Chapter 6

47 2 0
                                    

Thank you sa aking kauna-unahang fan na si dian_zamora :)) thank you. As well as sa mga readers, thank you din.

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Shayne sa sinabi ng bestfriend nya. Hindi nito alam na ganun naman pala naappreciate ni Jacob yung mga binibigay niya dito.

|Haist. Buti na lang at nakatago pa yung mga yun.| Sabi niya sa sarili niya na may halong pagkakilig.

Kailan ko kaya masasabi sa kanya na ako yung secret admirer niya?

Haist. Next time na lang siguro. Pag umabot na ng 1 and a half month.

Natulog na sya agad dahil may pasok pa sila bukas.

“Shayne!” Bati ni Nicole sa kanya kinabukasan. Nagulat siya dahil sa lakas ng boses ni Nicole.

“O bakit? Kaaga aga ang ingay mo a.”

“Ito naman. Namiss lang kita”

“Haha. Ang adik mo. Kakakita pa lang natin kahapon e.”

“Bakit hindi mo ba ko namiss?” Nagkunwari si Nicole na malungkot.

“Haha. Happy. Sya, I miss you too!”

Sabay beso at hug sa bestfriend nya.

“Baby Shayne, malapit na ang pagpasa ng form para sa candidates para sa student council. Kakandidato ka ba?”

“Ah, di ko pa sure e. Pero kung kakandidato ako, baka as secretary.”

Biglang may sumabat sa likod.

“Baka SEXYTARY!! Haha!!!”

Paglingon nila, si Jacob pala. Kasama syempre si Viel.

“Ano ka ba Kuya, kung anu-ano ang pinagsasasabi mo dyan.”

“Oo nga Lawrence Jacob Tuviera Diaz! Nakakainis ka talaga!”

“Oh. Wag ka munang magtaray. May atraso ko pa sakin.”

|Haizt.. Oo nga pala.| Sabi ni Shayne sa sarili niya.

“Opo. Di na nga po ako magtataray.”

“Good.” Sabi ni Jacob.

“Ano ako aso? Good ka pa dyan. Tara na nga Nicole!” Sabi ni Shayne

“Bye SEXYTARY! Haha!!!” pang aasar ni Jacob.

Umalis na rin sila ni Viel papunta sa classroom.

“Tol, parang may naaamoy ako a.”

“Anu yun? Mabaho ba pabango ko? Mamahalin pa naman yun.”

“Tange ka talaga! Napakaliteral naman nito. Ibig kong sabihin parang may tinatago ka sakin.”

“Uh, anung dapat itago? Nakita mo na nga lahat lahat sakin. Bilang na bilang mo na nga siguro ang mga taling ko sa katawan e. Hahaha!” Napatawa si Jacob na may halong pagtataka.

“May gusto ka kay Shayne!”

“Anu ba yan, Tol wag ka nga maingay. Baka may makarinig.”

“Totoo no?!”

“Hindi a. Panu naman ako magkakagusto sa bestfriend ng kapatid ko?”

“Halata ka men! Nagkakaila ka pa. Hahaha”

“Hindi nga! Adik mo!”

“Ikaw ang adik. Haha. Kanina lugmok yang muka mo kasi bagsak ka sa Quiz kahapon, tas kanina, nung nakita natin sila Nicole, biglang hanggang tenga ang ngiti mo.”

“A yun ba? Wala yun. Natawa lang ako na kakandidato si Shayne.”

“May nakakatawa ba dun? Adik ka talaga.”

“Oo na. Sige na. May gusto ako kay Shayne. Pero wag ka maingay ha, lalu na sa kapatid ko. Aasarin ako nun.”

“Bakit hindi mo pormahan si Shayne?”

“E kasi nahihiya ako sa kapatid ko.”

“Anu ba yan, wala ng pakialam ang kapatid sa mga ganyang bagay.”

“Kung makapagsalita ka naman parang may kapatid ka.”

“Haha. Ganun talaga.”

“Pati hinihintay ko kung sino ung nagbibigay sakin ng mga gift sa locker ko.”

“Kaya pala yun yung ginawa mong kondisyon kay Shayne. Para malaman mo agad.”

“Oo pre. Basta ha, wag kang maingay.”

“Trust me.”

Nagsimula na ulit ang klase. Nagsimula na ring magday dream si Jacob.

Ang Bestfriend Kong InLove Kay Kuya (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon