"I knew it!!!!! Sabi na sa inyo ehh si Lham talaga yung nakita ko eh...
Lham kamusta kana??
Bakit ang dungis mo?" Si Vanessa.. Habang kausap si Lham...Oo... Si Lham nga...
Habang papunta siAnne sa airport ay may bigla daw humablot ng bag nya...
Yun siguro yung nakita ni Vanessa kanina..
"Ha??? Anong pinag sasasabi nyo????
Hindi Lham yung pangalan ko.....
Alex yung pangalan ko.....
At sino ba kayo???
Kilala ko ba kayo???"
Ha? Pinagsasasabi mo Lham...
Nagsisinungalin ka ba samin???"Alex.." Sambit ng isang lalaki sa di kalayuan....
"Max..." Sambit ni Lham habang palapit sa binata..
Niyakap nya ito..."Ma'am.. Sir.. Ano ho bang nagawang kasalanan ng asawa ko..."
A...asawa??????
"Ninakaw nya yung bag ni miss Madrigal."
Lumapit yung lalaki kay Anne..
"Ma'am.. Patawarin nyo na po sya.. Nagawa lang naman nya po iyo dahil kailangan namin ng pera.. Yung anak po kasi namin naospital.. Wala po kaming pera... At kung ikukulong nyo pa po sya.. Paano na lang po yung anak namin?"
A...anak?
" dont worry.. Hindi naman ako magsasampa ng kaso... Wag mo na lang ulitin yon... Eto oh.." Sabay abot ng pera...
"Para sa anak nyo."
Matapos ang usapan sa pulis ay pinalaya din si Lham.. Sabay silang umalis nung lalaki....
Sinundan namin...
Sa di kalayuan ay nakita naming kinakaladkad sya nung lalaki..
Sinmapal..
At sinakal....
"Kahit kailan talaga tatanga tanga ka!!! Buti na lang naniwala yung ninakawan mo dun sa kwentong ginawa ko... Sa susunod na mangyari to pababayaan na kita sa kulungan..!" Itinulak nya si Lham sa lupa...
Agad kaming lumapit sa kanya...
"Ok ka lang ba?" Tanong ni Anne kay Lham...
"A..anong ginagawa nyo rito?? Ipapakulong nyo ba ko??
Babawiin nyo yung pera?
Wala na sakin yun...
Kinuha na ng kasama ko..."
"Gusto mong kumain?"
*************
"Urggg.... Pasensya na ma'am..
Sir.....Ngayon lang kasi ako nakakain ng ganito kasarap na pagkain....
Saka apat na araw na din akong si kumakain...."
"Ahhhmmmm Miss... Ano nga palang pangalan mo?" Pagtatanong ni Yael sa dalagang sabik na sabik kumain...
"Alex... Alexandra Medina ho.. Pasensya na ho kayo.. Kung nag pangap kaming mag asawa at may anak nung kasama ko.."
"Ehh sino ba yon?" Pagtatanong ni Vanessa..
"Ahh.. Si Max po... Maximilian Medina... Sya yung kumupkop sakin apat na taon nang nakalilipas.. Sabi nya nakita daw nya ko sa may bay walk.. Mataas daw yung lagnat ko.. Hindi ko na po alam kung ano nangyari sakin nun....
Kasi sa totoo lang.. Wala akong maalala sa nakaraan ko... Si Max lang yung nagbigay sakin ng pangalan ko... At ng apelido nya.. Mang gagancho si Max...
Kaya bilang utang na loob.. Tinulungan ko sya sa pang gagancho nya.. Kung saan saang lugar kami pumupunta... Stokwa... Yun ung madalas naming ginagawa.."
"Amnesia..." Sambit ni Anne..
"Actually.. Hanggang ngayon.. Pinaiimbistigahan ko pa rin kay daddy si Lham..
At nakakuha nga kami ng impormasyon na may isang babaeng nakita na kamukha nya... Na iba yung pangalan... Yun sana yung gusto kong sabihin sayo Ellie. Kaso di ko muna sinabi habang di pa kami nakasisigurado.."
"Excuse me?...
Ano ho ba yung mga pinagsasasabi nyo po??"
"Wala ka ba talagang maalala??..
Yung pag kabata mo??
Hindi mo ba maalala?"
"Yung ala alang meron lang ako...
Ay yung ala ala ko nung nakilala ko si Max...
Yun lang ho at wala ng iba."
