CHAPTER 3

85 1 0
                                    

CHAPTER 3

Madami silang tanong. Akala ko si Jake lang ang magtatanong tungkol kay Imay.. yun pala si Ethan ay may gusto din sa kaibigan kong si Patty kaya tanong din ng tanong. Ang kulit nila.. pero na-realize ko na masaya pala silang kasama..

"ano bang gusto ni Imay sa isang lalaki?" tanong ni Jake.

"si Patty ba eh mahilig sa mga chocolates?" tanong naman ni Ethan.

"ano bang mga hilig niya?" tanong ulit ni Jake.

"ano ba yung paborito nyang band? mahilig ba siya sa music?" tanong ulit ni Ethan.

Grabe. ang dami talaga nilang tanong at sunod sunod pa! Hindi ko na tuloy alam kung anong sasagutin sa mga tanong na yun..

Pero nakaraos din.. 

sunod sunod ang mga araw na laging sila yung mga kasama ko dahil nga madami silang gustong malaman.. 

Isang araw, kakarating ko lang sa bahay at napahilata na ako kaagad sa kama dahil sa sobrang pagod. Inisip kong matulog muna bago gumawa ng assignments pero hindi ako nakatulog kaagad. Sa isip ko, parang may galit akong nararamdaman kay Imay. HIndi ko alam basta naiinis ako sakanya.. BInalak ko nga syang wag na pansinin kahit kailan eh.. kaya lang naisip ko.. 'wala naman syang kasalanan kung nagkagusto sakanya si Jake eh.' habang nagninilay nilay ako may biglang nagtext sakin..

"hi Liana!" yan ang nakalagay sa isang text message. number lang eh, kaya malamang hindi ko sya kilala.

nagreply ako, "sino to?"

makalipas ang ilang segundo, may nagreply ulit. ang sabi., "si Leo to =)"

nagulat ako.. hindi ko inaakalang magtetext sakin yun mokong na yun. nagreply ulit ako, "oh? bakit ka biglang napatext sakin? may gusto ka din bang itanong tungkol kina Imay at Patty? o baka naman ako ang gusto mo.. hahahaha. chos. bkit nga?" sabi ko ng pabiro.

"hahahah! hm. wala naman. naghahanap lang ng katext. Actually, si Meann yung gusto ko.. ang taba kasi at ang sungit pa! XD", reply niya.

nagreply ulit ako at pagkatapos nun, lagi na kaming magkatext.

Sa school, lagi na kaming magkakasama.. Nahulog na kasi yung loob ni Imay kay Jake at Si Patty naman kay Ethan. Tuwing nakikita ko si Jake at si Imay na nagkukulitan at masaya, umiiwas ako ng tingin kasi nasasaktan ako.. nadudurog ang puso ko.. Minsan nga inisip ko, ano kayang nangyayari ngayon kung hindi ko nilakad si Jake kay Imay? magugustuhan kaya ako ni Jake? may pag-asa kaya saming dalawa?? pero naisip ko din na hindi ko dapat hadlangan yung kasiyahan ni Jake. Kung hindi talaga ako yung gusto niya, hahayaan ko na lang syang maging masaya sa taong mahal niya.. pero kahit laging yun ang iniisip ko.. hindi ko masasabing yun lagi ang sinasabi ng puso ko.. Lagi pa din akong nasasaktan... lagi pa din akong nanghihinayang.. 'bakit ba kasi kung sino pa yung gusto ko, siya pa yung hindi napupunta sakin?'  yan ang paulit ulit na tanong ko sa aking sarili. Tuwing nag-aaway si Imay at Jake, sakin lumalapit si Jake dahil ako lang daw ang makakapag-ayos sa kanilang dalawa. Dahil nga mahal ko si Jake, pumapayag naman ako.. kahit masakit, gorabells lang. keribumbum naman eh.. 

Naka-ugalian na naming magsabay sabay kumain at umuwi. SIna Jake, Imay, Ethan, Patty, Leo, MIguel at Ako. HIndi ko alam kung pano kami naging ganun ka-close sa isa't isa.. basta ang alam ko na lang, bigla kaming naging iisang barkada. Dati, si Imay at Patty ang best friends ko.. pero ngaun, si Jake at Leo na.. Siguro naging best friend ko si Jake dahil sa mahabang panahon naming magkasama nung nilalakad ko pa lang siya kay Imay. Si Leo naman, siguro dahil makulit siya at masungit ako kaya laging nagaargue yung sides namin na imbes na maging mag-kaaway kami, naging mas close pa kami. hahaha.. kulet noh?

Matatapos na yung 1st year.. hindi namin namalayan na mahaba na pala ang panahon na nakalipas.. madami na kaming mga pinagsamahan at madaming malalim na pinagsamahan.. HIndi ko inakalang magiging isang malungkot na pagwawakas ng 1st chapter ko sa High School.. 

Field Trip.. March 27, 2011.

Syempre, katabi ni Imay si Jake at katabi ni ethan si Patty.. so ako, left behind. Kaya nakatabi ko sa pinakalikod ng bus sina Meann (yung gusto ni Leo), Dianne, Nesse at Molly. Lima kaming nasalikod. Sila yung nagsilbing mga bago kong kaibigan... Power Rangers nga kung tawagin. Nasa harap namin sina Miguel, Leo, Mark at Markkkk. 

Habang nasa biyahe, tumabi ako kay Leo. Kinausap ko siya.

"Leo, pwede bang magtanong?" sabi ko..

.. wala akong narinig na ibang sagot kundi katahimikan.

FATE'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon