Chapter 3

62 2 0
                                    

Shayne’s POV

Nakalimutan kong bigyan si Jacob ng regalo nung first day of school. Ewan ko kung bakit ko nakalimutan. Samantalang dati e halos every week meron syang natatanggap galing sakin. Oo, ako yung nagbibigay ng mga gift sa kanya. I wonder kung naaappreciate nya ba yun o hindi.

“Bahala ka dyan, maniwala ka, mali yang ginagawa mo! Hahahaha.”

“Ewan ko sa’yo. 1st honor kaya ako no! Tumahimik ka nga dyan! Istorbo!!”

Haist. Naalala ko nanaman yung sinabi ko kay Jacob. Di na nya ako inaasar tuwing nakikita nya ko sa school. Siguro e may sama ng loob un sa akin. Paano ko kaya sya maaapproach? :”((

“Nicole, galit ata sa akin ang kuya mo.”

“Hala ka! May nasabi ka ba sa kanya?”

“Oo. Sinabihan ko sya na istorbo sya sa pagsusulat ko. Nung nandun ako sa inyo.”

“Anu ka ba girl. Di ko alam yun a.”

“Nandun ka kasi sa kusina nung nangyari yun. Anu pede kong gawin para magkaayos kami? Tutal kuya mo naman yun.”

“Sama ka sakin sa bahay mamaya. Di ba may assignment tayo? Dun ka na gumawa tapos magsorry ka na rin sa kanya.”

“Tanggapin kaya nun yung apology ko?”

“Siguro naman no. Hayaan mo, ako bahala dun.”

“Thank you bhest!”

Medyo gumaan pakiramdam ko. Maaasahan talaga ‘tong bestfriend ko. :))

Sabay kaming tatlo ng kuya niya umuwi sa bahay nila. Ang awkward. >.< Andun si Jacob sa tabi nung driver. Kami naman nasa back seat.

Pumasok na kami ng bahay. Nagpalit muna si Nicole ng damit habang tinitingnan ko yung mga pictures sa sala nila. Di parin ako nagsasawa tingnan yun, lalu na’t pictures ni Jacob ang nakikita ko. :”>

Unti-unti akong nakaramdam ng kaba…

May narinig akong footsteps pagbaba ng hagdan. Paglingon ko, si Jacob pala. (o.o) Akala ko si Nicole na yun, hindi pala. Suot ni Jacob ang sando, at shorts. Naks, kagwapo talaga nitong nilalang na ‘to. :)) Naisip ko na baka ito na yung chance para makapagsorry ako.

“Ahm, Jacob!”

Di sya nalingon.

“Jacob! Jacob!!”

Inulit ko ng inulit ang pagsigaw hanggang sa marinig na niya ko.

“Anu ka ba, ba’t ang ingay mo?!”

“Gusto ko lang kasi na ano……”

“Ano?”

“Gusto ko lang magsorry. About dun sa sinabi ko last na nagpunta ako dito.”

“Ah yun ba? Ok.”

“Okay na tayo?”

“Hindi pa masyado. Sa isang kondisyon.”

Ha?! Kondisyon? Anu naman yun? Nakakainis naman tong lalaki na ‘to. Kung hindi lang kita crush eh! >:D

“Hanapin mo at alamin mo kung sino yung nagbibigay sakin ng regalo dun sa locker ko.”

Omy!! Halos mapanganga ako sa sinabi nya. Ö

“I’m giving you 1 and a half month para malaman mo. Kung maaari e gumising ka ng maaga at pumasok agad agad sa school.”

“Ah edi sige. Hahanapin ko yung secret admirer mo.”

“Okay. That’s fine.”

Bumaba na si Nicole galing sa pagbibihis.

“Shayne! Anu na, nakapagsorry ka na?”

“Ah oo. Thank you sa pagbihis ng matagal. Nagkaron ako ng chance para makapag sorry sa kanya.”

Sabay ngiti na nakakaloko. >:)

Nagsimula na kaming gumawa ng assignment. Pagkatapos nun, hinatid na ko ni Kuya Gardo sa bahay.

Pagpasok ko ng kwarto e diretso ako sa paghiga.

|Paano ko masasabi kay Jacob na ako yung nagbibigay ng mga gifts sa kanya? Aa. Anu ba naman yan. Dami daming pwedeng maging kondisyon tas yun pa yung naisip niya. Bakit ba sya interesado dun sa secret admirer niya?|

Kinilig naman din ako dun sa sinabi ko kahit papano. :”>

vote naman po or comment :(

Ang Bestfriend Kong InLove Kay Kuya (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon