Chapter 12

46 3 0
                                    

Monday Morning…

“Nicole!” –Shayne

“Good Morning Shayne!” -Nicole

“Bayad ka na ba sa field trip?”

“Oo, bayad na ko, lahat lahat na ng bayarin sa school binayaran na nila mommy.”

“Yaman talaga e. Samahan mo naman ako mamaya, magbabayad na ko.”

“O sige ba.”

Si Shayne ay commoner lang sa school. Hindi sila masyado mayaman katulad nila Nicole pero may kaya naman sila. Ang tulong na lang na binibigay ni Shayne sa mga parents nya ay ang pagiging scholar sa school na pinapasukan nila. First Honor si Shayne. Si Nicole? Average, hindi man lang kasama sa top ten. :))

“Ang bilis noh? Sa Friday na nga pala ang field trip. Kasabay pa natin sila Kuya.” –Nicole

“Oo nga e. Sana maging mas masaya ang field trip natin gayon, hindi katulad nung last year, boring ang mga pinuntahan.” –Shayne

“Hahaha, oo nga. Masaya lang sa mall e, madami akong pinamili last year.”

“Madami ka kasing pera. :D yung damit na magkaparehong binili natin e nasa amin pa. Di ko masyado sinusuot. Important e. :))”

“Puro pagkain lang kasi ang binili mo nun. Haha :))”

“Syempre, mahilig ako kumain e. Haha. Pati alam mo naman na mabilis akong magutom di ba?!”

Super Fast Forward… Field Trip na. agad agad..

Sa bahay nila Jacob..

“Kuya! Bilisan mo na dyan! 6am ang assembly di ba?!”

“Opo, andyan na.”

“Ang bagal mo talaga kumilos. May pa-wax wax ka pa dyan. May pinopormahan ka na ba, ha Kuya?”

“Pag ba nag aayos ng sarili may pinopormahan na agad? Hindi ba pwedeng kailangan e palagi ka lang gwapo?”

“Di mo na kailangang mag-ayos. Tingnan mo ‘ko, hindi ako masyado palaayos, pero tamo, dyosa parin. Hahahaha!”

“Sus. Tara na, alis na tayo, kung anu-anung sinasabi mo dyan.”

Pumunta na sila sa school. Bus #2 sila Nicole at Shayne. Sila Jacob at Viel naman ay #3.

6am ang assembly pero 6:45 na umalis ang bus.

Nag stop-over sila sa SLEX. Para umihi, kumain or what so ever.

Papunta na sila Nicole at Shayne sa bus ng lumapit si Jacob sa kanila.

“Nicole, ayan, pagkain.”

“Kuya ba’t naman ang dami nito?”

“Syempre, para hindi magutom ang bestfriend mo. Baka mamayat yan. Haha.”

“Ih, ikaw kuya ha. Crush mo ba si Shayne?”

“Hin---“

“Tara na sa bus, baka tayo na lang ang hinihintay.” –umentra na si Shayne

“Bye kuya!”

Sa bus #2…

“Uy Nicole, kung anu-anu sinasabi mo sa kuya mo.”

Ang Bestfriend Kong InLove Kay Kuya (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon