"Kahit si man hater.. Walang sulat.." Eto na naman ako.. Kausap yung sarili ko habang nakaupo sa isang bakanteng classroom sa school...
Isa sa mga dati kong classroom....
At dito ko rin nakilala si man hater... At kung sino sya....
Hindi ko alam....
Nakilala ko lang sya ng dahil sa isang papel na sinulat nya..
Puro kabitteran sa buhay...
Mga komplikasyon sa lalaki...Na lahat ng lalaki sa mundo sinisisi nya...
Naging palagay ako sa pagsusulatan namin.. At aminado akong nahiwagaan ako sa kanya..
Halos tatlong buwan din kaming nag uusap sa papel...
Tapos bigla syang nawala...
Siguro nahanap nya na yung asukal na magpapatamis sa mapait nyang buhay pag ibig...
Hanggang sa sumulat syang muli at nais nyang makipagkita.. Kaso hindi ko agad nakita yung papel na sinulat nya.. Akala ko kasi hindi na sya susulat...
At naging busy na ako nun sa pag ayos ng internship ko....
At kay Lham...
Sayang lang dahil hindi ko sya nakilala...
Kamusta na kaya sya???
**********
Lumipas ang ilang buwan..
End of school year na...Graduate na sila Vanessa at Yael...
At tuluyan ng titira si Vanessa sa japan at doon na magtatrabaho.. At si Yael..
Ewan ko dun....
At ako... Isang taon na lang... Makaka tapos na ko...
*********
New school year...
Bagong professor..
Bagong makakasalamuha...Sana naman may bagong mangyari sakin sa bagong taong ito....
"Lovely Madrigal?"
Sambit ng professor ko habang nagtatawag ng mga estudyante nya sa klasse....Tama ba yung narinig ko????
Nandito si Lham???"Present!" Sagot ng isang babaeng nakaupo sa tabi ko..
Nanlaki ang aking mga mata...
At dahan dahan ko syang tinitigan
....Tumitig sya sakin...
Ngumiti.....
"Hi.. :)"
