A/N: ayan. pasalamat tayo sa My Super Fan Girl na short film ng otso production, dahil sa short film na 'yon, nakapag type pa ako kagabi. biruin nyo yun, mag uumaga na, naka isip pa ako ng UD. in all fairness. love love love. by the way, dedicated 'to kay twin! kasi ilang araw ko na syang hindi natetext. lol. I miss you twin!
VOTE.COMMENT.BE A FAN. THANK GOD. - xoxo
Kyle's POv.
matapos ang pagtatagpo namin ni Allen, maghapon lang akong nasa bahay. walang ginawa.
actually, meron. nag iisip ako.. nag iisip ako ng paraan para mapigilan 'tong nararamdaman ko para kay Faye.
hindi ko 'to gingawa para kay Allen, ginagawa ko 'to para kay Faye. ayoko kasing dumating yung panahon na ako ang maging dahilan kung bakit hindi masaya si Faye.
masakit man, kailangan kong gawin yun eh.
kasalanan ko ba? kasalanan ko bang mag assume? mag assume na sana mag nauna lang ako kay Allen? na sana, naramadaman ko na agad kung ano yung nararamdaman ko kay Faye? na sana sinabi ko rin agad kay Faye kung gaano ko sya kamahal?
hindi naman diba? NAGMAHAL LANG AKO.
nagmahal lang ako ng babaeng hindi kailanman ako mamahalin. bilang kaibigan, baka pa.
paano kaya kung sabihin ko sakanya kung anong nararamdaman ko para sakanya? baka pag nalaman nya, magbago ang paningin nya sakin.
tinext ko si Faye na magpunta sa park ng 8pm. yun kasi yung time na wala nang tao masyado sa park.
= = = =
"Uy, bakit mo ko pinapunta dito eh ang lamok lamok." bati nya sakin.
nakaupo lang kaming dalawa sa swing. tama nga ang sinabi ko, wala na masyadong tao dito sa park. kung meron man, nag d date din sila. o kaya yung mga batang palaboy na nanglilimos.
"huy, kung nagsasalita ka kaya jan."
hindi parin ako nagsasalita, hindi ko kasi alam kung tama ba talaga ang desisyon kong ito.
kung hindi ko kasi sasabihin sakanya. mahihirapan akong pakawalan at layuan sya. pag naman sinabi ko, pwedeng magalit sya sakin at tuluyan na akong hindi pansinin. sa ganong paraan, mas mapapa dali ang pag layo at pag iwas ko sakanya.
"may sasabihin kasi akong importante eh."
"ano ba kasi 'yon? sabihin mo na. ang lamok kaya!"
[A/N: play nyo na yung song! sorry ah. alam kong gusto nyo yung version ni Khalil. kaso low quality eh. hindi pa kasi lumalabas yung official sound track. kaya tiis tiss muna kay Piolo. :> love nyo naman ako diba?]
"Faye kasi... MAHAL KITA."
ayun, nasabi ko na. biglaan nga lang.
parang may natanggal na king size bed sa puso ko eh.
"Kyle, alam mo naman kasing hindi pwede."
ay bakit ganon?
bakit ganito ang kinalabasan?
masyado ba akong nag expect na magiging maayos ang lahat?
nag assume ba ako na mahal din nya ako?
hindi naman diba? pero bakit ganito parin kasakit.
"bakit? ha FAYE?! BAKIT HINDI PWEDENG MAHALIN KITA?"
medyo napasigaw na ako. wala na kong pakealam kung marinig kami ng iba pang tao. right now, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi, LUNGKOT.
BINABASA MO ANG
Wanted: Summer Boyfriend. {complete}
Roman d'amourtinotohanan mo na ba ang isang joke? minahal ka na ba nya pero you don't feel the same way? paano kung kelan hindi ka na nya mahal saka mo sya minahal? magiging masaya ka pa kaya? o aasa ka nalang na sana mahal ka nalang nya ulit? PAANO KUNG NGAYONG...
