nakarating na kami sa resort at deretso na kaming lahat sa resto para mag lunch. ang daming pagkaing inorder ni kuya lester pero hindi naman naubos kasi nabusog ang lahat kakain doon sa island. ipinibalot ko na lang yung mga natira sayang din naman kasi pwede pa naman itong kainin mamaya.
nag-aalangan akong pumasok sa room kasi alam ko andoon na ngayon si Winston. ewan ko ba, sa lahat talaga ng hindi nag bago sa akin ay yung pride ko pagdating sa kanya at sa mga petty quarrel namin.
pagkabukas ko ng pinto ayun nga si Winston nagtutulog-tulugan. dahan dahan naman akong pumunta sa banyo para makapag shower tsaka ako magpapahinga ng konti.
siguro nasa isang oras din ang tinagal ko doon sa shower. pagkalabas ko wala na si Winston sa kama.
siguro lumabas iyon para magpahangin. sabi ko sa sarili ko.
'una na akong uwi sa inyo.' sabi ni Winston na ikinagulat ko. magsalita ba naman siya na di ko nakita.
di umumiwa ka. sa isip ko lang pero iba naman lumabas sa bibig ko.
'oh bakit ka uuwi? anong gagawin mo doon eh wala ako doon.' sagot kp sa kanya pero nakatalikod lang.
sigurado nakangiti na ito ngayon at
5
4
3
2
1
yun yumakap na sa akin.
'langya, kala ko papayag ka ng umalis ako. pinakaba mo ako,whew.' sabi niya habag yakap yakap niya ako sa likod.
'lumandi ka pa at nang palayasin na talaga kita.'
'di na noh, tsaka umuwi na rin sila.' sabay tawa niya.
loko talaga 'tong si Winston eh, kung hindi pa pala umuwi yung lalandiin niya pahabaan pala kami ng pride.
'kain tayo mahal ko? hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina kasi hindi mo ako pinapansin eh.'
'so kasalanan ko?!'
'hindi noh, kasalan ko kasi ayaw mo akong mag explain.'sarkastikong sagot ng unggoy.
'ewan ko sa'yo, kumain ka mag isa mo. nang-iinis ka na naman eh!'
'ang drama mo! tara na nga!'
hinila na ako ni Winston palabas ng room namin at nagulat na lang kami ng maabutan namin si Kid sa labas na parang aalis na.
'Kid?' tawag ko sa kanya.
'yeah, i was about to knock but i heard you two are talking. sorry kung narinig ko kayo di ko sinasadya.' napakamot sa ulo niya si Kid sa huling nabanggit niya. kaagad ko din siyang nilapitan at niyakap ko ang kaliwang braso niya. halatang gulat siya sa ginawa ko.
'okay lang, niyaya lang naman ako ni Wins na kumain. tara samahan mo kami.' yaya ko sa kanya.
tumingin muna ito kay Winston ma parang nanghihingi ng permiso.
'oo nga brod, miss ka na ng mahal ko kaya sama ka na.' nakangiting sabi ni Winston.
yan din ang isa sa pinakagusto ko kay Winston eh, di bale ng ako ang lumalandi basta kita niya na masaya ako. super selfless niya lalo na pag dating sa akin. samantalang ako ang pinaka kabaligtaran niya.
habang nasa resto kami, panay abg kwentohan namin ng kung anu-ano. kasama na din doon kung saan ang susunod na distinasyon namin.
'Kid, may itatanong sana ako sa'yo eh, buti na 'yung marinig ko sa harap ninyong dalawa.' biglang iba ni Winston sa usapan.
'umaandar naman ang pagiging tatay mode nito. batukan ko kaya to, isa lang' yan ang nasa isip ko.
palihim kong sinipa ang paa ni Winston sa ilalim ng mesa. pero binigyan niya lang ako ng tumahimik-ka-dyan look. sarap talaga nitong pektusan minsan.
'sure, ano naman yun?' sagot naman ni Kid.
patay malisya lang ako sa usapan nipang dalawa at subo lang ako ng subo ng pagkain kahit na sobrang naduduwal na ako kasi busog na busog na ako.
'humanda ka talaga sa akin mamaya lalaki ka'. pagbabanta ko sa isip ko.
'you like Z.Y right? i mean it's obvious Kid. ang gusto ko lang malaman kung capable and ready ka ba kung mag grow yang like na yan? what i mean is--' hindi natapos ni Winston sasabihin.
'i know what you mean very well Wins and you don't have to worry because i am more than capable on anything pag dating kay James, 'wag mo nang tanungin kung bakit ko nasabi ang ganito dahil kahit ako di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko about James.' pagtatapos ni Kid.
at ako?! NGANGA po sa mga narinig ko. putching naman tong si Kid eh, masyado kung makapagpakilig!