pag bigla ko syang itext.
hanggang nakapag decide ako na lumabas at magluto.
cooking makes me feel better. parang nakakalimutan ko ang paligid ko pag nagluluto ako.
niready ko na yung pan at lahat ng mga kailangan. mag luluto ako ng breakfast ko malamang.
habang nagluluto, naalala ko nung inimbitahan ko dito si Allen para kumain ng niluto ko. naalala nyo pa ba? yung nang gulo samin si Luke..
tapos sinabi nya na.. KANYA LANG AKO?
awww. shet. akala ko ba makakalimutan ko yung paligid ko pag nagluluto ako. bakit parang mas naalala ko si Allen sa mga pinag gagagawa ko.
nung natapos akong magluto. kumain na ako. same feeling.. sanay na kasi akong kumakain mag isa.
simula kasi nung naiwan ako dito sa Pilipinas, ako nalang yung kumakain mag isa. depende kung nandito si Tania, yung stylist ko, o kaya ang barkada pag pinapagluto ko sila.
niligpit ko na yung pinagkainan ko at nanood umupo sa sofa.
SUPER BORING NG ARAW KO. plus, I didn't had a chance to sleep. even a wink.
grabe naman Allen, ano ba kasing ginawa mo sakin.
pinalipat lipat ko lang yung channel. I'm not into watching TVs naman kasi.
tapos biglang sumagi sa isip ko si Allen. nung Feel at home na feel at home sya dito sa sofa ko.
geeez. maka kuha na nga lang ng popcorn. kaya ako nananaba eh. sorry na. na s stress lang.
sinimulan kong kumain ng popcorn habang nanonood ng movie. and I don't even know the title. actually, inuubos ko lang ang oras ko. tss.
SI ALLEN KASI EH. [A/N : o? anong meron? ] MAHAL KO! eeeh. miss author naman eeh.
sus. tapos na pala yung movie. shet. isang oras na akong walang gingawa dito! BATONG BATO NA AKOOOOO. f.ck naman!
itatapon ko na sana yung wrapper ng popcorn, bigla kong nakita yung rose sa basurahan.
wait, ito yung bigay ni Luke sakin ah. I don't remember na tinapon ko ang mga 'to ah. hmmm. baka si Allen.
EEEEEEEH. punyemas naman eeh. lahat nalang ba ng makikita ko sa bahay na 'to. maalala ko si Allen? simula sa pag luluto hanggang sa panood ng TV. tapos pati pagtatapon ng basura? grabe ang dinulot sakin nitong si Allen ah.
HE IS REALLY DRIVING ME CRAZY! parang anytime pwede na talaga akong mabaliw kakaisip sakanya. errrg! f.ck this feeling!
I'm gonna call Anisha. I need someone!
at sa mga ganitong panahon, iisa lang ang dapat tawagan.
Calling Anisha...
[oh? ba't napatawag?]
eeeeh. naalala ko nanaman si Allen. hindi sya nag he-hello sa phone.
"AAAAAH! MABABALIW NA AKO!"
[teka teka, calm down Faye? ANO BANG PINAGSASASABI MO?]
"punta ka dito sa condo ko. lintek, lahat nalang ng gawin ko, naiisip ko si Allen eh!"
[okay! I'll be there. kalma ka lang dyan]
*tut...tut...tut...*
tell me, ganun na ba ka OA ang pag approach ko kay Anisha?
pero tama naman ako sa mga sinabi ko eh. nilagyan ko lang ng exagerated feelings.
bobo. edi, OA nga. AAAAAAAAAAH.
binato ko yung remote sa pader sa sobrang inis ko.
*DINGDONG*
*BAMBAMBAM*
"Faye! BUKSAN MO 'TONG PINTO!" that was Anisha.
ayan, ayan ang sinasabi kong OA.
I opened the door.
"teka nga, ikaw kaya ang kumalma. kala mo baliw talaga yung pupuntahan mo."
"ikaw kaya dyan! kung maka sigaw ka kanina sa phone! ano bang problema?" - anisha.
naupo ako sa sofa.
"grabe Faye, ano bang ginawa mo sa sarili mo. tingnan mo yang eyebags mo! parang hindi ka tao eh." - Anisha.
"eh kasi naman yang si Allen."
"oh? anong meron kay Allen? nag usap na ba kayo?" tanong ni anisha.
umiling lang ako.
"pero, nag attempt akong mag sorry sakanya nung inihatid nya ako dito."
"attempt? so hindi mo nagawa?" medyo mataray na tanong sakin ni Anisha. wait, was that a question?
"nagawa ko. kaso, pinagpahinga na nya ako eh. parang ayaw nya tanggapin." explain ko.
"eh kasi naman, nasaktan naman kasi yung tao." -Anisha.
"eh anong tawag mo sakin? hindi nasaktan?" - me
hindi sya nakasagot. at tumingin nalang sa pader.
"oh? ba't mo pinagtripan 'tong kawawang remote na 'to?" tumayo sya at kinuha yung remote. sira na ata.
"so sobrang inis ko, naitapon ko." -me.
napa 'tsk tsk tsk' naman si Anisha sabay upo ulit sa sofa ko.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH ANG BORIIIING!" sigaw ko
"tara shopping!" yaya sakin ni Anisha.
"ayoko. wala ako sa mood." ewan. biglang, ayoko lang.
"tingnan mo 'to. mag rereklamong boring tapos ayaw namang mag shopping. anong trip yan Faye?" tanong ni Nisha.
"eh kasi naman si -"
"so, nasanay ka na nandyan lang sya parati?" pagpuputol ni Nisha sa sinasabi ko.
"you know what? to be honest. Oo. tatlong linggo din 'yon na isang tawag ko lang, nandyan na sya. isang sakay lang nasa unit na nya ako. ang nakakainis lang masyado akong nasanay. na nakalimutan ko na, dadating na nga pala sa ganito ang lahat. sa totoo lang, mahal ko sya eh. kahapon ko nga lang na realize"
nakikinig lang sakin si Anisha..
"kaso, huli na ang lahat eh. tanga tanga ko kasi, sinabi ko sakanya na hindi ko sya mahal. tapos, pagkatapos nyang sabihin yung dialogue nya. bigla kong na realize na mahal ko na rin pala sya. sus. ang gaga."
"nako, mukhang mahihirapan ta'yo dyan ah. ang lalaki kasi pag nasaktan. nasaktan na. alam kong parang irrelevant yung sinabi ko, pero feeling ko parang hindi naman. ewan." - Anisha.
anak naman ng -- ilang oras palang kaming magkagalit ni Allen parang mamamatay na ako sa sobrang Boring... better yet, LUNGKOT. mahirap mang i- admit pero...
PINAPASAYA NYA AKO.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CUT! (^__^V)
BINABASA MO ANG
Wanted: Summer Boyfriend. {complete}
Romancetinotohanan mo na ba ang isang joke? minahal ka na ba nya pero you don't feel the same way? paano kung kelan hindi ka na nya mahal saka mo sya minahal? magiging masaya ka pa kaya? o aasa ka nalang na sana mahal ka nalang nya ulit? PAANO KUNG NGAYONG...