Chapter 1

196 9 0
                                    

a/n:

Ngayon pa lang po e NAGPAPASALAMAT na ko sa inyo, sa pagread ng aking first ever chapter. Thank you po. Ako po e kabilang sa mga grupo ng newbies na author dito sa wattpad. I’m once a fan, ngayon ako naman ang gagawa ng story ko.  Sana po e maappreciate nyo tong “simpleng masterpiece” na nanggaling sa makulit kong utak. Enjoy!

Sa mga nagtataka kung bakit sunud-sunod ang pag aupdate ko, yun e dahil naka save na yung mga ibang chapters na ginawa ko.

P.S.

Wala po kaming internet connection sa bahay. Kaya po hindi po ako mabilis makakapag update. Thank you so much. :*

Super P.S.

Vote or comment is BADLY needed. Thank you very much. Di ako magsasawang magthank you sa inyo.

-ifallinloveagain

Chapter One

Nicole’s POV

Ako si Nicole, Nicole Irene Tuviera Diaz, anak ng isang sikat na businesswoman sa Makati at ang dad ko ay isang doctor ng aming sariling ospital. Bunso ako sa aming dalawa ng Kuya ko. Ako ay 3rd year, si kuya naman ay 4th year high school.. Pareho kami ng school na pinapasukan, ang St. Andrew’s Academy. Ayaw kaming paghiwalayin ng kuya ko ng school kasi e hatid sundo kaming dalawa ng driver namin, for our security daw sabi ng mom ko. Hanggang college siguro magkasama pa kami ng kuya ko sa school.

First Day of School…

“Kuya bilisan mo naman dyan! First day of school ba naman e magpapalate ka?! Bilisan mo dyan!”

Halos mapaos na ko sa kakasigaw, hindi nya kasi masyado rinig. Sa laki ba naman ng bahay namin e.

“Oo andyan na! Easy ka lang ha! Bibigyan naman siguro tayo ng consideration kasi nga e FIRST DAY ng SCHOOL.”

At talagang inemphasize ni kuya ang word na First Day. Siguro ay para matauhan ako. Hahaha. :D

“Kuya, ready ka na ba?”

“Opo, andyan na.”

Umalis na kami papuntang school. Mga 10 minutes ang biyahe papunta dun.

“Kuya bye na ha! Dapat behave ka ngayong first day ng school. Kundi isusumbong kita kay mommy. Hinay hinay pati sa mga girls ha!”

Kilala si Kuya sa school. Varsity player sa Tennis, hindi lang yun, pwede rin syang pang sub sa basketball. Haha. Matinik rin yan sa chicks.

Ako naman e kilala rin sa school, siguro kasi e popular ung kapatid ko. Want me to describe myself? Ang height ko siguro e mga 5’0 lang. Medyo maputi ako, mahaba ang buhok, simple lang. Pinalaki ako ni mommy na simple lang, kahit alam sa school na ‘mayaman’ kami. Ewan ko na lang kay kuya kung bakit ang presko nun. Pero mabait un, kahit papano. Di ako masyado matalino, average lang ang IQ ko. Pero pagdating sa mga praktikal na bagay, alam ko matalino ako.

May bestfriend nga pala ko, si Shayne Trisha Llanes Garcia. Bestfriend ko na sya since first year pa kami. At take note, my crush sya kay Lawrence Jacob Tuviera Diaz. Oo! Sa kuya ko. Di naman nya un tinago sakin, para san pa at naging magbestfriend kami kung magsisikreto sya sakin diba?! Pagpasok ko ng classroom..

“Hey Baby Shayne!”

Sanay na ko ng may ‘Baby’ ang tawag ko sa kanya.

“Hi bhest! Kamusta ka na?”

With matching beso at hug pa. Daig pa namin ang hindi nagkikita ng isang taon, samantalang lagi kaming magkachat. Haha.

Biglang nag ring ang bell, ibig sabihin start na ng class.

First period, paulit ulit na orientation, vision at mission ng school, mga rules to follow, at mga bagong rules na kailangan pang malaman.

Lunch break na nung nakapag usap na kami ulit ng aking bestfriend.

Bigla namang tumabi sa table namin si kuya, kasama ang ‘bff’ nya na si Viel Kristoff Lopez. Ang aking crush na suplado at presko din katulad nung kuya ko, pero mas presko to. Ewan ko kung anung nagustuhan ko dito. Maybe there’s something inside of him na di ko maexplain dahil di ko pa nga sya nakikilala masyado, kahit palagi syang kabuntot ng kuya ko.

“Pwede paupo?” sabi ni kuya.

“Hindi hindi, kitang nakaupo ka na dyan” sabi naman ni Shayne.

Lumabas nanaman ang pagkamataray ni Shayne, samantalang crush naman niya si kuya. Haha. Ewan ko ba dun.

Katapat ko ng upuan si Viel. Ayun, tahimik lang habang kumakain. Napakasuplado talaga. :s

Natapos na kaming lahat kumain at nagpaalam na samin sila kuya, babalik na rin kasi sila sa room nila.

vote po kayo dali :))) mag aupdate po ako every hour kasi libre ang internet :))

Ang Bestfriend Kong InLove Kay Kuya (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon