Enjoy!
##
NAGNGINGITNGIT sa galit si Geneva habang nakakulong sa masikip, mabaho at madilim na bartolina. Walang ilaw na sumisilay sa silid na iyon at isang tao lang din ang kasya roon.
The small room was suffocating.
She cursed Martin in her mind, called him names and swore that she will never follow him again.
Hinding hindi kita mapapatawad Martin!
Makalipasang humigit-kumulang tatlong oras niyang pagtitiis sa lugar na iyon, bigla itong bumukas at tumambad sa kanyaang seryosong mukha ni Martin.
“Marunong ka bang mag-sexy dance?” hindi niya tiyak ngunit parang may nahimigan siyang pagkapahiya sa tinig nito.
“Kung iniisip mong mag-i-strip tease ako sa harapan mo, pwes, manigas ka!” irap niya rito, “ Wala na akong pakialam sa’yo! Pagkatapos ng lahat ng effort na ginawa ko para lang sa’yo, ganito pa ang igaganti mo, manigas ka!” Ibinuhos niya sa mga salitang iyon ang lahat ng hinanakit na nararamdaman niya. Kung alam lamang nito kung ano-ano ang mgaisinakrispisyo niya para lang masundan ito.
She cursed herself for falling in-love for him at first sight.
Saglit itong napipilan.
“Damn!” napaatras siya sa pader nang marinig ang pagsigaw nito. Ngayon lang niya ito nakitang magpalabas ng ganoong emosyon. Akala nga niya dati, robot na ito dahil sa palagi na lang poker-face ang nakapinta sa mukha nito.
He was glaring at her badly. Napalunok ang dalaga.
“T-teka, ‘yon naman ang gusto mo ah…” she stammered.
“Do you think I would want you to sexy dance in front of me?” madilim ang mukhang anas nito sa kanya.
Sa pagitan ng panginginig ng tuhod niya’y napausal siya ng pagsang-ayon.
**
“WOW, Chief, ang galing palang sumayaw ni Geneva ng sexy dance!” komento ni SPO2 Tiavez nang may paghanga habang titig na titig kay Geneva sa pagsasayaw nito sa dance floor.
Hindi niya tinugon ang komento nito sa halip ay itinuon niya rin ang tingin kay Geneva. Pilit na itinatago ang paghanga sa magaslaw at nakahahalinang pagsasayaw nito.
Nasa isang night club sila at kinuha nila itong asset para gamitin sa isang raid na gagawin nila. Kasama na roon pag-kumpirma na may secret tunnel mula sa dressing room ng club na ginagawang bagsakan ng illegal na droga. Iyon ang misyon ni Geneva, oras na matapos ang sayaw niya’y palihim niyang hahanapin ang tunnel.
“BE CAREFUL,” pagbibilin sa kanya ng binatang hepe nang matapos ang sayaw niya. May hearing piece lamang sya na gamit niya sa pakikipag-usap kay Martin nang palihim, “Ilinga mo muna ang paningin mo sa paligid bago mo ituloy ang paghahanap.”
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
Fanfiction*Ang Nakabukas na Zipper *A Thousand Crush *Maid In-Love *She Courted Him *Blind Painting *A Very Long Sad Story of Love (KathNiel) *Ang Pinakamasarap na Coke *Silent War *The Runner