Brownout Po sa Amin
©TrinieFangs. All Rights Reserved. 2012
Note: Ewan lang ‘to.. wag po seryosohin.XDD
ENJOY READING!!!
**
Mga alas-syete ng gabi nang mag-brownout sa amin. Hindi naming yun inaasahan kasi hindi naman nagpaalam ang kuryente na mawawala siya nang panandalian.
Bilang panganay, nag-feeling feelingang utos ako sa kapatidko na kumuha ng kandila para magbilagay ng liwanag sa nabiglang kadiliman.
May bar ng battery pa naman ‘yong laptop ko bago nag-brownout kaya mula sa PC, inilipat ko yung Broadband ko sa lappy ko. Makalipas ang ilang sandal, na-lowbat na ang lappy ko, parang ako, lowbat na ako ngayon. ToT’
Syempre, ako ang panganay kaya nung makaramdam ng gutom ang mga kasama ko sa bahay, inutusan ko na naman ang kapatid ko na maghain ng makakain sa hapag-kainan namin.
At dahil ako nga ang panganay, inutusan ko rin ang mga kapatid ko na kunin na ang mga sinampay at tupiin din agad ang mga ‘yon.
At habang nagtutupi ng mga damit ang kapatid ko, umupo naman ako sa tabi niya at nakipagkwentuhan sa kanya. Mabait akong ate kaya hindi ko sya tinulungan. Bago ako makapagsimulang magsalita, dumating din yung kapatid kong lalaki.
One thing about me is, kapag ako ang nagsimula ng kuwentuhan naming magkakapatid,pihado, walang patutunguhang usapan ang mangyayari.
Nagsimula ako sa pagko-comment tungkol sa ilong ng kapatid. Well, actually, palagi namang ilong niya ang pinupuntirya ko ‘pag tinutukso ko siya. Panganay kasi ako kaya umiral si Lea Laitera sa ‘kin.
“Jas…” baling-tawag ko sa kapatid ko. “Alam mo ba…” I lifted my forefinger. “Nung bumisita ‘tong si Alai sa’kin sa Puerto, lagging napagkakamalang mas matanda pa sa ‘kin.”
“Oh,bakit teh?”
“Paanoba naman, may bumisita sa boarding house namin na kaklase ko, alam mo ba tanong sa ‘kin? ‘Ate mo?’.” Tumawa ako ng pagak. Syempre dahil ako ang panganay sa ‘min, walang magagawa ang mga kapatid ko kundi ang makitawa.
“Ito pa!” Dagdag ko. “Nung sinundo namin si mama, kumain muna kami sa isag carenderia bago tumuloy ng pier. May kakilala ako na waiter dun, alam mo bang tanong sa ‘kin? Graduate na ‘yong ate mo di ba? WAHAHAHAHAHAHA.” At dahil nga panganay ako,kailangang makitawa ulit ng dalawang kawawang kapatid ko. Ang bait ko noh?
“Eh, ikaw ate? Bunsay ka naman.” Ganti sakin ng kapatid ko. Lumalaban!
“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinailangang mamatay ni Rizal.” Ako yan.
“Hala, Jas! Naiba yung sinasabi ni ate!” Namimilog ang matang sambit ni Alai. Pero syempre dahil panganay ako, nakitawa rin sila.
Tumayo ako mula sa upuan at pareho ko silang binigyan ng hapyaw na tingin. Tapos tumingin ako sa kisame at nagpatuloy sa pagsasalita na parang sinaunang makata. ‘Yon bang kalahi ni Pareng Balagtas.
“Di kaya dahil nalaman ng mga Espanyol na anak siya ni Sisa?” Kinampay ko ang mga kamay ko. “Eh bakit ang kandila, nauupos?” I glared at my confused brother and asked. “Nakakita ka na ban g rumaragasang dagat? “ Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “Tapos… tumuloy sa falls. Tapos may biglang lumitaw na barko! Tumalon yung mga isda sa TV. Titanic lang pala.”
Si Alai naman ang binalingan ko.
“Alam mo bang masakit masugatan? Kasi yung pulang kotse, dapat kulay blue.” Tumawa yung kapatid ko. Dahil ako ang panganay.
Umupo ako sa semento at umaktong naiiyak. “Paano na sila Crispin? Eh yung flashlight? Bakit nakabukas ang bintana?” Then I looked at Jas and acted as though I was surprised. I held my lips with my hands.
“Vice Ganda ikaw ba ‘yan?” napatingin ako sa likuran niya. “Hindi ko akalaing totoo pala. Ikaw ang pinakamagandang kabayo sa balat ng lupa.” Tawanan ulit.
~itutuloy~
“At…pa…huh?,eh? Chappie chapiie…toot t toot toot toooooot
![](https://img.wattpad.com/cover/1201027-288-k821380.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
Fanfiction*Ang Nakabukas na Zipper *A Thousand Crush *Maid In-Love *She Courted Him *Blind Painting *A Very Long Sad Story of Love (KathNiel) *Ang Pinakamasarap na Coke *Silent War *The Runner