FATE'S DESIRE

281 5 2
                                    

Dati, naiisip ko.. "bakit kung sino pa yung gustong gusto mo, siya pa ung hndi mapunta-punta sayo?"

matagal ko din yang inisip pero isa lang ang nakasagot niyan.

isang pangyayari..

isang NAPAKAGANDANG PANGYAYARI...

CHAPTER 1 

Ako si Liana. Third year high school na ako. Nag-aaral ako sa isang magandang eskwelahan. Masasabi kong maganda ang eskwelahan na yun sapagkat dun kami unang nagkakilala..

First Year..

"Hoy!! Halika nga dito!! sasabunutan na talaga kita eh, parating na sya oh! dali!", sabi ko. Ganyan  palagi ang sitwasyon naming magkakaibigan.. nagsisigawan. Lalo na ngayon, parating na si Jake.  Yung lalaking pinapantasya ko.. eto kasing dalawang to mas kinikilig pa kesa sakin eh.

Si Imay, ang pinaka-cute saming magkakaibigan. Pranka at maingay din.

Si Patty, palatawa, makulit at pinaka-matalino.

Ako naman, syempre, ako ang pinaka-maganda!! HAHAHAHA.. chos. ako ang pinaka-masungit at mataray saming tatlo kaya tuwing may mga kaaway ang dalawang yun, laging ako ang rumeresbak.

"eh kasi naman Liana, bakit ba kasi ayaw mo pa aminin kay Jake na gusto mo siya para hindi ka na nagtatago palagi!", sabi ni Imay.

"ayoko nga! ABA! babae ako noh at naniniwala akong 'girls should not make the first move' at isa pa, nakakahiya kaya!", sabi ko na may kasamang irap.

"tama ka jan teh!! naku, wag kang mauunang umamin ha? atska isa pa, sa tingin ko may gusto din naman sayo si Jake eh.", sabi naman ni Patty.

 Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Patty. Magdilang anghel sana siya. =">

"oh tara na, kumain na tayo!!" biglang singit ni Imay.

"cge na nga.. gutom na din ako eh." sabi ko naman na ma pagsang-ayon.

Habang naglalakad kami papuntang school canteen, nakasalubong namin ang grupo nina Jake. Gwapo si Jake at magaling mag-basketball. Kasama niya sina Leo, Miguel at Ethan. Magaling din mag-basketball si Leo at palagi syang nangunguna sa kalokohan pero mabait. Si Miguel naman mayabang habang si Ethan ay tahimik pero rock. HAHAHA.. 

Nang malapit na sila, biglang kumaway si Jake sa kinaroroonan namin. Lihim akong napangiti. Nang makalampas na sila sa amin, biglang nagsalita si Patty.

"Hala!! nakita mo ba yun?!! kinawayan ka niya! ibig sabihin ma gusto din siya sayo!! sabi na eh!" sabi ni Patty habang inaalog ako.

"ayieeeeeee.. kinikilig ka nanaman noh." sabi naman ni Imay na may pagtawa.

"hali na nga kayo! bilisan niyo na lang maglakad para makakain na tayo!" sinabi ko yun para hndi mahalata ang kilig na nraramdaman ko.

Pagkadating namin sa canteen, kumain na kami at nagchikahan. Syempre, binilisan na namin para maghabol ng mga assignments. 

Nang nasa room na kami, bigla akong nilapitan ni Jake.

"Liana, pwede ba kitang makausap?" halata ang pagkaseryoso ng mukha niya.

Tatanggi sana ako para hindi niya mahalatang may gusto ako sakanya pero biglang nagsalita si Patty.

"AYY. oo naman!! pwedeng pwede si Liana,. diba?" at bigla siya ng tumingin sa akin na may halong pamimilit. "teh, akin na yang notebook mo at ako na ang gagawa ng assignment mo" pagpapatuloy ni Patty.

"oh cge, eto oh." habang inaabot sakanya ang notebook ko at pasimpleng kinikilig.

Lumabas na kami ni Jake at pumunta kami sa may washing area ng school. Umupo kami sa may plantbox  at hinihintay kong magsaita siya pero nanatili siyang nakayuko kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Jake, ano bang sasabihin mo?" bakas sa mukha ko ang pagka-excited.

"uhm.. Liana, ano eh.." sabi niya na naka-yuko pa rin.

"ano yun Jake??" nakangiti kong tanong sakanya.

"Liana, magpapatulong sana ako sayo eh." sabi niya habang nakatingin ng diresto sakin.

Nabigla ako at medyo kinabahan.. pero naisip ko baka magpapatulong siya sa mga english lessons at kapag nangyari yun may pag-asang magkatuluyan kami kaya tinanong ko pa din.

"magpapatulong saan, Jake?", tanong ko habang hinihintay ang gusto kong marinig.

"Magpapatulong sana ako sayong manligaw kay Imay." sagot niya. 

FATE'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon