MAID IN-LOVE (One shot)

11.8K 214 65
                                    

MAID IN-LOVE

Trinie’s Note: Ah ewan, cliché na kung cliché. Pero para kay birthday girl,isusulat ko ‘to. Happy Birthday Mau! Sorry ito lang nakayanan.

*unedited*

ENJOY READING!!!

**

Isang kilalang fashion designer si Maurin  sa Paris. She used to live there for five prosperous years pero bumalik siya sa Pilipinas after knowing her grandma’s death. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya mula noong mamatay ang mga magulang niya at gusto niyang samahan ito kahit man lang sa paghatid ditto sa huli nitong hantungan.

Ang bestfriend niyang si Trinie ang sumalubong sa kanya sa NAIA.

“MAUUUUUUUUUUUU!!! Haymisyow! Hangtagal nating hindi nagkita!” agad nitong bati sa kanya nang makarating na siya ng arrival area. May hawak pa itong placard na may nakasulat na pangalan niya. Iyon ang ginamit nitong pangkaway sa kanya.

She finds Trinie weird most of the time pero iyon din siguro ang dahilan kung bakit masaya siya sa company nito.

“I missed you too Trin!” kinawayan niya ito at patakbo niyag hinila ang travelling bag niya palapit sa matalik na kaibigan.

Nang magkalapit sila’y agad silang nagyakap.

 “SO,kumusta naman ang Paris?” tanong sa kanya ni Trinie habang nasa loob sila ng kotse nito. Ito ang nag-da-drive at kasalukuyan nilang binabagtas ang daan patungong Alabang, doon kasi nakaburol ang lola ni Maurin.

“Ayun, nakatayo pa rin doon ang Eiffel Tower.” she tried to crack a joke pero inismiran lang siya ng kaibigan.

“Haay, umayos ka nga! Ako lang ang may karapatang mamilosopa rito noh,” nakalabing saway sa kanya ng matalik na kaibigan. “So, yung totoo, kumusta ka nga run?” nilingon siya nito ngunit mabilis ding ibinalik ang tuon sa pagmamaneho. “Nagka-boyfriend kaba roon? Ilan? Ang daya mo naman kasi, hindi ka man lang tumatawag.”

She giggled with her questions. “Paano naman po kaya kita matatawagan, eh tuwing magpapalit ang buwan, nagpapalit ka rin ng number?”

“Mau naman eh, parang hindi mo alam ang trabaho ko,ikaw talaga!” at makahulugan itong tumawa.

“Ikaw talaga, hindi ka na nagsawa sa kalokohan mo na ‘yan.” Nakatawa niya ring sabi.

Maurin knew what Trinie meant. Alam niya kung ano ang dahilan nito sa pagpapallit -palit nito ng number at kasama rin siya nitong ginagawa ang bagay na iyon noong hindi pa siya nagta-trabaho sa Paris.

 Hindi na nagsalita pa si Trinie matapos niyon. Tanaw na kasi sa mga puntong iyon ang lugar kung saan nakaburol ang lola ni Maurin.

Nagkatinginan muna silang dalawa nang matapat na sila sa bahay ng tita ni Mau. Marahan siyang tinapik ni Trinie sa balikat saka nginitian.

“Kaya mo ‘yan.”

Sumalubong agad ang mga kamag-anak ni Maurin pagpasok nila ng pintuan ng bahay ng Tita Agnes niya. Lahat sila’y nakaputi. Maging sila ni Trinie ay nakaputi rin dahil isa iyon sa mga huling habilin ng lola ng dalaga.

Nagyakap sila ng tita Agnes niya, matapos niyo’y maliliit na ang hakbang na tinungo niya ang casket ng lola niya.

Pigil ang hininga niya nang marating niya ang abuela. Matagal siyang nakatayo lang sa tapat ng kabaong nito bago niya tuluyang sinilip ang mukha nito. Ang makita pa lamang ang coffin nito'y nakapanghihina na sa kanya.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon