Iyon ‘yon.
Tandang-tanda niya.
Hindi siya maaaring magkamali.
Ang mga salitang iyon ang mga unang salitang sinabi niya noong umamin siya rito.
Pero bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya ang lahat ng ‘yon?
Nakaplano na ang lahat e.
Oras na makalabas na siya ng ospital, magsisimula na siyang mag-move on.
“Ano bang sinasabi mo, mister?” hindi niya namalayang ginagaya na rin pala niya ang mga sinabi nito noon sa kanya.
“Gusto ko sanang magpasalamat sa’yo,” nagsimulang puminta ang pagkailang sa mukha nito ngunit nagpatuloy ito.
Humakbang ito palapit sa kanya.
“Pwede ba kitang yayaing mag-date?”
Matagal siyang hindi nakasagot, balong lang siya ng luha.
Pakiusap…tama na, sigaw ng isipan niya, Baka hindi na kita makalimutan ‘pag ipinagpatuloy mo pa ‘to.
“Pasensya na, mister, wala akong panahon sa’yo.” Katulad ng ginawa nito noo’y nilagpasan niya ito.
“Huwag ka munang umalis!”
Parang replay na napalingon siya rito. ‘Yon nga lang baliktad na ang sitwasyon nila ngayon.
Nanggilalas siya nang makitang itinutok nito ang baril sa sintido nito.
“Nakikita mo ba ang nakatutok ngayon sa akin? Ipinakasa ko na ‘to sa kaibigan kong siga! Isang kalabit ko lang, wasak na ang ulo ko,” ngumiti ito na nagpalabas ng pantay-pantay at mala-perlas sa puti nitong ngipin, “Hindi ka ba natatakot na mabawasan ng magandang lahi ang mundo?” wika nitong tila nananakot.
“Hindi,” luhaang sagot niya, “Kasi ‘yong hawak ko, totoong baril. ‘Pag ipinutok ko sa sarili ko, wala ka nang yayayain sa date.” Hindi niya alam ang tunay na dahilan nito, pero gustong gustong gusto na niya itong yakapin.
Kung maaari lamang sana.
Mahina itong tumawa, “Ikaw naman, nagbibiro lang ako,” kinalabit nito ang gantilyo, only to show that it was just a water gun, “Tignan mo nga, pistol lang ‘to.”
“I’m busy, sorry…I have no time for this kind of game.” Saad niyang umakma nang tumalikod.
![](https://img.wattpad.com/cover/1201027-288-k821380.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
Fanfiction*Ang Nakabukas na Zipper *A Thousand Crush *Maid In-Love *She Courted Him *Blind Painting *A Very Long Sad Story of Love (KathNiel) *Ang Pinakamasarap na Coke *Silent War *The Runner