Chapter 12: Field Trip

185 12 4
                                    

Saturday

Another boring but busy day. Busy sa projects, sa pagrereview at sa kung ano anong requirements na dapat ipasa. 

Tapos ko na yan gawin lahat kahapon, kaya ngayon wala akong magawa. Iniisip kong tawagan si Dylan kaso lang naalala ko, may tampo nga pala ko dun, dahil kay Sophie. Tsaka isa pa, for sure hindi pa yun tapos ayusin yung mga requirements nya.

Naalala ko na naman tuloy yun sinabi ni Squall, nagseselos nga ba ko? 

Ang tagal kong inisip yun. Sort of, siguro nga nagseselos ako. Siguro kasi hindi ako sanay na hindi ako ang laging kasama ni Dylan, laging kausap, laging kasamang kumain, na hindi ako ang inaalagaan nya. Hindi talaga ko sanay na hindi sya kasama. Nasanay na ko sa presence nya na lagi syang nasa tabi ko pag kailangan ko sya, in short, lagi lang akong nakadepende sa kanya.

Nasagot na ang tanong ko. Yes, nagseselos nga ako pero hindi dahil may nararamdaman na ko sa kanya kundi dahil hindi ako sanay na may ibang inaalagaan ang bestfriend ko bukod sakin.

Para pala kong bata sa asal ko last time, natatawa tuloy ako sa hindi ko pagpansin sa kanila, and at the same time, nahihiya ako sa pinaggagawa ko. Kailangan ko ng maging mature, yung tama sa edad ko, hindi yung ganto na para kong bata.

Nabawasan na rin yung pagkainis ko kay Sophie, inis talaga eh noh? Basta nung sinabi ni Squall na band mate nya si Sophie, parang nabawasan nga yung inis ko, kasi alam ko na kung bakit hindi nagsuplado si Squall sa kanya.

Pero bakit ba ko naiinis pa sa kanya? Eh wala naman ginagawa sakin yun?

Dahil naman sa gusto ko ng magmature eh pipilitin ko ng hindi mainis sa isang tao ng walang dahilan.

Pero may isa pa kong tanong,  isa na lang talaga.

Paano naging close sila Dylan at si Sophie? Childhood friends  ba sila? Pero sa tagal kong naging bestfriend si Dylan, wala naman syang nababanggit sakin na ganun.

Mabuti pa tanungin ko na lang sya.

Papuntahin ko na rin sya dito samin para makapagsorry  na din ako ng maayos sa kanya.

Papakainin ko ng maraming maraming pagkain para makalimutan nyang may kasalanan ako sa kanya. Hahahaha XD buti na lang talaga alam ko weakness nya XD

K. oo na po, alam ko waley -___- XD

Tinext ko sya na pumunta dito sa bahay, buti nandyan si Tita, may magluluto ng peace offering ko sa kanya XD

4PM, dumating na si Dylan sa bahay. Ayos! Natatakam na ko sa mga niluto ni Tita eh, haha XD Yummy :DD

Nakapatay yung ilaw, para pag bukas nya ng pinto tsaka ko bubuksan yung ilaw at makikita nya yung malaking banner na "SORRY BESTFRIEND" na ginawa ko, kasama nung mga niluto ni Tita, nagbake pa si Tita ng cake na may nakalagay ring sorry. Okay!

1

2

3

"Hello best! Sorry :)) Peace na tayo please? ^____^"

Nakita kong napangiti sya. Oyeah! mapapatawad na ko ni bestfriend! Sabi na effective ang mga pagkain eh XD Hahaha.

" Apology accepted "

"Yehey!" 

"Pero wait, bakit ka nagsosorry? Haha, medyo naguguluhan ako eh, wala kong matandaan na kasalanan mo sakin? ^___^v"

Ay! Hindi pala nya alam >___< Nebenemenyen XD

Dylan's POV

Nagulat talaga ko nung nagsorry si Keit sakin. For what? Yun pala dahil sa hindi nya pagpansin sakin last time. Dahil nainis daw sya sakin ng walang dahilan at gusto nya na daw nya magmature. Sa totoo lang, natatawa ko sa kanya. Haha, hindi nya na kailangan pang magsorry dahil sanay na naman ako sa kasungitan nya. Sa tagal ba naman naming magbestfriend? Diba?

Asymptotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon