"Engineer Mariano.. :)"
"Kamusta naman yung Architect ko?"
"Eto.. Nakakapagod.. Madami kaming ginawa..
Kamusta naman yung napaka gwapo kong boyfriend?"
Apat na taon na palang nakalipas...
Isa na kong ganap na Engineer.
At dalawang taon na kami ni Anne..
Sa paglipas ng panahon..
Natutunan ko din syang mahalin...
At si Lham....
Wala na akong balita sa kanya...
Siguro naka move on na din sya....
Siguro nga....
"Sya nga pala Anne .
Pauwi sila Van at Yael dito...
Gusto daw nila dito ganapin yung kasal nila..."
"Ahhh ganon ba oh sige tutulungan ko si Vanessa sa preparation.."
**********
"Ano Ellie? Nasan ka na ba?? Kanina pa kami dito sa airport...Baliktad na ba ngayon?? Yung sinusundo na yung naghihintay??" Ang sermon ni Prinsesa Vanessa habang kausap ako sa phone...
"Eto na nga eh.. Traffic lang talaga pero malapit na ko.. 15 minutes."
"Lham?"
"Ha ano yun?? Andyan si Anne? "
"Hindi si Lam na Anne...
Si Lham best friend ni Yael.."
Napahinto ako.....
Tama ba yung narinig ko??
Andun sya????
********
"Hindi ako pwedeng magkamali....
Alam ko sya yun...
Sya yung nakita kong tumatakbo kanina....
Parang madungis..
Pero sigurado ako sya yun." Pagsambit ni Vanessa habang pinipilit nyang nakita nya si Lham..
"Pano naman magiging madungis si Lham..
Sya nga pala ano ang sabi ni ate rhia sayo Ellie?" Pag tatanong ni yael...
"Ayun.. Wala pa rin daw silang balita kay Lham..
Kung si Lham nga yung nakita mo.. Bakit kaya sya tumatakbo??"
--kring--
Sa gitna ng usapan namin ay tumunog yung phone ko...
Si Anne....
"Hello.. Asan ka na?? Akala ko ba on the way ka na sa airport kanina?? Nandito kami sa cafetiria.. Malapit sa terminal 3..
..........
Ha? Police station??
Anong ginagawa mo jan??"
