CHAPTER 5

66 2 0
                                    

CHAPTER 5

"ikaw?!! bakit ka nandito? wag mo nga akong akbayan!" sigaw ko kay Leo.

HIndi ko inakalang si Leo pala yung umakbay sakin sa pangalawang pagkakataon. Nagulat ako nung nakita ko siyang malapit sakin. Parang may kakaibang feeling. HIndi ko maintindhan eh.. basta ng alam ko naiinis ako sakanya. 

"sus. disappointed ka lang kasi hindi si Jake yung umakbay ulit sayo eh." sabi niya na may halong pagtawa.

Nagulat ulit ako. Bakit niya alam na may feelings ako kay Jake? Pano niya nahalata yun samantalang si Jake nga eh hindi nahahalata yun. Naguluhan ako sa sinabi niya.. pero bago pa man ako magsalita, inalis na niya ang kanyang kamay sa balikat ko.

"p-pano mo nalaman? b-bakit mo alam yun??.." sabi ko na may pagtataka.

"halatang halata kaya! HAHAHAHA.. pero wag kang mag-alala.. hindi ko naman ipagkakalat yun.", sabi nya.

"hm.. hndi ko naman siya crush noh.. ", sabi ko habang nakayuko.

"ahhh.. oo nga pala, hindi mo nga pala sya crush kasi mahal mo siya.. diba Liana??", sabi niya na may tonong pang-aasar. 

Hindi na ako nakasagot. Nahihiya ako. Kung alam miya ang nararamdaman ko kay Jake, ibig sabihin madami ding nakakahalata.. Posibleng hindi lang siya ang nakakapansin. whaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!! Atokong may ibang maka-alam ng tungkol sito. Nakakahiya kaya! 

"oh, bakit hindi ka nakasagot jan?? halatang guilty ah." sabi niya na tila nang-aasar pa rin.

"okay. sige na.. tama ka!! masaya ka na?? SIGURADUHIN MO LANG NA HINDI MO 'TO IPAGKAKALAT KUNDI KOKOTONGAN KITA!!!" pananakot ko sakanya.

Tawa lng ang isinagot niya.. Tila hindi sineryoso ang mga sinabi ko.

Nung malapit na kami sa may last destination.. katabi ko pa din sya.. hindi na sya umalis dun sa may inuupuan niya.. Nakipagpalit na ata sya ng upuan kay Dianne eh. So tahimik lang kami.. nag-iimikan lang kami kapag may sasabihin siya tapos tatahimik na ulit.. Madami kaming napagusapan habang nasa biyahe..

Dumating na kami sa school nang mga 6:30 ng gabi. Hindi pa ako umuwi kaagad kasi hindi ko pa gusto... Maya-maya eh lumapit si Jake sakin.. 

"mukhang nagkakagustuhan na kayo ni Leo ah.." sabi niya sabay pagtapik sa likod ko.

'hay nako. kung alam mo lang na ikaw lang ang laman ng puso ko hindi mo sasabihin yan.. ikaw lang ang gusto ko Jake.. ikaw lang.', sabi ko sa isip ko.

"ah.. oo, hahaha, masaya pala syang kasama.. hindi ko nga alam na magugustuhan ko siya eh." sabi ko. Pagkatapos kong sabihin ang linyang 'yon, nagulat ako. Hindi ko inaakalang lalabas yun sa bibig ko.. iba ang nasa isip ko pero iba ang sinabi ng bibig ko.. gusto kong bawiin yung sinabi ko pero mukhang huli na..

"SABI NA EH!! hahahaha. well, bagay kayo. hm. oh cge Liana, alis na ako ha? gabi na kasi masyado eh.. Ingat na lang." sabi niya.

Tumango lang ako dahil naguguluhan pa rin talaga ako sa mga nasabi ko.. 

Malapit na akong umuwi dahil magaalas-syete na nang gabi pero parang may something sa akin na pinipilit akong wag munang umuwi. Hinanap ko si Leo, hindi ko alm kung bakit gusto ko siyang makita basta ang alam ko kailangan ko siyang makita bago ako umuwi.. Naghintay ako ng 15 minutes pero wala talaga.. siguro umuwi na yun kaya napagdesisyonan ko na ding umuwi.

Hindi pa ako nakakalayo sa school ay may biglang humatak ng bag ko.. hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero sumigaw na kaagad ako..

"Magnanakaw!! magnanakaw!!" sigaw ko. Pero tumawa lang siya.. nang ma-aninag ko ang mukha niya,... 

haaaaay! si Leo pala.. 

sobrang laking pasasalamat ko na hindi magnanakaw yun pero mas nagpapasalamat ako kasi nakita ko siya.. hindi ko alam kung bakit kaya wag niyo na akong tanungin. Abot tenga ang ngiti ko nung nakita ko syang nakangiti sakin.

"OA ka naman,, hindi ako magnanakaw noh? HAHAHA,, kinuha ko lang yung bag mo para ako na yung magdala.. sorry kung natakot kita.. ihahatid na kita sa sakayan kasi madilim na." sabi niya.

"okay sige.. salamat Leo." sabi ko habang nakangiti.

Habang naglalakad kami papuntang sakayan, nagusap kami.. Malayu-layo din kasi ang sakayan kaya madami kaming napagusapan.. Nagkaron na nga kami ng callsign eh.. 'best'. Best yung naging callsign namin kasi bestfriends nga kami. (hindi lang halata).

Pasakay na ako ng jeep papuntang Cubao kasi dun ako nakatira.. pero bago pa man ako makasakay..

"Best, ingat ka ha?? itext mo ako kapag nakarating ka na sa bahay niyo." sabi niya..

Hindi ko masyadong naintindihan kung bakit ganun yung mga sinabi niya na parang nag-aalala talaga..

"wow. ang bait mo ata ngayon. hahaha, btw, sige. ikaw din ha? mag-ingat ka!" sabi ko na may kasamang matamis na ngiti.

Tumango siya at tiningnan niya na akong sumakay ng jeep.. Hindi siya umalis hanggang hindi pa umaandar ang jeep na sinakyan ko... Nang makalayo na ang jeep, natanaw ko siyang umalis na sa kanyang kinatatayuan.

..Pagkadating ko sa bahay, dumiresto na muna ako sa kwarto para magpalit.. buti na lang at wlang tao sa sala kaya nakapunta kaagad ako sa kwarto na walang nangiistorbo. Kanina ko pa iniisip kung bakit ganun na lang ako kasaya tuwing makikita ko si Leo.. wala naman akong gusto sakanya pero parang tuwing malapit siya, ang daming kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.. hay. ewan.. basta ang mahalaga, bestfriend ko siya.. yun na 'yon. =))

Pagkamulat ng mga mata ko, umaga na... Nakatulog pala ako kagabi ng hindi ko namamalayan. Siguro ay dahil sa matinding pagod. Gutom na gutom na ako pagbaba ko sa kusina.. Buti na lang sabado nun kaya hindi ko kailangan magmadaling kumilos. Kumain ako.. kumain ng madaming madami.. maya maya.. pumunta ako sa sala para makipagkwentuhan sa pamilya ko kasi nandun sila lahat,.. pero bago ako makapunta dun. tiningnan ko muna ang cellphone ko..

. . . . 

FATE'S DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon