CHAPTER 2

290 1 0
                                        

CHAPTER 2

Gulat na gulat ako sa sinabi ni Jake. Parang gusto kong sumigaw, magwala, o kaya'y umiyak. Hindi ko   kayang intindihin ang sinabi niya kaya nanatili akong nakatulala. 'gusto ko sanang magpatulong sayong manligaw kay Imay.' paulit-ulit kong naririnig yun na parang yun na lang ang laman ng utak ko. Nakakabingi. Gusto kong tumakbo at iwan si Jake dun pero baka kapag ginawa ko yun mahalata niya na naaapektuhan ako. Ang dami kong iniisip. Bakit kailangang si Imay pa? Bakit best friend ko pa? Naguguluhan ako sa mga nangyayari nang biglang nagsalita sa Jake..

"uhm.. Liana? may problema ba? kanina ka pa kasi hindi nagsasalita eh." sabi niya na tila nag-aalala.

"ahh.. wala wala. Walang problema noh. hahahahaa,, bakit naman magkakaproblema?" sabi ko habang pilit na ngumingiti..

"so,payag ka???!!!" bakas sa kanyang mukha ang pagka-excite.

"oo naman!!! bakit hindi? akong bahala sa 'yo. ilalakad kita kay Imay, gusto mo itakbo pa kita eh." sinabi ko 'yon para hindi mahalatang nadudurog ang puso ko sa mga sandaling 'yon. 

"salamat Liana!! salamat talaga! so, kita na lang tayo mamayang uwian ah.. madami akong itatanong sayo eh." sabi niya kasabay ng pagtayo.

"okay. no problem. cgecge.. Halika na, baka kasi magsimula na ung Social Studies eh.. alm mo naman si Ma'am Odette, ayaw ng may nale-late." sinabi ko habang tumatawa at tumawa din siya.

Habang naglalakad kami papuntang room, nakangiti siya at tila sobrang saya samantalang ako, nakayuko at halos ibaon ko na yung mukha ko sa lupa dahil ayokong makakita ng kahit na sino. parang gusto ko na lang umuwi at magkulong sa kwarto.

Pagkadating namin sa room, sinalubong ako ni Imay at Patty at tinanong ako kung anong mga napagusapan namin.

"oh ano??? kamusta? anong sabi niya? inamin niya na ba?" tanong ni Patty.

Hindi ako nagsalita. Saktong dumating naman si Ma'am Odette kaya hindi na ako napilit ng dalawa.. 

Hindi ako nakapag-concentrate habang nagka-klase kami. Madaming tumatakbo sa isip ko kaya hindi ako maka-sunod sa mga lessons. Dumaan ang mga subjects na Social Studies, Math, at Practical Arts pero wala talaga akong natutunan ngayong araw..

Uwian na. 3:30 pa lang at hindi namin naka-ugalian ang umuwi kaagad pagkatapos na klase kaya  nag-stay muna kami sa room at nagkukwentuhan. 

"so Liana, ano nga??!! anong sabi ni Jake sayo?" tanong ni Imay sakin. 

hindi pa din ako sumagot.

nainis yata sakin ang dalawa kaya inalog nila ako pareho at wala akong nagawa kundi ang magsalita..

"uhm. kasi ano.." sabi ko na may halong pag-aalinlangan ang tono.

"ANO NGA?!" sabi ng dalawa na bahagyang pasigaw.

"Imay, kasi.. ano.. may ano kasi.." hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang biglang dumating si Jake kasama ang kanyang tropa. 

"Oh Liana, leggo na?" sabi ni Jake habang nakangiti sakin.

Nagtinginan sina Imay at Patty na halatang nagtataka kung bakit ako pinuntahan ni Jake kaya nagsalita ako para malinawan silang dalawa.

"ano kasi, magpapatulong si Jake sakin eh, sabi niya sabay na daw kaming umuwi. diba Jake?" sabi ko sabay tingin kay Jake.

"ah,, oo! sabay na kami. Don't worry, hindi namin papabayaan tong kaibigan nyo." sabi ni Jake na may kasamang pilyong ngiti.

"okay. sige na nga.. " sabi ni Patty.

Umalis na kami nina Jake kasama ang grupo niya at pumunta kami sa may Chapel ng school. Dun sila nagtanong ng kung ano ano.

FATE'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon