CHAPTER 7

46 0 0
                                    

CHAPTER 7

Nainis ako ng konti sa sinagot niya. Parang hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko. Bakit? Effective naman yun ah? wala naman akong sinabi na makaka hurt sa feelings niya.

"HOY, ANO NAAAAAAA???" sabi ko sakanya.

"hmm. okay sige, payag ako! sa isang kundisyon." sabi niya.

"anong kundisyon. kahit ano.." sabi ko.

"gagawin ko yun basta tutulungan mo din akong pagselosin si Meann." sabi niya.

"Eh bakit mo naman pagseselosin si Meann ah wala namang gusto sayo yun. Pano kaya magseselos yun. Duh?" sabi ko na may pagtataray.

"Kaya nga natin pagseselosin eh. Titingnan natin kung magseselos talaga siya.. Kapag nagselos siya, ibig sabihin may gusto din siya sakin. Oh diba?" sabi niya.

"Oh sige sige. DEAL?" sabi ko.

"DEAL!" tugon niya.

Tapos na kami kumain ng liempo nang mga oras na yun.. Pumunta kami sa room.. nagkwentuhan ng kung ano ano.. 

"Best, pakikuha nga yung bag ko dun sa upuan ko." sabi niya habang tinuturo ang upuan niya.

"Aba! sino ka sa akala mo???!" sabi ko sabay irap.

"AKO LANG NAMAN ANG CRUSH MO!" sabi niya.

Nabigla ako sa sinabi ni Leo. HIndi ko inaakalang sasabihin niya yun sa harap ng mga kaklase at kaibigan ko. Kahit sila ay nagulat din sa sinabi ni Leo pero dahil nasa plano nga iyon ay hindi ko na itinanggi at sa halip ay kinuha ko na lang ang bag niya at yun ang tila naging patunay sa mga kaklase ko na crush ko nga talaga siya.

"ayieeeeeeeeeeeeee!!!" sabay sabay nilang sinabi.

Hindi na lang ako sumagot at tumakbo ako sa washing area dahil sa sobrang pagkahiya sa ginawa ni Leo, hindi ko inaakalang mahihiya ako samantalang ako naman ang nagpropose nun.

Sinundan ako ni Leo.

"Oh bakit ka tumakbo? diba yun naman talaga ang plano?" sabi niya.

"ang sabi ko kasi, papaniwalain mo ako, AKO, hindi sila." sabi ko.

"eh ganun na din yun eh. Para mapaniwala mo ang sarili mo, dapat may tumutukso sating dalawa tuwing magkasama tayo, para mas nafefeel natin yung plano at para mapagselos si Meann." wika niya.

"ay. oo nga noh? paminsan minsan talaga nagkaka-utak ka din eh"  sabi ko sabay tawa.

Pumunta na kami ulit sa room at hindi kami nakaligtas sa panunukso nila.

4:30 ng hapon.. 

Pumunta kami ni Leo sa Obelisk since hindi na naman ganun kainit..

Umupo kami sa sahig at nagkukwentuhan about sa elementary life.. Nabanggit niya ang mga naging girlfriend niya.. Yung mga kalokohan nila, pati yung muntik niyang pagiging Valedictorian. Ako naman, nakuwento ko yung mga naging kaaway ko at kung pano ko sila tinalbugan.. Kwinento ko yung pakikipagaway ko sa mga teachers at kung ano ano pa..

Bigla kaming napatahimik matapos ang mahabang pagkukwentuhan.. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya dahil magkatabi naman kami.. Ganun lang ang pwesto namin ng mapansin na naming mejo dumidilim na..

"Best, umuwi na tayo.. mejo madilim na. Delikado para sayo ang magjeep ng madilim." sabi niya.

"hmm,. sa palagay ko rin eh. Oh sige, uwi na tayo.." sabi ko naman.

"Mamimiss talaga kita Best!! SOBRAAAAAA! basta magbestfriend pa din tayo kahit anong mangyari ah." sabi niya.

"Oo naman noh!! Best friend kita kahit anong mangyari.. Sana nga maging magkaklase pa din tayo sa 2nd year eh. MAMIMISS DIN KITA BEST!" tugon ko.

Tumayo kami at Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya din ako.. Mejo matagal kaming magkayakap at kakaiba ang naramdaman ko habang magkayakap kami. Parang kinukuryente ako.. HIndi ko alam pero basta kakaiba ung naramdaman ko kaya ako na ang unang kumalas sa magkakayakap namin.

"Mamimiss talaga kita Best, text text na lang ah." sabi ko..

Tumango siya at naglakad na kami papuntang sakayan ng jeep.

Bago ako sumakay..  Hinalikan ko siya sa pisngi..

"Bye Best, i love you." sabi ko.

HIndi ko na alam kung sumagot pa siya dahil pagkasabi ko nun ay sukakay na agad ako ng jeep at tumingin na lang ako sakanya nang makalayo na ang sinasakyan ko.

Nanatili siyang nakatayo doon habang natanaw kong nakahawak ang isang kamay niya sa pisnging hinalikan ko..

. . . . 

FATE'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon