friends 'till infinity

15 0 0
                                    

chapter 2

Matapos naming kumain dito sa Liyang Beach di kalayuan sa pinanggalingan namin kanina. Along the hi-way lang din ito. Seafood lahat ng pinaorder ni Kuya Lester.

'ang dami pa lang magaganda dito sa jasaan noh?' sabi ni winston na naka tingin sa mga babae na andoon sa beach.

'namamanyak ka na naman mahal ko!?' sabay batok sa kanya.

'eto naman, kung anu-ano pinag-iisip! ibig kong sabihin maraming magagandang lugar dito! kung maka-batok ka naman mahal.' reklamo niya na napakamot na lang sa ulo niya.

hindi naman sa nagseselos akpng masyado noh, pero nagseselos talaga ako. kahit naman kasi wala na kami ni Winston ay parang kami lang din naman. Hindi lang siguro ako nasanay na may minamanyak na iba.ahahahaha

'Oo, nga naman James,  bayaan mo na muna yang BESTFRIEND mo na iba ang manyakin.' sabat naman ni Michael na kaibigan nila Kuya Les.

inirapan ko lang siya dahil naman bukod sa hindi kami close ay hindi ko rin gusto na inimphasize pa talaga ang pagiging pag BESTFRIEND namin ni Winston. sarap pang suntukin.

Pasalamat na lang ako at dumating na din sa wakas ang order namin. gutom na din kasi ako masyado kaya kung anu-ano na lang ang pinag-sasabi ko.

'baby, kain ka ng marami ha kasi mag jajamming tayo mamaya.' kuya lester

'naman! kahit walang jamming kakain talaga ako ng bongga!' sagot ko sabay subo sa pag kain ko.

grabae lang naman kasi ang sarap ng mga pagkain dito noh, tapos naman puro daw ito bagong huli sa malaking fish cage.

'hinay-hinay naman z.y, para ka namang mauubusan dyan eh!' saway ni Kid na parang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin habang kumakain.

'masanay  ka na sa kababuyan ng pinsan naming yan kid, ganyan talaga yan. parang hindi pinapakain sa kanila. nakakahiya na nga minsan yan eh.' sabay tawa ni Mackee.

'mahal ko, baka gusto mong sumagot sa kanila?' si Winston naman ngayon ang nag salita na hinimas himas pa ang likod ko na para bang nabubulunan ako.

hindi ko na muna pnansun ang mga pang-aasar at panlalait nila, mamaya ko na sila aatupagin pag katapos kong lantakan ang mga pagkain.

Nang sa wakas ay natapos na din ako at nag iinuman na lang sila sa table ay naisipan kong ilabas na yung guitar ko.

'Mackee? samahan mo nga muna ako sa kotse ko, kunin ko lang yung guitar ko.'

'ako na lang sasama sa iyo James.' volunteer ni Kid.

'wag na ako na lang.' protesta naman ni Winston at bigla na akong hinila palayo.

wierd ngayon si Winston eh, kanina ko pa kasi napapansin na ayaw niya na magkausap kami ni Kid o kinakausap ako ni Kid.

'hoy! anyare sa'yo?' tanong ko sa kanya habang kinukuha ko yung guitar ko sa compartment ng chevy ko. kanina pa kasi siya tahimik at mukhang ewan.

'wala naman. tulad siguro ng nararamdaman mo kanina habang nakatingin ako sa mga babae sa beach.'

'hoy, Winston ha! huwag na huwag mong sabihin na pinagseselosan mo si Kid. mahiya ka nga!'

'at isa pa, hindi selos yung naramdaman ko kanina oy, naaawa lang ako sa chix na tinitignan mo kanina kasi alam kong hinuhubaran mo na sila sa imagination mong sobrang halay!' dagdag ko na agad naman niyang kinatawa.

baliw talaga to si Winston minsan eh. pero alam namin na kung ano talaga ang nararamdaman namin kanina.

bumalik na kami doon sa table namin na ngayon ay tila table na ng lahat. halos kasi lahat ng mga tao na nag-oovernight dito ngayon ay nasa table namin as in NAMIN.

ito namang si Winston ay halos takbuhin na ang kinaroroonan ng mga kasama namin na nag eenjoy na kasama ang mga naka bikining mga chix.

'hoy Winston ha, namumuro na talaga yang kalandian at kamanyakan mo! halos takbuhin mo sila doon ah at iwan ako!' galit kong sabi sa kanya na tinawanan lang ako.

nakakabwesit talaga to minsan pagdating sa mga babae eh. hindi ko nga alam kumg paano ito naginf ganito kamanyak kasu noong kami pa ay halos hindi ito makahawak sa kamay ko kung hindi muna nagpapaalam eh.

a rare loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon