CHAPTER 9
Nakita kong may kausap siya.. Aalis na sana ako at hihintayin ko na lang siya sa room pero may nagtulak sakin para pakinggan yung pinaguusapan nila ng kausap niya..
Nakita kong babae ang kausap niya..
Si Meann.
Naisip kong baka may sasabihin siya kay Meann na importante.. KInabahan ako pero inisip kong baka magpapaalam na iya kay Meann dahil ako na ang gusto niya. Pero, bakit naman siya magpapaalam kay Meann eh hindi naman siya gusto ni Meann.
nakinig ako para maliwanagan na ang iniisip ko..
"Leo, nagmamakaawa ako!!! narealize kong ikaw nga talaga ang gusto ko.. mahal mo pa naman ako diba??" pagmamakaawa ni Meann habang umiiyak.
Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko inakalang kung kailan pa mahal ko na si Leo tsaka naman papasok sa eksena si Meann.. Hindi ko na ninais pang marinig ang isasagot ni Leo sapapagkat alm ko namang mas matimbang si Meann para sakanya.. Matagal siyang nagkagusto kay Meann kaya ngayon na yung babae na mismo yung lumalapit sakanya siguradong hindi na niya 'yon palalampasin.
Tumakbo ako pabalik sa room. Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kahit na sino na mahina ako.. Pinigilan ko ang luha ko sa abot ng makakaya ko pero tumulo talaga.. Kaya dumiretso ako sa banyo. Doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko. umiyak ako, nagwala, nagmukmok. Hindi ko inakalang masasaktan ako ng ganito sa pangalawang pagkakataon. Akala ko si Leo na talaga.. akala ko.. pero.. NAGKAMALI AKO.
Lumipas ang unang araw ng klase pero tila hindi ko naenjoy. Nilalapitan ako ng mga kaibigan ko pati na rin si Leo. Kinakausap ko naman sila pero wala talaga ako sa mood para magenjoy kaya nung matapos na ang klase desidido na akong umuwi.
"Liana!"
may sumigaw sa may likuran ko pero hindi ako lumingon, ayoko kumausap ng kahit na sino ngayon.
"hey! Liana, bakit uuwi ka na kaagad?" tanong nia sabay hawak sa braso ko.
Si Leo pala. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Maiinis. Magagalit. Matutuwa. Kikiligin. EWAN! ang gulo..
"ah. kasi unang araw pa lang inulan na tayo ng mga assignments kaya kailangan kong tapusin kaagad 'to eh." pagpapaliwanag ko.
"Liana, umamin ka nga sakin. Hindi ka naman ganyan eh. May tinatago ka ba?" sabi ni Leo.
Ang galing talaga nitong bestfriend ko. Alam na lam niya kung may problema ako.
"ha?? wala ah. bakit naman ako magkakaproblema noh? okay lang ako." sabi ko naman.
"sus. alam kong may tinatago ka sakin. ano yun?? best friend mo ako diba?" wika niya.
"hay. kailangan ko na talagang umuwi eh.. mejo sumasakit na yung ulo ko. sasabihin ko na lang sayo bukas." sabi ko.
"hm. sige, ihahatid na kita.."
"hindi na Best, kaya ko 'to.." sabi ko.
"Tingnan mo! may problema ka talaga eh!! hindi ka naman ganyan dati. Nagpapahatid ka naman pero ngayon hindi na." sabi niya.
"eh basta.. kaya ko 'to. Bakit ba masyado kang concern sakin?" sabi ko na mejo naiinis na.
Hindi siya sumagot. nanahimik lang siya. Nagtaka ako kung bakit bigla siyan tumahimik pero hindi ko na 'yon pinansin..
Naglakad ako palayo.. HIndi ko naman naramdaman na sinundan niya ako kaya kampante akong naglakad..
Medyo nakalayo na din ako sa school kaya gumaan na ang pakiramdam ko kahit papano compared dun sa nararamdaman kong sakit kanina..
Malapit na ako sa sakayan ng jeep nang biglang..
BINABASA MO ANG
FATE'S DESIRE
RomanceBased from a true to life story.. Si Liana ay isang babaeng naghahanap ng pagmamahal. Hindi niya ito matagpuan sa taong gusto niya.. bakit nga kaya??? bakit hindi siya matutunang mahalin ng taong mahal niya?? Well. it's time for you to find out. HAP...
