Ellie #14

10 1 0
                                    

Isang buwan na pala ang lumipas.....



Matapos mag balik si Lham...





Pero ni isa sa ala ala nya...





Walang nagbabalik...





Babalik pa kaya yon?..

"Ahmmm.. Vanessa.. Yael.. Salamat sa pag invite samin sa kasal nyo ha.. " si Lham.
Minsan... Hindi pa rin ako sanay sa pagiging magalang at mapag kumbaba nya.....

"You're Yael's best friend.

Kaya dapat lang nandito ka noh....

Saka friends tayo...

Eh kung buhay nga lang si Third baka nandito rin yun eh..

Sige lang mag enjoy lang kayo sa reception and i hope you enjoy the food.. :)"

Lahat ng tao nagsasaya.....


Maliban lang sakin.....




Hindi ko alam yung mararamdaman ko habang tuwang tuwa si Lham na tinutulungan yun pagiging ignorante ni Max.....



Hindi ko alam kung naiinis
ba ako....




Oh nagseselos ako.....



"Ok ka lang?" Si Anne..

"Ah... Hmmmm... Ok lang ako...
Bakit?"

"Wala naman....


Baka kasi mapatay mo ng titig si Max"

"Ha.. Hindi ah.. Natatawa lang ako sa pagiging ignorante nya.."



"Ahhhhh......


Sana nga.....




Ganon lang..."


Alam kong puro  sakit na ang ibinibigay ko kay Anne..

Mahal ko sya....







Pero mas mahal ko si Lham..
***********


Sa gitna ng kasiyahan ay nagulat ang lahat ng aksidenteng matumba ang isang poste na props sa reception dahil sa pagkatulag nung bata...


Nagpanic ang lahat ng muntikan ng matamaan si Vanessa ng poste na naisalag ni Yael nung niyakap nya si Vanessa..

Hindi napuruhan si Yael.. Kasi magaan lang naman ito....

"Ok ka lang ba Alex?" Si Max habang tinatanong si Lham..

Hindi namin napansin na nanghina pala si Lham sa gitna ng pag papanic ng tao..



Nakahawak sa sumasakit na ulo....




"Arggggggggg!!!!!!!!!!"

Lumapit sila Vanessa at Yael....


"Ano nangyari? " pagtatanong ni Yael...

"Hindi ko alam...! Bigla na lang syang nagkaganyan nung may narinig syang nagsigawan eh.." Sagot ni Max...

Nawalan ng malay si Lham at agad namin tong isinugod sa ospital...
********

"She will be fine" ang sabi ng doctor... Due to shock daw.. Dahil daw sa panic kaya mag trigger yung chance na baka may naalala si Lham...






May naalala nga ba talaga sya????






Sana naman...




Lumipas ang tatlong araw...

Wala pa rin syang malay....

Si Max... Hindi umalis sa tabi nya.. Hawak ang kamay ni Lham.. Bakas sa kanya ang pagod....

"Pre mag pahinga ka muna" sambit ko kay Max...


"Ok lang ako pre... Gusto ko dito lang ako pag nagkamalay sya.."

"Th.....Third" si Lham....
Habang unti unting minumulat ang kanyang mga mata.

"Princess.. Ok ka lang ba?"
Si Yael...






Unti unting idinilat ni Lham ang kanyang mga mata...

"Si... Si Third?....

Asan si Third?"  Pagtatanong ni Lham kay Yael...


"Naaalala mo na kami?!"


"Oo naman yael.. Naaalala kita... Asan si Third?"

"Al....alex? Kamusta ka?? Ok ka lang ba?" Pagtatanong ni Max...



Tinitigan lang ito ni Lham..
Sabay lumingon sa akin....


"Ellie????

Hindi ka umalis??"

Dali dali syang pumunta sakin niyakap nya ko...

"Buti na lang...

Nahabol ka namin.....


Teka.....



Nasan si Third???

Kanina ko pa kayo tinatanong?"

L.O.S.TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon