Chapter 5

61 2 0
                                    

2 weeks have passed. Hindi parin ulit nabibigyan ni Shayne ng gift si Jacob dahil nga baka may makakita. Pero in fairness, wala paring nakakahuli sa kanya. Almost 2 years na niya yung ginagawa. Ang galing di ba?

“Hi Shayne!”

“Good morning Nicole!”

“Anu nga palang ginagawa mo dito sa locker ng mga fourth year?”

“A—e, ano.. Wala. Kasi e inutusan ako ng kuya mo na hanapin kung sino yung nagbibigay daw sa kanya ng mga gifts.”

“Inutusan ka? Bakit? Para san?

“Para daw matanggap niya yung sorry ko. Di ba nagalit yun sakin?”

“Ah. Oo nga pala noh.”

“O sige, tara na sa room.”

Hindi na naibigay ni Shayne yung gift nya dahil naandun pala si Nicole. Hindi alam ni Nicole kung sino yung nagbibigay ng gift sa kuya nya. Ayaw rin namang ipaalam ni Shayne.

Nakasalubong nila si Jacob, mukang pupunta ata sa locker nya.

“Good morning Shayne! >:)” Nginitian nya to ng mapang asar na ngiti.

Himala. Ngumiti na lang si Shayne kay Jacob.

“San kayo galing?”

“Dun sa mga locker.” Sagot ni Shayne.

“O, e may nakita kang regalo dun?”

“Kuya wala kaming nakita. Nauna akong dumating dun sa mga locker. Naunahan ko pa si Shayne.” Sagot ni Nicole.

“O, e anung ginagawa mo dun?”- Jacob

“Hinahanap ko yung babae na nagbibigay sa’yo ng gifts. Malay mo yun na pala ung maging ate ko. Hahaha.”

Napangiti si Shayne na pasikreto sa sinabi ni Nicole. :”>

“Ikaw talaga, o sige, hatid ko na kayo sa classroom.”

“Ano ka ba kuya! Hindi naman kami madidisgrasya or what. Ang OA mo. Sa kabilang building lang naman kami e.”

“Gusto ko lang masiguro na safe ka. Hahaha.” Sabay tawa na parang nang-aasar. >:DDDDD

Ang totoo ay gusto ihatid ni Jacob sila Nicole ng dahil kay Shayne.

Pagdating nila Nicole at Shayne sa classroom.

“Pag nalaman na natin kung sino yung nagbibigay ng gift sa kuya mo, sa tingin mo, matutuwa kaya sya?”

“Sigurado ako na matutuwa yun.”

“Ahm.. Paano mo naman nasabi?”

“Secret lang natin to ha?”

“Oo naman. Sige, ano ba yun?”

“Kasi e merong box si kuya na malaki sa kwarto niya. Nakita ko yun nung pumasok ako sa kwarto niya. Wanna know kung ano yung mga laman nung box na yun?”

“Ano yung mga laman? Pabitin ka naman e. Hahahaha.”

Excited na sabi ni Shayne.

“Easy ka lang bhest. O eto na.. Yung mga gifts na binibigay nung girl ay nandun sa box na yun! Tinatago nya yun simula pa lang nung kauna-unahang bigay sa kanya nung girl!! Shhhhh.”

Napatayo naman si Shayne sa kinauupuan niya. Napatingin sa kanya yung classmates nila. ÖÖÖ

“Shayne! Umupo ka nga. OA ang reaction mo ha! Hahaha.”

Naupo naman si Shayne.

“A----e, Hahaha. Nagulat lang ako dun sa sinabi mo.”

“Basta wag kang maingay ha. Kaya kailangan nating malaman kung sino yung nagbibigay nung mga gifts sa kanya.”

“Okay. Sure Baby Nicole. It’s a secret.”

vote naman po or comment para malaman ko kung may natutuwa ba sa ginagawa ko or what. thanks :S

Ang Bestfriend Kong InLove Kay Kuya (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon