A/N: ayun, after 3 days? nga ba? nag UD na ako. wala na talagang magagawa, ayaw talaga mag comment nung iba. pero, salamat kay @HannahBeybs at kay @crazylovepessimist dahil sa walang sawang comment nyo! alam nyo namang love kayo ni Ms. Author diba? :) nga pala, dedicated 'to kay Oneechan! kasi magaling na sya! WELCOME BACK ONEECHAN! LITTLE SISTER LOVES YOU!
VOTE.COMMENT.BE A FAN.THANK GOD. - xoxo
Kyle's POV.
nasubukan nyo na bang magmahal?
eh yung magmahal ng babaeng WALA NA TALAGANG PAG ASA.
yung magmahal ng babaeng hindi na pwedeng maging iyo.
hindi ba, masakit 'yon? mas masakit pa sa feeling na inagawan ka. kasi pag inagawan ka, naging sa'yo. pero yung sa case ko, hindi naging akin.
na kapatid lang at kaibigan ang turing sakin.
hindi kapanipaniwalang MAHAL ko si Faye noh? hindi ko nga rin alam kung papaano nangyari eh. basta, naramdaman ko lang. walang nagsabi o pumilit sakin. basta, MAHAL KO SYA. yun lang.
pero hindi pwedeng yung iniisip ko na, mahal nya ako at mahal ko sya. kasi, mahal na nya si Allen. si Allen, na tropa ko.
nakaka gago lang kung sasarilihin ko 'tong nararamdaman ko. sasabihin ko na kay Allen. para atleast alam nya.
To: Allen Torres
Pare, usap tayo? sa bar ni Luis. 7pm.
magkikita kami sa Bar ni Luis, friend ko.
ang hirap ng nararamdaman ko LECHE. mahal ng babaeng mahal mo yung kaibigan mo.
may mas hihirap pa ba nung nakita kong mag sorry si Faye kay Allen. big deal 'yon para sakin, para saamin. hindi kasi nag sosorry si Faye eh. masyadong mataas yung pride nya. tapos biglang. ayun, nagsosorry sya kay Allen. sabay amin na mahal nya si Allen. puta.
parang pwede ko nang basagin yung baso na hawak ko ngayon.
"oh pare. chill ka lang, may problema ba?" tanong sakin ni Luis. habang nag mimix ng drink.
"pwede pare, dun ka muna."
"okay okay. wag mong basagin yang basong yan! puta ka, galing germany yan!" sus. kundangan naman kasi ang mga baso at kagamitan dito. panay galing abroad.
"oo na. shoo!"
paglingon ko sa kabilang side may nakita akong kamuka ni Faye. anak naman ng ice cream oh. pero pag lingon nya sa direction ko, hindi sya si Faye. aa, nag hahalucinate pa ako. puchang gala.
"oy pare, anong pag uusapan?" biglang bati sakin ni Allen sabay offer pa ng knuckle touch.
"may sasabihin sana ako sa'yo."
"ano yon? LUIS! bigyan mo 'ko ng kahit ano!" cool na cool pa sya. samantalang ako, nasasaktan na.
"pare, kasi mahal ko si Faye."
nag iba yung mood nya. yung tipong, cool sya kanina ta's biglang bumagsak yung energy nya. pero nakangiti parin. ungas 'to ah.
"oo, alam ko."
ANODAW?! O__O ALAM NYA?
"huh? paanong-"
"naalala mo nung huli tayong pumunta dito nila Andrew at Tyrone?"
hmmm, nung nagpunta kami sa unit nya?
"o-oo." naguguluhan kong sagot.
wala kasi akong maalala pagkatapos nun.
sinabi ko sakanyang mahal ko si Faye? imposible!
matagal ko na ngang tinatago tapos sasabihin ko nalang ng basta basta? ano ako? tanga?
ang naalala ko lang LASING ako nun. kasi dinaan ko nalang sa inom yung problema ko. isa pa kasi yang si Andrew eh, tanong ng tanong kay Allen tungkol sakanilang dalawa. sa harap ko pa. kaya uminom nalang ako eh.
"nung iuuwi ka na namin ni Andrew, lasing na lasing ka. bigla mong sinabi na.. mahal ko sya." cold na sabi ni Allen.
anak naman ng pucha. sinabi ko talaga?
kaya pala pag gising ko nun, nasa condo ako ni Tyrone. naka higa sa sahig ng living room nya.
tumayo ako para lumabas, tingin ko sa mga ganitong pag kakataon, kailangan namin ng katahimikan. hindi naman kasi kami magkakaintindihan kung nasa loob kami eh. ang ingay ta's ang daming tao.
"alam mo pare, simula nung nalaman ko na mahal mo sya. nag alinlangan akong aminin din sakanya na mahal ko din sya." sabi ni Allen na nakasandal sa sasakyan nya.
leche. sa mga narinig ko galing kay Allen, nalungkot ako.
hindi dahil gawa ko, kaya hindi sya maka amin, kundi dahil kay Faye.
alam kong hangga't hindi sasabihin na sinusuko ko na yung feelings ko, hindi sya sasaya.
pero sa puntong ito, hindi ko kayang isuko ang nararamdaman ko para kay Faye.
"pare, suntukin mo na ako." sabi ko kay Allen.
"Bakit?" nagulat sya.
"basta suntukin mo ako mamaya m-"
*BOOOGSH!*
hindi na nya ako pinatapos sa sinasabi ko, sinuntok na nya ako. malakas na para mapa tumba ako.
dumugo yung lower lip ko. pero okay lang. deserve ko 'to.
okay lang. para kay Faye.
"sorry, kasi sa ngayon, hindi ko muna sya isusuko." tumingin ako sakanya. halatang hindi sya makapaniwala. "I'm trying to... but I can't" tumungo nalang ako. hindi ko kayang sabihin yung huli kong sasabihin leche. "maybe someday."
wala mang kasiguraduhan ang mga sinabi ko, isa lang ang alam ko.
hindi ko kayang makita na malungkot si Faye.
kaya kahit masakit
kahit hindi ko kaya.
sinusubukan ko...
sinusubukan kong i-let go sya.
[A/N: hahaha! sa panahon kasi ngayon, uso na yung pag l let go kahit hindi naging kayo! aminin! haha. yun lang]
"tch." umayos ng tayo si Allen. akmang aalis na.
"I'm sorry din pare, pero mahal ko sya." sabi nya bago pumasok sa sasakyan
I'm sorry din pare, pero mahal ko sya.
I'm sorry din pare, pero mahal ko sya.
I'm sorry din pare, pero mahal ko sya.
puchang galang pagmamahal yan. nakakasakit.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CUT! (^__^V)
ngayon, sinong TEAM KYLE? eh ang TEAM ALLEN? comment na! :)
BINABASA MO ANG
Wanted: Summer Boyfriend. {complete}
Romancetinotohanan mo na ba ang isang joke? minahal ka na ba nya pero you don't feel the same way? paano kung kelan hindi ka na nya mahal saka mo sya minahal? magiging masaya ka pa kaya? o aasa ka nalang na sana mahal ka nalang nya ulit? PAANO KUNG NGAYONG...