"AYYYYYYYYYYIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEE"
"Keit! Squall! Ano 'yan ah? Kayo ah"
"Ang sweet *o*"
Okay? Binuhat lang dahil napilayan, Sweet na agad? May pa "Ayie, ayie" pang nalalaman 'tong mga 'to. Kung sila kaya mapilayan?
Buhat buhat pa din ako ni Squall hanggang ngayon, muhka nga talagang nabibigatan sya kasi ang bagal ng lakad nya, o talagang mabagal lang syang maglakad?
Naalala ko yung listahan na ginawa ko before.
Bakit kaya ang bagal nya maglakad?
Nakita ko si Dylan, nilagpasan nya lang kami. Anong problema nun? Hindi man lang ako pinansin :( Wala na atang pakialam sakin yun. TSS >__<
May nakita kong upuan kaya sabi ko kay Squall, maupo muna kami.
Halata sa kanya na napagod sya. Di man lang nagsasalita eh. Sinubukan kong igalaw yung paa ko, masakit pa rin talaga :(
"Squall, salamat ah? kaya ko na sigurong maglakad, muhka kasing pagod ka na eh"
"Sure ka?" masakit pa din yung paa ko pero kaya ko naman ng tumayo eh, tutal naman, malapit na kami.
"Yeah, sure :)) Tara na?"
Inalalayan nya na lang ako sa paglakad. Nakarating na kami dun sa place. Isa lang syang resort. Dahil sa masakit talaga yung paa ko, dumiretso na kami sa may clinic tapos pinatingnan yung paa ko.
Paglabas namin ng clinic, medyo okay na yung paa ko, tapos nagpasalamat na rin ako kay Squall sa tulong nya sakin. Dumiretso ako sa adviser namin para malaman kung saang room ako, then sabi nya sakin, sa room 29. Sabi nya rin na may room mate daw ako dun. Sino kaya?
Pagpasok ko dun sa room, walang tao, pero may gamit na, wala yung room mate ko? San kaya sya?
Inayos ko yung gamit ko then lumabas ako, sa labas ng room namin, may upuan kasi dun sa labas kaya dun muna ko.
Maya maya nakita ko si Dylan, kasama si Sophie. Na naman? At parang may seryoso silang pinag-uusapan. Ano kaya 'yun?
Sophie's POV
Naglalakad na kami ngayon ni Dylan papunta sa room ko. Nagtataka siguro kayo kung bakit ko sya kasama noh? At kung paano ko sya naging close agad?
Well, nagkakilala kami dun sa concert namin last time sa park. Nagrequest sya samin ng song for Keit. Nung time na yun, halata ng may gusto talaga sya kay Keit. Nung time na yun ako ang kinausap nya. Pati dun sa spotlight thingy, ako din ang nag-ayos nun para sa kanya. Ewan ko kung bakit ginawa ko yung request nya. Tapos nun, nung pauwi na ko, nakita ko syang nakaupo sa park, mag-isa.
Nilapitan ko sya at kinausap kung bakit sya nagiisa, nasaan na yung girl na kasama nya kanina, bakit sya malungkot, at bakit nandun pa sya. Sinagot nya naman lahat ng tanong ko at kinwento nya sakin ang nangyari. Dun kami naging close
Tapos nung nagkita kami ulit sa school, dun ko na ulit sya nakausap. And now, nagkekwento ulit sya tungkol kay Keit.
Kinwento nya sakin kung ano yung naramdaman nya nung nakita nyang binuhat ni Squall si Keit. At sa totoo lang, naawa ako sa kanya. Parang ganun, kasi hindi pa man sya nagatatapat about his feelings for Keit, pakiramdam nya, talo na agad sya.
Pero may iba pa kong nararamdaman, masakit, parang naninikip ang dibdib ko. At parang maluluha ako. Ito na ba yun?
Nung malapit na kami sa room ko, nakita ko si Keit, siguro sya na yung room mate ko. Nakita ko syang nakatingin lang samin dalawa ni Dylan.
BINABASA MO ANG
Asymptotic Love
Roman pour AdolescentsAsymptotes, which can get CLOSER and CLOSER but will NEVER be together.