Chapter 16: Crazy Love

146 11 4
                                    

Chapter 16: Crazy Love

Keitlyn's POV

Bakit ganun? Ang cold ni Dylan sakin? Ako lang ba 'to o talagang cold sya sakin?

Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.

Kinakabahan ako, kasi alam nyo yun. Nakauwi na kami from Fieldtrip at ngayon ang "friendly date" namin ni Squall. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan.

Nagkita kami sa may park ng mga 3PM, kwentuhan lang, kain, syempre treat nya. Pero bakit parang ang dalas ko ata magblush ngayon?

Tapos, hindi ko alam na may performance pala sila ngayon. Nakita ko si Sophie, nginitian nya lang ako. Hindi kami naging close ni Sophie dahil pareho lang kaming tahimik, wala man lang samin nagoopen ng topic nung room mate ko pa sya sa Fieldtrip.

Ilang araw na lang malapit na matapos ang christmas vacation, at balik aral na naman kami.

Nagsisimila na yung performance, kinakanta nila yung "For this is all I know" Tama ba yung title? di ko alam basta yun yun.

Nakatingin ulit sya sakin. Tapos parang nagflashback sakin lahat ng nangyari dati.

Nung unang beses kaming nagkita.

"Sorry, I thought you're my friend"

Naalala ko pa yung, kinuhanan nya ko ng V-cut ng walang paalam at hindi ako makaget-over sa kagwapuhan nya. Haha.

Pati yung pagkanta nya noon dun sa performance nila dati. Dito rin, ganto rin, nakatingin sya sakin. Pero ngayon di na ko assuming. Alam ko, sakin na sya nakatingin. 

Pati yung paggawa ng project, sa dyip. Pati na rin yung mga usapan namin sa text.

Ang alam ko dati, crush ko lang sya. Pero ngayon, mahal ko na ata sya.

Natapos na yung so called "friendly date" namin. Masaya naman all in all.

Pero parang may narealize ako. Ano ba talaga ang status naming dalawa? Close kami right? Close friends, pero bakit ganto yung pakiramdam ko? Parang feeling ko MU kami.

Hay, napakafeelingera ko talaga.

Nakita ko yung gitara ko sa may kwarto, namiss ko tuloy bigla si Dylan. Sya kasi ang nagturo sakin maggitara.

Tinugtog ko yung "crazy love" ni Kim Chui

I hate the way you walk

hate the way you talk

hate the way you look at me

Yung ang bagal mo maglakad? Hindi ko alam kung bakit pero nung binuhat mo ko nung fieldtrip, bakit nga ba ang bagal ng lakad mo? dahil ba gusto mong mas matagal tayong magakasama? okay. Ang feeler ko. Sorry na.

Yung kung makipagusap ka sakin sa text or kahit sa personal, ang saya saya ko, hindi ko alam kung bakit pero ganun eh. Ang sweet mo kaya dun :''''>>>

Yung titigan natin sa basketball game? Grabe, unforgettable Squall. First time ko makipagtitigan, at ganun pa katagal.

Hate the way you smile

Hate those big brown eyes

Oo! Isa pa yang ngiting 'yan! Makalaglag puso! Makalaglag ... Malaglag na ang dapat malaglag. Echos lang. Pero sa totoo lang, nakakatunaw yang mga ngiti mong yan. Kung alam mo lang.

Yung mga mata mo, hindi yan brown eyes noh. At lalong hindi big. Singkit ka kaya kasi, pero kahit ganun. Ang sarap pa ding tingnan.

Cause I know they're not for me

And we, will never be more than friends

And it hurts me every time I close my eyes

All I see is you

And this crazy love

Hindi nga ba para sakin yung mga ngiting yan? yung mga banat na 'yan? yung mga titig, hindi ba talaga para sakin yun?

Hindi nga ba tayo pwedeng maging 'more than friends'?

Itinigil ko na yung pagtugtog at pagkanta. Ang dami kong tanong, pero sya lang naman ang makakasagot nun eh. Si Squall lang, wala ng iba.

Pero, anong gagawin ko?

Nothing. Wala akong magagawa, just go with the flow. Bahala na.

__________________________________

Thanks for reading :))

I'm not sure kung tama yung lyrics, hindi ko na nacheck eh. Haha, pakisabi na lang po pag mali, Thanks :D

Ang igsi ng chap na 'to noh? :D

Asymptotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon