Chapter 4: Joke

267 12 6
                                    

Keitlyn's POV

"can I court you?"

O___O 

nagulat talaga ko sa sinabi ni Dylan. 

Di ko alam ang isasagot ko, gulong gulo ako. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?

Buti na lang wala na yung spotlight sakin, pero bakit ganun? ang tahimik at sa tingin ko lahat sila nakatingin samin. feeling ko lang naman, sana nga, feeling ko lang talaga.

Ano nang gagawin ko ngayon? 

Dylan's POV

kitang kita ko kay Keit na gulong gulo sya, tingin ko hindi nya alam ang isasagot nya.

" JOKE lang yun Keit, ano ka ba bestfriend? sineseryoso mo yun? praktis lang. Ha-ha "

di ko alam pero 'yun na lang ang  nasabi ko. di ko rin alam kung bakit yun nasabi ko, tsk, pati ako naguguluhan na sa sarili ko.

Keitlyn's POV

"Joke lang yun Keit ... "

nakahinga ako ng maluwag nung sinabi nyang joke lang yun, dahil kung nagkataon wala talaga akong maisasagot na matino sa kanya.

Mga 10 PM na natapos yung performance nung bandang CAMPS, hindi narin ako nakapagconcentrate sa pakikinig sa kanila kasi nadestruct na ko. 

Nawindang kasi talaga ko sa sinabi ni Dylan. Alam kong joke lang yun pero, ewan ko ba, parang di na ulit nagsalita si Dylan pagkatapos nung joke nya na 'yun. Hanggang sa makauwi na ko sa bahay hindi na talaga sya nagsalita pa bukod sa "bye" pagkatapos nya ko ihatid.

Napaisip tuloy ako..

Joke lang ba talaga 'yun? 

Bestfriend ko si Dylan, OO, pero hanggang bestfriend lang talaga. Mora than that? siguro as a brother, pero wala na talaga, hanggang dun lang.

Ang alam ko lang, masaya kong kasama sya. At mahalaga sya para sakin.

[ after 2 weeks ]

waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh .. LATE na ko! ano ba 'yan. First day ng klase late pa ko. Tsk.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

'yun! nakarating din sa room, wala pang teacher? Yey! 4th year highschool na pala ko. Umupo ako sa may bandang gitna. Favorite spot ko 'yun, di masyadong malapit sa teacher, di rin masyadong malayo. Tsaka kapag may recitation, magsimula man sa Unahan o sa likuran. Safe si ako. Di ako mauuna, haha :D 

ang daldal ko na. tsk

"Dylan!" yey! klasmeyt ko pala si bestfriend. nays naman :D

tumabi na sya sakin tapos naghantay na  kami ng teacher.

After 5 minutes dumating na rin yung teacher. Beyan =__= ang bilis naman nya. Haha. 

Tahimik kaming lahat, syempre first day eh, tinitingnan namin kung mabait o masungit yung teacher, pag masungit medyo mabait kami, pag mabait naman, mabait pa din naman kami, yun nga lang maingay kami. Haha, mga pasaway eh XD

K. daldal ko na ulet =__=

"okay class, I'm Mrs. Raymundo and I'll be your adviser for this school year. Alam ko magkakakilala na kayong lahat, but I want you to meet your new classmate."

sino naman kaya 'yun?

hmmm.. 

" pwede ka ng pumasok Mr. Mariano " tapos may pumasok na isang lalaki.

parang pamilyar sya.

san ko ng ba sya nakita?

uhm, san nga ba?

"kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh" grabe naman makatili tong mga kaklase ko. Celebrity ba ang pumasok?

"diba member sya nung banda na CAMPS? kyaaahh, ang cute nya"

CAMPS? teka .. san ko ba narinig yun?

AH! naalala ko na! sya yung ...

'yung kumuha ng v-cut ko. =___=

O___O sya na naman? 

ang liit nga naman ng mundo.

"Classmate ko yung crush ko. Hihi ^^, 

sabi ko? sa bagay, ang dami ko namang crush eh .. sina Mario Maurer, Lee Min Ho, Kim Bum, Big Bang lalo na si TOP. sino pa ba? basta madami pa. Haha. Ang daldal ko naman =__="

HALA! BAKIT NA NAMAN SYA NAKATINGIN SAKIN ????? HINDI LANG SYA! LAHAT SILA, BAKIT BA?

"Huy! bakit ba lahat kayo nakatingin?" tanong ko, pero di sila sumasagot.

BAKIT BA ?!? >___<

____

Dedicated to ate Sharmaine. Read her story : The Sweet Surrender :)

Sorry po sa sobrang late na update. Busy po kasi at madaming istorbo =__=

K. Thank you so much for reading AL! iloveyouall =))

Thank you sa lahat ng nagbabasa, nagvovote at nagcocomment. Lalo na po sa nag-fan. Thank you so much! :D muahugs :***

VOTE.

COMMENT.

BE A FAN.

Thanks =))

Love.Love.Love.

# Asymptotica

# CAMPS.

Asymptotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon