"I'm Lovely Anne Madrigal..
You can call me LAM..
Archi student.. Fourth year...
And you???"
Kung mamalasin ka nga naman..
Sa dami dami ng pwedeng ipangalan sa mundo..
Bakit yun pa....
"Ha.... Hi.....
Elijah Red Mariano. ....
Ellie... Civil engineer..""Nice to meet you Mr Mariano..
So bagay pala tayo.. :)""Ha?!"
"I mean......
Engineer ka.....
Architect ako....
Bagay tayo magkasama sa trabaho....."
"Ahhhh....... Hahaha.. Oo nga.. Sorry"....
Lovely Anne Madrigal.. Lam for short.... Nag kulang lang sya ng "H"...
Sa dinami dami naman kasi ng pangalan sa mundo bakit yun pa?????
Pwede namang Adora, Lucia.
marcia....
Aurora....
bakit Lovely pa??
*************"Hayyyss.. Kamusta ka na kaya jan sa tate??
Sana naman ok ka lang.....
Bilisan mong magpagaling para magkita ulit tayo....
Miss na kita......
Sobra...." Eto na naman ako.. Parang tangang kinakausap si Lham..
I mean yung picture nya....
"Alam mo hindi ako magtataka kung isang beses magsasalita yang babaeng nasa picture.. ;)"
Boses ng babaeng bigla na lang bumulong malapit sa may tenga ko...."La.. .Lam!!!!!! Anong ginagawa mo dito????"
"Dito kasi nag aaral yung bestfriend ko.. Sabi nya hintayin ko sya.... Dito kami madalas tumatambay sa tiwing hinihintay ko sya..
Girl friend mo??"
Sabay turo sa picture ni Lham...."Dapat.."
"Dapat??"
"Oo dapat."
"Ano nangyari?"
"Nawala sya"
***********
"I'm sure maganda yang si Lham... Lahat kaya ng lovely magaganda.. Hehe...
Kaya pala nung nakita mo ko medyo nagulat ka....
Sige.. Anne na lang itawag mo sakin.. Para di mo sya masyadong maalala..
Grabe naman nangyari sa kanya....
Hanggang ngayon ba nasa tate pa sya??
Sinubukan mo na bang puntahan yung bahay nya?"
"Hindi ko alam kung saan sila nakatira..."
"Diba boy friend ng best friend mo yung bestfriend ni Lham???
Baka alam nya kung san sila nakatira.."
"Pinuntahan din daw nya yun...
Kaso walang tao..""Ehh ngayon?"
"Nasa japan na yung best friend nya.. Sinundan yung best friend ko.. Ang pagkakaalam ko kasi.. Nagalit si Lham kay Yael.. Pero hindi ko alam yung dahilan ng pinag awayan nila..."
"Ang saklap naman pala ng love life mo.. Pero sige tutulungan kita sa problema mo.. Investigator yung dad ko.. Baka matulungan ka nya.. Ako na bahala dun.. For free na yun.."
"Ta... Talaga?"
"Oo nga.. Kesa naman sa mabaliw ka pa kung araw araw mong kakausapin yung picture nya.. Baka sagutin ka na nyan pabalik..."
"Salamat ha"
Kahit papano... Sana mabigyan naman ako ng kasagutan sa lahat ng mga tanong ko..
At sana... Mahanap ko na sya ulit...
