Chapter 17: :'(
Paggising ko kanina, nandyan na yung kaba, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Basta iba, hindi ko maexplain.
Lumipas ang araw. Ang weird, para talagang may mangyayaring hindi maganda. Kinakabahan talaga ko, tsk. Ano ba 'to. Napaparanoid lang ata ako.
8PM
Boorriiiingg. Ang boring talaga. Natapos ang maghapon, nood tv, kain at pc lang ako. Katamad.
Then after 30 minutes, may nagdoor-bell.
*DING DONG* *DING-DONG DING-DONG DING-DONG*
Ay! Ang kulit naman nun, pwede namang isang doorbell lang diba? At tsaka, anong oras na oh, istorbo.
Binuksan ko yung pinto.
Si Dylan. Nakayuko lang sya.
Teka, bakit, bakit amoy alak sya? Nakainom ba 'to?
"Uy, Dylan, bakit nandito ka? Nakainom ka ba?"
Tumingin sya sakin, seryoso yung mga mata nya
"Keit, huli na ba ko? Huli na ba para magtapat ako sa'yo? Sorry sa pagiging torpe. Wala eh, wala kong lakas ng loob para magtapat ng nararamdaman ko para sa'yo, kaya siguro ako uminom ngayon, para kahit pano, mabawasan yung pagkaduwag ko."
naguguluhan ako sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo Dylan?"
"Keit, mahal kita ... Mahal na mahal kita. Alam mo ba yun? Ah. Syempre hindi, panu nga ba malalaman eh, torpe nga ako. Tsk"
Wala akong masabi, nagulat ako sa mga sinabi nya. Mahal nya ko? Kelan pa?
Mas lalo akong nagulat ng may nakita kong luha sa mga mata nya. Naawa ako sa bestfriend ko, bakit ba sya nagkakaganyan? Totoo ba yung sinasabi nya? Hindi ba sya nantitrip lang?
" Wala kang masabi? Ibig sabihin ba nyan, wala na talaga kong pag-asa? Ang sakit pala nun noh. Yung akala mo, nasayo na, akala mo naabot mo na, akala mo kayo na. Pero. Akala mo lang pala yun."
Hindi ko napigilang yakapin sya. At umiiyak na rin ako "Sorry Best"
Nagulat ako nung inilayo nya ko sa kanya. He's still crying. "Best, bestfriend, oo nga naman, hanggang bestfriend nga lang pala ko para sa'yo. Ha-Haha, sorry kung naistorbo kita. Goodnight. "
Alam kong pilit ang tawa nyang yun, bago sya umalis, nakita kong tumulo pa ulit ang luha nya. Kaya ngayon, hanggang ngayon, nakatayo ako sa may tapat ng pinto namin. Naluluha, Nakatulala, naguguluhan ako.
Hindi pa man ako nakakarecover ng maayos, may tumawag sakin. Si Sophie ...
"Keit"
Bakit para syang umiiyak?
"Si Dylan, naaksidente. Pakitawagan ang parents nya, at kung pwede, pumunta ka na rin dito, please?"
Hindi na ko nakasagot pa, umalis ako ng bahay, pumunta ko sa bahay nila Dylan, sinabi ko sa parents nya yung nangyari then sabay sabay na kami pumunta sa ospital.
Naluluha na ko, paano sya naaksidente? Eh wala naman syang dalang sasakyan ah! Engot talaga nun, di siguro tumitingin sa dinadaanan. Kakainis naman oh.
Hindi ko mapigilan, nagaalala talaga ko kay Dylan. Umiiyak na naman ako.
Sana .. Sana okay lang sya.
____________________________
Konti na lang :)) Parang ang OA ng scenes ? okay lang ba? Comment guys! :'>>> Thanks :***
![](https://img.wattpad.com/cover/1160575-288-k757348.jpg)
BINABASA MO ANG
Asymptotic Love
Teen FictionAsymptotes, which can get CLOSER and CLOSER but will NEVER be together.