This is just a fanfic. May nifa-fabricate ako na something better about our Love Story :p
Enjoy!
**
Matagal nang may gusto si King kay Trinie. Kinder pa lang sila nang una niya itong maging kaklase.
Di niya itinago na may gusto siya rito. Araw-araw nyang binibigyan si Trinie ng three roses.
Pero naging 2nd Year High School nalang sila, wala pa rin siyang makitang pag-asa sa pagmamahal niya rito. Palagi pa siya nitong dinuduro at sinisigawang, "Yuck! Si King! Nakita ko na naman!" at tatawa na ito nang napakalakas.
Pakiramdam niya, napapasigaw na lang ito sa pandidiri sa tuwing nakikita siya. Parang matalas na kutsilyo iyon na unti--unting humihiwa sa puso niya.
Dumating ang oras na hindi na niya napigilan ang sarili kaya kinumpronta niya ito.
"Trin, mag-usap tayo." Harang niya rito. Papasok na sana ito ng classroom.
Sandali itong natulala sa kanya ngunit pagdaka' itinuro na naman nito ang daliri sa kanya at sinabing, "Yuck! Si King! Nakita ko na naman!"
"Damn!" hindi niya napigilang mapamura, "Bakit ba palagi kang nandidiri pag nakikita mo ako?! Mga bata pa lang tayo, alam mong may gusto na ako sa'yo pero palagi mo na lang akong niya-yuck!" nakuyom niya ang kamao, "Palagi na nga akong nagpapabango, sampung beses na nga akong maligo araw-araw para lang sa'yo!Pero anong nakuha ko sa'yo? Palagi ka na lang nandidiri sa akin!" hindi na niya ito hinintay na magsalita at nagsimula nang humakbang palayo.Masyado nang masakit para sa kanya ang lahat.
Siguro nga hanggang dito na lang ang pagmamahal niya.
Hindi niya alam kung paano niya ito kalilimutan ngunit gagawin niya ang lahat mapalis lang ang pagmamahal na inuukol niya para rito.
Isa pa, pagkatapos nito, hindi na siya kailanman magkakaroon pa ng pag-asa pa kay Trinie.
"Y-yan
ung
crush
ko," narinig niyang mahinang usal nito nang makailang hakbang na siya.
Napahinto siya nang marinig iyon at napapihit sa direksyon nito.Nakayuko na ito at may naririnig na siyang mga pagsinghot.
"S-si King," nakita niya ang paggalaw ng balikat nito. Tanda ng paghikbi, "Nakita ko na naman siya."
-the end-

BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
Fanfiction*Ang Nakabukas na Zipper *A Thousand Crush *Maid In-Love *She Courted Him *Blind Painting *A Very Long Sad Story of Love (KathNiel) *Ang Pinakamasarap na Coke *Silent War *The Runner