Isang lingong nag kulong si Lham sa kwarto nya..
Dinamdam nya yung mga bagay na nalaman nya...
Iyak sya ng iyak ng dinala namin sya sa puntod ni Third....
At si Max
.........Hindi nya maalala...
Pero hindi tumigil si Max para suyuin si Lham....
Masaya ako sa pagbalik ng memorya ni Lham...
Pero nalulungkot ako para kay Max...
********"Hello? Max napatawag ka?
Nandito pa kasi ako sa site....
Ha??????
Nawawala si Lham?"
Hinanap namin si Lham....
"Sabi ko na nga ba....
Nandito ka lang." Sambit ko kay Lham..Habang nakaupo ito at nakatingin sa malayo...
Alam kong dito at dito lang sya pupunta.....
"Apat na taon ng buhay ko ang nawala...
Ako din sapat ang sisihin sa pagkamatay ni Third.....
Kasalanan ko yon.....
Apat na taong akong nawala...
At apat na taon din kitang iniwan... " hindi ko kayang nakikitang lumuluha si Lham....
Alam kong sobrang bigat ng kalooban nya.
Kung may magagawa lang ako...
"Pinapunta ko nga pala si Max dito...
Nag aalala sya sayo..."
"Ellie.."
"Bakit..."
"Wala na bang
Pag asa na mabalik ang lahat?....
Wala na bang pag asa tayo?"
Ngumiti ako....
Sumandal sa balikat nya.....
"Kung sakin lang.....
Gusto kong talikuran ang mundo... Para lang makasama ka..."
